1 1. Enrollment

*Kring Kring* ang tunog ng aking alarm clock upang magising. "Anak?! Gising na, malalate ka sa enrollment jusmeyo naman!" sabay na sigaw saakin ni mama sa baba.

"Opo mama babangon na po ako," wika ko kay mama habang bumabangon sa kama.

"Good Morning mama!" paglalambing ko sakanya upang mawala ang kanyang init ng ulo saakin. "Good morning din anak, kumain ka na at baka mahuli ka pa sa enrollment nyo," wika ni mama saakin. "Opo mama!"

~20 minutes later~

"Ma! aalis na po ako babye," pagpapaalam ko kay mama. "Sige anak mag iingat ka huh? O heto 300pesos, Sana magkasya yan sa'yo!" sabay na abot sa pera. "Nako ma! kasyang kasya na po ito saakin, salamat ma!"

Nang makalabas na ako nang aming bahay ay nag umpisa na akong lumakad papunta saaming eskwelahan, Oo may pera ako pero ayoko naman gastusin 'yon dahil malapit lang naman ang eskwelahan sa aming bahay 'no?!

Nang marating ko na ang aking eskwelahan ay kaagad naman akong nag attendance. "Hello? Ito ba yung attendance?" tanong ko sa mga estudyanteng nandoon sa table. "Opo, mag e-enroll po ba kayo? tanong saakin ng isang estudyante. "Opo mag e-enroll ako for grade 10." Sagot ko sa estudyante, ang sabi naman saakin ng estudyante "Ah sige po ilagay nyo lang yung date ngayon and name n'yo po"

Nang maka-attendance na ako ay kaagad na akong dumiretso sa mga teachers na kung saan nag aasikaso ng mga students for enrollment kaso may biglang nakabangga saakin na naging sanhi ng aking pagkakasalubsob sa sahig. "Aray! Ano ba 'yan hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo miss?!" inis kong pagkakasabi sakanya habang tumatayo. "Well, I'm sorry dzuhh!" maarteng pagkakasabi nito. Dahil sa inis ay tinaasan ko nalang ito ng kilay at nagbakla baklaan sa harap n'ya upang hindi naman ako mapahiya kahit papano

avataravatar