webnovel

EPISODE 4

PAREHO pa kaming nasa bahay ni Mama Cha. Katatapos pa lang niya maligo at hindi pa rin nagbibihis pang-alis.

" Ay Clint! " tawag niya sa akin.

Hindi naman ako nakasagot agad dahil sa nakatutok ako sa pinanonood ko sa laptop. 

" Mamaya na pala pupunta iyong pamangkin ni Maggie na si Trina," sabi nito, lumapit na sa akin.

" Ah sige Ma, kay Nick ko naman ipapasa iyun e, " sagot ko.

" Bakit kay Nick? Eh! Ikaw ang sinabi ko saka ikaw talaga ang gusto niya.. Naku baka kapag nakita mo iyon magkandarapa ka pa! " sabi nito na kinakalabit pa ako sa balikat.

Pinindot ko ang pause button sa laptop para ma-stop muna sa pinanonood at humarap sa kaniya. Nakatayo lang siya sa tabi ko at nakapatong pa ang kamay sa kanang balikat ko.

" Bakit, Ma? Gaano ba kaganda iyong Trina na 'yon? Ha? Maganda pa sa'yo? Kung mas maganda sa nanay ko e pasok ako! " nang-uuto pang sabi ko.

" Basta! Quality iyon sabi sa'yo! Baka maging jowa mo pa iyon, sabi kasi ni Maggie naghahanap daw ng boyfriend e! Ano? Tara na! " aya niya sa akin na idinidilat pa ang singkit na mga mata.

" Quality pa sa'yo?" nang-aasar pang tanong ko. " Masarap ba magtimpla ng kape 'yon? And --- Bakit naman ako pa talaga? Hindi naman ako naghahanap ng jowa, Ma! Pera pa puwede naghahanap talaga ako! " sagot ko naman.

Sa isip-isip ko, kung alam niya lang na siya lang sapat na sa akin hindi niya na siguro ako irereto sa iba.. Kung alam niya lang na kaya hindi ako nanliligaw at wala talagang balak manligaw ng iba ay dahil siya lang ang gusto ko wala ng iba.

Napangiti lang ako sa mga tumtakbo sa isip habang nakatingin sa kaniya. Nakatingin lang din naman siya sa akin. Kinamot-kamot ko pa saglit ang ilong at kunwari ay nag-iisip. 

Nakatingin lang din siya sa akin at naghihintay kung ano pa ba ang isasagot ko. Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay girlfriend ko siya na may hinihingi sa aking pabor at ako naman si boyfriend na pinahihirapan pa siya. 

Sandali pa at..

" Bilisan mo na nga! Doon daw sila magla- lunch sa shop, " sabi nito sabay tulak sa balikat ko. Umalis, iniwan ako at umakyat sa itaas.

Napailing lang ako. Kinilig na naman palihim as usual.

***

" Bilisan mo naman Clint! " sigaw ni Mama Cha sa akin mula sa labas ng gate. " Papogi pa kasi e! " pahabol pa nito.

" Papogi ba 'to! " sagot ko naman habang papalabas na.

Umiiling-iling pa siya habang papalapit ako. Tinitingnan ang porma ko mula ulo hanggang paa. Naka- pink kasi akong t-shirt, black na loose fit na maong pants at Cortez na white shoes.

" Real men wear pink! " sabi pa nito kasunod ang nakakalokong kalahating ngiti na naman niya na sabayan pa na tumataas-taas baba ang kilay.

Minsan talaga napakalakas mang-asar nito tapos napipikon!

Tsk!

Nginusuan ko lang siya. Inabot niya ang susi ng kotse sa akin at pumasok na kotse. Napansin ko ang suot niyang maigsing kulay asul na paldang balloon, pagtuwad niya ay nakita ko pa ang maigsing black cycling shorts nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot ngayon, white na sando pang-babae ang pang-itaas na may coffee cup na design, mukhang kape talaga ito e, at manipis na brown sandals lang. 

Astig talaga si Mama Cha kahit simple lang! Bagay kasi sa katawan niyang payatot tapos maputi pa ang balat, dagdag ganda points din daw iyon lagi niyang sinasabi. Tapos sasagutin ko naman siya na, ' pasalamat ka maputi ka, kasi kung maitim ang pangit mo', siyempre kasunod no'n mumurahin niya na ako! Hahahaa! Nakakatuwa talaga siya!

***

Thirty minutes din kami bago dumating sa coffee shop. Nang tingnan ko ang oras ay halos alas-dose na pala. Mabuti at wala pa ang mga bisita ni Mama Cha kung'di nakakahiya. Naalala ko rin pala na sabi niya doon daw magla-lunch, kaya pala napakaraming pagkain ang binili namin do'n sa paborito niyang resto house, tagal din niluto.

" Gutom na ako Ma, kakain na ako, " sabi ko sabay dampot sa isang tub na may lamang kanin.

" Mamaya na! Hintay natin sila! " sabi nito sabay agaw sa hawak ko.

