webnovel

EPISODE 2

KINABUKASAN nauna ako sa coffee shop. Umalis ako sa bahay na tulog pa si Mama Cha kasi nalasing kagabi. Pati mga ibang kaibigan niya ay sa bahay na rin natulog dahil hindi na kaya pang mag-drive pauwi, dahil sa dalawa lang naman ang kuwarto namin kaya sa likod bahay ako natulog, ipinaubaya ko na muna sa mga bisita ni Mama ang kuwarto ko. 

Sinamahan naman ako ni Nick at Ben sa pagpupuyat, hindi rin kasi kami masyado umiinom e, kahit yosi wala sa amin, hihingalin kasi kami sa pagsasayaw. Si Nick at Ben na kasama ko na talaga sa grupo college pa lang. 

Si Ben na tisoy, matangkad, tsinito at guwapo naman talaga at lagi pang clean-cut ang buhok, si Nick naman na may pagka-negro, sakto lang ang taas, may pagkabad boy ang dating at mala- Yuki Yamada ang mukha long hair pa! Astig  'di ba! Wafu talaga sabi sa inyo kapag nakita niyo siya, lalo na kapag humataw sa dance floor! Pero maloko din, chicboy! Mahilig sa tsinitang maliliit na babae lang. 

Sila ang dalawang guwapings na parang bestfriends ko na, silang dalawa ang kapalitan ko sa pagtuturo ng sayaw.

Sa tita ni Ben ang bahay na nabili ko at malapit lang dito ang bahay ng dalawa kaya anytime magkayayaan sa pagtambay ay go agad sila. At gaya ng sinabi ko! Anytime! Kaya kasama ko pa rin sila sa coffee shop ngayon. Nasa itaas sa studio si Ben, habang si Nick nandito nagpapapansin sa mga call center agents na madalas nagkakape tuwing alas otso ng umaga.

Nine na halos pagtingin ko sa malaking wall clock na nakasabit sa sentro ng counter area, iyong wall clock na malaking tasa ng kape ang design, nakakatuwa! Maganda ang puwesto nito dahil sa kitang-kita ng lahat. May ilang staff na rin ang coffee shop ni Mama Cha, dalawa sa kitchen, dalawang service crew, isa sa cleaning at isa sa cashier. Si Mama sa coffee counter na minsan serbidora at janitress din. 

Walang pinipili si Mama Cha, basta may nakikita siyang gagawin ginagawa niya, hindi mo nga mapagkakamalang may-ari e, kung hindi mo lang mapapansin ang suot niya na madalas nakashorts na maong lang, plain white shirt na sakto lang sa katawan niyang payat at si red Chuck Tay na paborito niyang suot talaga!

Madalas kapag may mga baguhang pumapasok sa coffee shop tinatanong sa mga crew kung sino raw iyung babaeng rockers na nagseserve. Iyong tatuan na tsinita! Iyung naka-civilian daw! 

Hahaa!

Lakas kasi talaga ng dating ni Mama Cha kahit simple lang talaga siya. Wala pa yata ako nakitang pangit at hindi bumagay sa kanya, lalo na kapag nakadress siya o kaya formal attire, mapapasmile ka na lang talaga at tatanungin mo kung sino ba iyang babae na iyan!

Kahit nga mga ibang kasama ko sa sayaw na hindi pa siya nakikita, napapatanong na lang sa akin kung may boyfriend daw ba si Mama, siyempre sasagot ko naman sa kanila, na hindi kami talo kaya tigilan nila ang nanay ko! 

Hahaa!

Ah basta! Para sa akin lang siya, hindi ako papayag na may manliligaw sa kanya na kasing-edad ko lang dahil alam ko kung ano ang gusto ng mga age ko sa mga older sa amin, hindi ko naman nilalahat pero sa mga nadiskubre ko sa mga ilang kaibigan e, masasabi ko na expi lang talaga ang habol nila, no feelings involved talaga, meron man pero minimal kasi nakakakita ng mas batang kaedad nila, walang seryoso puro libog lang! 

Tsk! 

Kaya hindi ako papayag na may didiga kay Mama Cha na mas bata pa sa kanya. Hindi ko siya inalagaang mabuti para lang paglaruan ng iba. Hindi ako makapapayag na masasaktan siya.

