1 Miss Saoirse

Alas singko palang ng madaling araw ay nagising na ako. Maghahanda ng hapunan.

Pababa ako sa hagdan ng bumungad sa akin si Carlo.

"Good morning, Miss Saoirse!" bati niya sa akin. Ngumiti at tumango lang ako gaya ng palagi at dumiretso sa kusina. Habang naghahanda ako ng pagkain ay naaamoy ko na ang kape. Nakahanda na siguro si Carlo para buksan ang aking coffee shop.

Si Carlo ay nagtatrabaho sa akin. Kaloy ang tawag namin sa kanya dito.

Nang matapos na akong magluto ay lumabas na ako sa balkonahe, sa labas ang aking coffee shop. Umupo na ako at agad naman dumating si Kaloy dala ang aking kape.

"Salamat, Kaloy..." sabi ko habang tinatanggap ang kapeng para sa akin.

"Kamusta nga pala ang sales natin this week?"

"Medyo, bumaba ngayon ang sales, Miss Saoirse. Palagay ko ay dahil summer na. Sobrang init ng panahon po."

Tumango ako.

"Siguro panahon na para sundin natin yung suggestion ni Sol... ano sa palagay mo?" sabi ko ng naka unang higop ako ng kape.

"Oo nga, Miss Saoirse. Ang totoo niyan ay inaaral na Miss, Solanna ang timpla nun. Sasabihin niya sana sayo kapag ready na siya."

"Okay, sige. Wag mo nalang ipaalam na pinaalam mo sa akin yan. Alam mo naman yun."

Agad siyang na alarma. "Hala! Ay, oo nga po. Sorry po, Miss Saoirse-" naputol ang sinasabi ni Kaloy dahil may nursing student na customer ang pumasok. Agad niya itong dinaluhan.

Habang nag kakape ay tumawag si Solanna, ang kapatid ko na business partner ko sa coffee shop.

"O, napatawag ka? Ang aga pa." bungad ko sa kanya tapos humigop ng kape.

"Medyo male-late ako ngayon. Di pa ako nakauwi, nasa Cebu parin ako."

"Akala ko ba kagabi ang flight mo pauwi ditong, gaga ka!"

"Ah basta! Pinaalam ko lang sayo."

"Paano yung promise mo sa mga bata! Nangako kang ipapasyal mo sila ngayon since hindi mo na sila dinadalaw."

"OA neto! 4 days palang naman akong hindi nakadalaw diyan ah. Basta, tawagan nalang kita. Bye."

At agad niyang binaba ang tawag.

Agad na akong tumayo para umakyat sa aking kwarto para makapag-ayos since hindi naman pala makakauwi si Sol, ako nalang ang magpapasyal sa kanila.

Habang naglalagay ako ng konting make-up, may kumatok.

" Yes, pasok."

"Mama, si Clegane ang tagal magbihis."

Gaya ng inaasahan ko, nakaayos na rin siya, handang-handa ng mamasyal.

Habang palapit si Mnemo sa akin, agad naman patakbong pumasok sa aking silid si Clegane, dahilan para mas mauna siyang makalapit sa akin.

"Ma! Sabi ni Granny wala daw ngayon si Tita Sol."

"Ha?? Eh, diba mamamasyal daw tayo today. Ma??"

Silang dalawa na ngayon ang nakatingin sa akin na parang ang laking problema na wala ang Tita Sol nila.

"Problema ba yun? Eh di tayo ang mamamasyal!"

"You're not busy today, mama?" tanong ni Mnemo.

"Yes, I'm not, baby." sabi ko habang inaayos ang pagkakaponytail ng kanyang buhok.

Nakatingin lang sa amin si Clegane. Sabi nina mama at Sol, mana daw sa akin si Clegane, masyadong tahimik, observant at may pagka seryoso. Habang lumalaki siya ay nakikita ko sa kanyang itsura ang kanilang ama. Si Mnemosyne naman ay mana sa kanyang ama pero kamukha ko siya noong kaedad ko pa lang siya.

Pagbaba namin sa unang palapag ng bahay ay binungad kami ni Mama na kasama ngayon ni Kaloy sa pamamahala sa shop.

"Ipapasyal ko muna sila, Ma." paalam ko. Lumapit naman sa kanya ang dalawa para magmano at humalik.

"Pasyal muna kami, Mommyla!" masiglang sabi ni Mnemo sa kanyang lola.

"Di na kayo kakain?" tanong ni mama sa akin.

"Doon na kami kakain sa labas, ma. May hinanda na akong almusal dyan kanina, kumain na kayo ni Kaloy."