Napahawak na lang ako sa tiyan, gutom na kasi talaga ako at kumukulo na talaga. Talaga itong si Mama Cha, dati ayaw ako nagugutom nang lumaki na ako wala na siyang pakialam kung malipasan ba! Bakit naman kasi kailangan pang hintayin ang mga bisita niya! 

Haist! 

Pumasok ako sa counter, binuksan ang cookie jar na malaki na nakapatong doon saka kumuha muna ako ng dalawang bite size cube na brownies, then naupo muna doon. Nagugutom na kasi talaga ako, sinenyasan ko rin si Gemma na nasa counter na bigyan ako ng juice.

May mga costumers din kahit ganitong oras, may apat na table na may kumakain at nagmemeryenda naman ang ilang nagsosolo lang. Maaliwas ang paligid ng coffee shop, mabango ang loob amoy cake! Bakeshop din kasi ito at the same time, may mga cakes and pastries din na tinda na mismong si Mama Cha ang gumagawa.

Magaling si Mama Cha sa coffee at baking, doon niya halos ako napagtapos ng pag-aaral, sa multi-tasking na ginagawa niya, araw-gabi..

" Hi Chari! " bati ni Tita Maggie pagpasok pa lang ng salaming pintuan ng shop.

" Hello! " bati din ni Mama Cha, beso-beso saglit.

Nakita ko may kasama si Tita Maggie, isang dalagang mga nasa twenty's lang siguro, maputi at sexy, malaki ang boobs, mahaba ang blonde at nakarebond na buhok hanggang beywang, mukha siyang Latina, halata mong may lahi sa hilatsa pa lang ng mukha. Mukhang Latinang maputi ang balat.

Sandali pa at lumapit na sila sa akin, ako naman patay-bata na kunwari kumukuha na naman ng brownies sa malaking cookie jar na nakapatong sa harapan ng counter. Tapos narinig ko..

" Siya ba si Clint Tita? " tanong ng dalaga.

Nang makalapit na sila ay kaagad akong hinatak ni Mama palabas sa counter. Halos maisubo ko lahat ng brownies na hawak dahil sa pagmamadali.

" Clint hindi ka ba babati kay Tita Maggie! Saka ito nga pala si Trina, iyong sinsabi ko sa iyo na pamangkin niya, " pakilala ni Mama.

Hindi naman ako makapagsalita dahil sa namumuwalan pa ako sa kinakain, napatakip na lang tuloy ako ng bibig at baka magtalsikan pa sa kanila, pero tumango naman ako nang ngumiti ang dalaga kumaway din kay Tita Maggie. Na-gets naman siguro niya na may kinakain ako kaya hindi nakasagot. Nakita ko naman na tinitigan ako ni Mama Cha, mga titig na alam ko na ang ibig sabihin ay 'pasaway ka Clint'..

" Let's eat na muna bago mag-usap, then isama siya ni Clint sa studio sa taas, sakto nandoon ang crew.. " sabi ni Mama Cha na nakatingin pa rin sa akin. Akala mo naman siya ang magtuturo kung magsalita na nandoon ang crew! Hahaa! Nakakatuwa talaga si Mama Cha! Hay naku.. 

Niyaya niya na ang dalawa sa second floor ng shop, may kuwarto kasi doon na para sa kanya lang at sa mga nagiging bisita niya. Doon din kami madalas nagpapahinga lalo na ako after ko sa studio, doon ako tumatambay habang hinihintay si Mama Cha na magsara ng coffee shop.

Tinulungan ko na siyang magdala ng mga pagkain, pati ang dala ng dalaga dinala ko na rin.

" Ay! Thank you, " malambing na pagkakasabi nito sa mahina at cute na boses nang kunin ko ang bitbit niyang malaking brown paper bag.

Nagkatitigan pa tuloy kami ng wala sa oras. At siyempre, ako na ang unang umiwas.

" Ugh! Mauna ka na, " sabi ko nang bigyan siya ng daan para mauna sa akin.

Nginitian niya ako. Ayoko idako ang tingin sa kanya dahil maigsi sobra ang suot niyang maong na skirt, tapos nakaspaghetti strap blouse lang na kulay itim ang pang-itaas, malalaki pa naman ang mapuputing hita niya kaya nakakahiyang tingnan. 

Sa sahig na lang ako tumingin habang papaakyat sa hagdan. Nakakailang kasi talaga kapag ganito kaganda ang nasa harapan mo tapos makakakita ka pa ng mapuputing pisngi ng puwet na sumisilip. Binagalan ko na lang ang lakad ko.

" Clint bilisan mo nga! " sabay sigaw naman ni Mama. " O 'di ba? Sabi ko sa'yo? Nakakita ka lang ng tisay e naging slow- mo ka na! " pahabol pa nito.

Nang tingnan ko ay naroon na naman ang malademonyita niyang half- smile habang nakapameywang pa sa dulo ng hagdan at nag-aabang sa akin.

Nangiti lang ako. Ang cute talaga ng tsinitang Mama Chari ko!

June_Thirteen