At sandali pa rin..

" Goodmorning! " 

Narito na siya. Si Mama Cha na magulo pa ang kulay abuhing buhok, as usual nakashorts na maong, sandong gray na sakto lang sa payat na katawan niya at siyempre, si red Chuck Tay! Sukbit din ang paborito niyang brown na hobo bag.

Sinalubong ko agad si Mama Cha nang lakad, tapos ay niyakap ko at hinalikan sa noo. Napatingin tuloy ang ilan na nasa malapit sa amin, nagbulungan pa ang iba. Akala siguro nila mag-jowa kami.

" Kumain na kayo? " tanong niya.

" Umuwi na ba mga friends mo Ma? " tanong ko. Napatingin uli tuloy ang iba pagsabi ko ng Ma.

Pumasok na ito sa counter, iniabot sa akin ang brown niyang hobo bag at nagtimpla na ng kape.

" So, how's last night Ma? Nag-enjoy ba kayo? Nalasing ang mga bisita mo ah! " sabi ko na natawa pa.

Tumawa si Mama Cha. " Oo grabe Clint! Ngayon na lang ako ule uminom ng gano'n! Hahaa! Salbahe ka Clint! Hindi ako ready! " sabi nito. 

Napatingin tuloy ang mga naroon at nagkakape dahil sa lakas ng boses niya. Medyo marami ring tao ng oras na iyon. " Kapag kayo talaga nandito puro chics costumer natin, " bulong pa nito sa akin.

Napalingon tuloy ako sa mga nandoon at kumakain. Nakita ko na may ilang pamilyar na mukhang naroon madalas at ilang mga parang napadaan lang. Mas lamang nga ang bilang ng babae kesa sa lalakeng nagkakape sa oras na iyon.

" Iba talaga si Clint Tita e! " sabi naman ni Nick.

Nagkatinginan lang kami ni Mama Cha. Kitang-kita ko na naman ang maganda niyang mga singkit na mata nang nangiti. Hindi ko alam kung ano ba ang naramdaman, parang pakiramdam ko ay kinikilig ako na parang maiihi. Mas lalo pa akong parang kinuryente nang taasan niya ng kanang kilay na madalas niyang ginagawa sa akin sabay kalahating ngiti lang ng labi.

" Aah.. Diyos ko.. " napabulong tuloy ako nang tumalikod na siya.

Parang hindi ako naging komportable bigla. Inalis ko ang pusod sa buhok at ipinusod ule. Parang feeling ko ng mga sandaling iyon e medyo humihigpit ang brief na suot ko at medyo nahihirapang huminga kaya umikot ang puwetan ko, napapapihit ako sa mataas na stool na inuupuan ko sa harapan ng counter table. Nagsimula rin akong pawisan na at naglikot na nang tingin baka kasi may nakakapansin.

Napansin yata ni Nick na medyo iniuunat ko ang likuran at ibinababa ang stripe na t-shirt kong suot para matakpan ang harapan. Malambot lang kasi ang tela ng suot kong short na hanggang tuhod lang ang haba. Sandali pa at mabuti na lang..

" Clint nandiyan na sila, " biglang sabi ni Nick matapos basahin ang text sa cellphone.

" Ah! Okay sige, CR lang muna ako! " sagot ko.

" Uy! Aakyat na kayo? " tanong ni Mama Cha nang makita kami ni Nick na nagsitayo na.

Tumango ang Nick at lumabas na sa coffee shop, para umakyat na sa studio na nasa third floor ng building na ito, habang ako naman ay sa rest room muna dumiretso.

Pagpasok ay naghugas muna ako ng kamay bago dumiretso sa cubicle. Nang kapain ang harapan ay..

" Tang ina! Aga naman nito! " 

Sabi ko habang hawak-hawak ang harapan kong nakabukol na. Hindi ko maipagkakaila na dahil ito sa malanding pagkakatitig sa akin ni Mama Cha na madalas naman niyang ginagawa at madalas ding nagpapahirap sa akin. 

Dahil sa tuwing gagawin niya iyon..

Ay kailangan maligo ako!

June_Thirteen