1 First Mission

Nag mamadali akong lumapit sa trono ni King Ryenuki, ipinatawag nya ako para sa isang mahalagang misyon. Hindi na sinabi pa ni Geliel ang ibang detalye, kaya't nag madali akong pumunta sa silid na ito.

"Mabuti naman at nandito ka na, Mikhail. May mahalaga akong sasabihin sa iyo." bungad ng hari sa akin pagkatapos kong lumuhod at yumuko sa kanyang harapan.

"May nakarating sa akin na balita, na hindi na maganda ang sitwasyon sa kaharian ng Elstora. Patuloy ang pag salakay ng mga halimaw sa ilan sa mga bayan nito. Humingi na ng tulong ang kanilang hari. Ikaw ang napili ko para ipadala sa misyong ito." paliwanag sa akin ng hari.

"Ano po ang aking gagawin, King Ryenuki? Palagi po akong nakahanda, upang gawin ang inyong nais." ang aking tugon, habang ako'y nayuko pa rin.

"Mabuti naman kung ganoon. Inuutusan kitang imbestigahan ang mga nangyaring pag salakay ng mga halimaw na 'yon. Kung kinakailangan mong burahin ang kanilang esistensya, gawin mo." saad pa ng hari.

"Masusunod po, King Ryenuki! Ngayon din po mismo, ako ay aalis na para pumunta ng Elstora." tumingala ako sa hari, at sumenyas naman ito para bigyan ako ng pahintulot.

Pero bago ang lahat, kailangan ko muna kunin ang aking mga gamit. Mukhang seryosong misyon ito, kahit alam ko naman sa sarili ko na kakayanin ko naman. Pumunta ako sa aking silid, sinimulan kong ilagay sa aking "Void storage" ang mga dadalhin ko.

Mabuti na lamang at meron kaming ganito, mas mapapadali ang pag hahanda. Hindi pa ako mahihirapan dalhin. Ang gagawin ko lang ay itatapat sa suot kong sing-sing ang gamit na kailangan ko at kusa na itong mawawala.

Hindi limitado ang pwede kong ilagay, kahit ano pwede.

Nang matapos ako sa pag hahanda, tumungo ako sa "Transfer gate" ito ang ginagamit namin sa pag punta sa malalayong lugar para mapabilis ang aming byahe. Humakbang na ako at pumasok sa gate..

avataravatar