Habang kumakain kami ng mga anak ko sa isang restaurant sa loob ng mall kung saan kami mamimili ng gusto nila, sa kabilang lamesa, nakita ko si Jegudiel. Siya ang nakakatandang kapatid sa ama ng mga anak ko. Halatang gulat siyang makita ako lalo na ng makita ang mga batang kasama ko. Pero pakiramdam ko mas gulat akong tingnan. Pakiramdam ko ay humiwalay sa akin ang dugo ko.

Agad akong napalingod sa paligid. Hindi pwedeng makita niya ako dito.

Papalapit na si Jegudiel sa aming lamesa at natataranta na akong tiningnan ang mga anak kong hindi pa nauubos ang kinakain.

Huli na na para umiwas dahil nasa harap ko na si Jegudiel at pakiramdam ko mahihimatay ako nang kay Clegane ang buong atensyon niya.

"Kuya..." tanging nautal ko nalang, nanghina ako ng sa akin na ulit siya nakatingin, sa mukhang puno ng kuryosidad.

"S-Saoirse, alam ba ito ni Clegane??"

"Wag dito..."

Agad siyang napaatras mula sa akin ng bahagyang tumayo si Clegane.

"Sino siya, mama?" Tanong ni Clegane pero kay Jegudiel ang buong atensyon. Kahit si Mnemo na sumusubo pa ng spaghetti ay napahinto para abangan ang sagot ko.

"A-Ahh, kakilala lang ni mama, Clay. Si Jegudiel. Uncle Jegudiel."

Lumaki ang mata ni Jegudiel ng binanggit ko ang "Clay".

"Kuya, si Clegane at Mnemosyne pala, mga anak ko. Magkakambal sila."

Hindi na naka imik si Jegudiel ng pinakilala ko ang mga anak ko.

"Finish your food ha, may pag-uusapan lang kami. We'll be right back."

Pagkatango ng kambal ay agad na kaming lumabas sa restaurant.

"Saoirse!" Galit at mukhang nakabawi na mula sa pagkawindang.

"Please, kuya Jegudiel. Wag mong ipaalam kahit kanino. Please, please..." naluluha kong bigkas.

"Buong akala namin nasa Korea ka. Kailan ka lang bumalik?"

"Aaminin ko lahat pero please kuya wag mong ipaalam kahit kanino, lalong-lalo na sa kanya. Please..." naluluha kong pagmamakaawa.

"S-Sige... pero magkwento ka."

"Hindi ako tumuloy sa Korea. Nasa Cebu lang ako this whole time... at noong May lang ako umuwi dito kasama ang mga anak ko."

"Ipaliwanag mo ang tungkol sa kambal, imposibleng sabihin mong hindi yun anak ni Clegane dahil kahit sinong kakilala, makakapansin agad. At isa pa, ipinangalan mo pa talaga kay Clegane ang bata!"

"Simple lang. Itinago ko ang pag bubuntis ko habang nanirahan ako sa Cebu. Umuwi lang ako dito dahil nagkakasakit na si Lola. Pero pagkatapos ng school year ng kambal, babalik na ulit kaming Cebu at doon na maninirahan."

"Alam mong noon paman, kami ni Clegane ang hindi nagkakasundo sa aming magkakapatid at gusto kong ipaalam ngayon sayo na hanggang ngayon ay ganoon parin. Kaya makakaasa kang hindi ko ipapaalam at nirerespeto ko ang desisyon mo."

"Salamat -"

"Pero wala ka ba talagang planong ipaalam sa kanya na may anak kayo?"

"Wala."

"Saoirse, gago ang kapatid ko, alam ko yon pero kahit bali-baliktarin mo man ang mundo, may karapatan parin siyang malaman to."

"Iniwan niya ako! Binalewala niya ako! Kaya kahit masakit sa akin na paulit-ulit na itanggi ang mga paghahanap nila sa ama nila, wala akong planong ipakilala sila sa kanya! Wala siyang karapatan! Wala na siyang karapatan! Mula noong binalewala niya ako 6 years ago, nawalan na rin siya ng karapatan."

Agad na akong tumayo at bumalik sa loob. Saktong tapos nang kumain ang dalawa at tinutulungan na ni Clay si Mnemo na suotin ang sling bag niya.

Inayos ko muna ang ekspresyon ng mukha ko bago nagpatuloy sa paglapit sa kanila. Ayaw kong mag-alala sila, lalong-lalo na si Clegane na madaling nakakahalata.

"Mama" Masiglang lapit ni Mnemo.

"Let's go! Let's me buy you what you want babies." masigla kong paalam.

"Mama, I said I'm a big boy na. I'm not a baby anymore." tumawa kami ni Mnemo.

Kahit anong mangyari, poprotektahan ko ang mga anak ko sa ano mang sakit. Nararapat lang na ilayo ko sila sa pamilya ng ama nila, lalong-lalo na sa kanya mismo.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

avataravatar
Next chapter