44 Huling pakikibaka!

Nang mapagtanto niya na hindi niya kayang talunin ang halimaw na pumatay sa kanyang ama, nakaramdam ng labis na kalungkutan si Ye Song sa kanyang puso. pinagsisisihan niya ang mga desisyon na ginawa niya noon.

Naging sobrang arogante siya na gusto niya pang pahinain ang kanyang sarili para lamang mag enjoy sa pakikipag laban sa mga halimaw!

Imbis na siyasatin o alamin niya ang mga sikreto ng system, mas inuna niya pang intindihin ang ibang bagay kaysa matutunan kung paano kontrolin ito. kung sana lang ay binigyan niya ng oras upang masaliksik ang system hindi sana ito mangyayari ngayon!

Ngayon ay napagtanto niya kung gaano siya katanga.

Sa pag-iisip niya ng tungkol sa mga nangyari ay nagsimulang maluha si Ye Song.

Naiiyak siya habang pinagtatawanan ang kanyang sarili dahil sa pagiging tanga.

"Deserve ko ito na mangyari saken"

-

Si God Yeti na nasa balikat ng gorilya ay malamig na tinititigan si Ye Song sa ibaba.

Pagkatapos ng ilang saglit ay ngumiti ito at sinabi.

"Nakita mo na ang pagkakaiba natin ha? hindi mo ako kayang talunin tanga! ikaw ay isang tao lang, isang mahinang nilalang! naging mayabang ka na dahil lamang sa katiting mong lakas? hahaha!"

Walang tigil na ininsulto ni God Yeti si Ye Song na nakahiga sa lupa.

Samantala, si Ye Song na nakahiga sa lupa ay hindi marinig ang kanyang mga sinasabi dahil siya ay malubhang nasugatan.

Ang kanyang mga mata ay wala na sa focus!

Humihinga na lamang siya ng maluwag dahil sa epekto ng kanyang [God Slayer] aura na nagbibigay sa kanya ng mas mabilis na paggaling.

Pagkatapos ng ilang sandali ay napuno na rin si God Yeti sa kanyang insulto at sinabi kay Ye Song ang isang huling bagay.

"Kamustahin mo na lang ang tatay mo para sa akin. hindi mo na rin kailangang mag alala tungkol sa nanay at kapatid mo dahil makikita mo sila sa lalong madaling panahon haha!"

Itinaas ni God Yeti ang kanyang kamay sa hangin at ang gorilya sa kanyang likuran ay ginawa rin ang parehong bagay.

"Mamatay ka na!"

Galit na umungal ang gorilya at ang malaking braso nito na nakabitin sa hangin ay biglang bumagsak patungo kay Ye Song.

Walang ideya si Ye Song kung ano ang nangyayari dahil nawalan na siya ng malay nang sumigaw si God Yeti.

Nang malapit nang tumama ang braso kay Ye Song, ang system na nasa isipan niya na naka [Autopilot] ay biglang nagsalita at sinabi.

*Activating Emergency Skill*

[Hell's Judgement]

Nang i-activate ng system ang [Hell's Judgement] ay nagkaroon ng malakas na pagyanig ang lupa at nagsimulang lumitaw ang maraming bitak habang naglalabas ito ng makapal na usok!

Naging madilim ang kalangitan at kumulog ng malakas ang langit na para bang ginalit ang diyos.

Ang braso ng gorilya na hahampas na sana kay Ye Song ay biglang tumigil dahil sa biglaang paglindol.

Nadapa ang dambuhalang gorilya at nahulog sa lupa na may malakas na kabog!

Bago pa man ito makatayo, ang lupa sa ilalim nito ay gumawa ng isang tunog ng pag-crack at lumitaw ang isang malaking butas!

Bago ito makapag-react sa kanyang sitwasyon ay isang apoy mula sa impyerno ang biglang lumabas mula sa butas at sinimulang sunugin ng buhay ang gorilya.

Sa sandaling iyon ay nagsimula na ang paghatol sa isang marilag na tagpo!

Ang lupa ay nagsimulang magbukas at ang apoy mula sa impiyerno ay sumabog mula sa lupa!

Ang impiyerno ay umungal tulad ng isang mabangis na hayop at nagsimulang sunugin ang lahat ng halimaw sa buong mundo!

Ang napakalaking apoy ng impyerno ay naging isang bangungot para sa mga halimaw. bawat halimaw na tamaan ng apoy ay umuungal sa matinding paghihirap bago maging abo!

Walang eksenang mas nakakatakot pa kaysa sa [Hell's Judgement] matapos itong maisaaktibo!

Ang mga halimaw ay sinunog hanggang sa mamatay nang walang pagkakataong makaganti.

Kahit na pinutol na nila ang bahagi kung saan sila tinamaan ng apoy ay hindi ito nakatulong sa kanila at sila pa rin ay naging abo!

Habang nangyayari ito ay walang kamalay-malay si Ye Song na nakahiga sa lupa. hindi niya alam ang nangyayari sa kanyang paligid pero patuloy pa rin siyang nakakakuha ng mga mensahe mula sa system.

[ERROR!]

[ERROR!]

[ERROR!]

[ERROR!]

Ang mga mensahe na dapat para sa pagtanggap ng experience ay naglalabas ng error ngunit hindi alam ni Ye Song na nangyayari ito.

-

Nang makita ni God Yeti na pumutok ang lupa at lumabas ang apoy mula sa impyerno, nagkaroon siya ng hindi magandang premonition sa kanyang puso!

Nang sumiklab na ang apoy ng impiyerno mula sa mga bitak ay sumigaw na siya at inutusan ang mga halimaw na umatras sa lalong madaling panahon.

Ngunit bago sila makatakas ay maraming halimaw na ang nasunog nang buhay!

Si God Yeti ay galit na umungal at lumipad sa langit upang magbukas ng isang portal para makatakas ang mga halimaw.

Pero bago pa siya makalipad ng mataas ay isang apoy ng impiyerno ang kumapit sa kanyang mga paa at bigla siyang nakatanggap ng isang notification sa kanyang kaisipan.

* DING *

[Pinsala ng Monster System: 25%]

Labis ang kanyang pagkabigla nang marinig niya ang mensaheng ito!

Tinignan niya ang mga halimaw na nagdurusa sa hirap sa kanyang paligid at hindi niya mapigilan ang galit na nadarama niya sa kanyang puso!

Galit na sumigaw si God Yeti at sumabog ang aura sa kanyang buong katawan!

"Activate Emergency Skill, [Aegis Sphere]!"

Matapos sabihin ang mga salitang ito ay may hindi mabilang na sphere ang biglang lumitaw mula sa kawalan at binalutan ang lahat ng halimaw sa buong mundo!

Lumitaw ito sa isang iglap at prinotektahan ang mga halimaw mula sa apoy ng impiyerno!

Ang mga halimaw na nabalutan ng sphere ay nakakaramdam ng ginhawa sa kanilang mga puso nang makita nila ang apoy ng impiyerno na hindi makapasok sa loob ng globo.

Naramdaman din ni God Yeti ang buntong hininga matapos niyang i-activate ang kanyang emergency skill. kahit na pinang hihinayangan niya ang paggamit nito ay wala siyang pagpipilian dahil sa tindi ng apoy mula sa impyerno.

Ngunit nang maisip niya na siya ay ligtas na, isang pangyayari ang naganap ng hindi niya inaasahan!

avataravatar
Next chapter