webnovel

Chapter Twenty Four

Malakas na diniinan ni Drake ang buton ng alarm clock upang huminto iyon sa pag ring.

5:30 AM.

Ganito lagi ang oras ng kanyang bangon araw-araw. Naging habit na niya ang bumangon ng maaga, mag exercise bago maligo at gumayak papasok ng opisina. He's been doing the same damn thing for the past 5 years.

But last night, he had trouble falling asleep, tila kasi isang tuksong ang mukhang iyon ang paulit-ulit gumuguhit sa kanyang balintataw sa tuwing magtatangka siyang ipikit ang mga mata. He ended up trying to get drunk last night upang makatulog, ngunit sa halip ay parang lalo pa yatang nag back to the future ang utak niya sa nakaraan!

Well damn her! Matagal na panahon ang iginugol niya upang mawala ito sa ala-ala niya! And just like that yesterday, nakita lamang niya ito ay heto na naman siya at tila isang asong ulol na hindi ito maiwaksi sa isipan.

Bumangon siya at agad nagtungo sa shower, kailangan niya sigurong mahimasmasan!

"I refuse to work with you Mr. Lustre!"

He almost laughed as he remembered the way she acted in front of him yesterday. Nasaan na ang submissive at malumanay na Calistang kilala niya? Ang nakita niyang babae kahapon ay palaban, confident at tipong hindi maaaring tapakan ng sinoman. He found himself so amused by her, lalo siyang na curious sa pagbabago nito sa lumipas na limang taon. Not only that, the damn woman seemed to have gotten even more beautiful.

Parang tuksong nakiraan sa kanyang isip ang anyo nito - the tight black skirt she was wearing yesteday that perfectly hugged her hips and her bottom...

Damn it! Kung saan saan napupunta ang isip niya makita pa lamang ito!

The first time he saw her in the bar, hindi niya mapaniwalaan ang sariling mabilis pa rin niya itong nakilala sa kabila ng ilang taong hindi nila pagkikita. The way she walked, the way her hips swayed when she moved - all of those little things, are etched in his memories, that even in the crowd of people, he would still easily spot her.

Get your act together, Drake! Don't you forget how she dropped you like a hot potato! Asik sa kanya ng sariling isip.

But he wonders, would her lips still taste the same? Paano kaya ang pakiramdam na muling kuyumusin ng halik ang malalambot na mga labi nito? Will she still melt under his touch?

For fuck's sake! Just merely thinking about her that way gives him a boner!

For the past 5 years, marami mang mga babae ang halos ipagduldulan ang sarili sa kanya ay tila naging bato na yata siya. His body almost won't respond to sex, that he actually feared he might have been impotent already! But seeing her yesterday and finding out how she still affects him, hindi niya maaaring palampasin ang pagkakataong muli mabuhay ang dugo niya bilang lalaki!

A sinister smile broke his lips. He's got to have Calista, no matter what it takes.

*******

"Pwede bang mag relax ka ng kaunti, chica! Daig mo pa ang may bulate sa pwet diyan!" Mahina ngunit mariing saway sa kanya ni Matt. They were both waiting in Drake's office, sa pagpipilit na rin ni Matt na linawin nila ang lahat ukol sa proyekto sa pagitan ng Perfect Space at ng Ambassador.

"This is your idea right?" Iritadong sagot niya sabay irap rito. "Bakit ba naman kasi kailangan pa nating makipag meeting na naman kay satanas para lang sabihing hindi naman tayo nag ba-back out sa contract?!"

"Eh ikaw itong kung ano ano ang pinag aasta diyan during our last meeting, remember?" Bulong nito sa kanya. "What if they get the wrong idea about it? What about the project Cali? Think of the company for heaven's- "

Isang malakas na tikhim ang pumutol sa sinasabi ni Matt. Sabay silang napatingin ng kaibigan sa pinagmulan ng tinig.

Cali's heartbeat instantly rose as she laid eyes on the man standing a few feet away from them. Nasa pintuan ang lalaki at halatang kadarating lamang. He was wearing a sharp-looking, tailor made black suit, matched with a dark blue tie. His hair was brushed up and his strong, square jaws looked a bit bluish green from shaving.

The bastard is still devilishly handsome!

Gustong sipain ni Cali ang sarili dahil daig pa yata niya ang nabudol at hindi niya magawang hindi ito hagurin ng tingin! Kaya naman nang ituon nito ang paningin sa kanya at magtama ang kanilang mga mata ay mas ninais pa niyang bumuka ang lupa at lamunin siya kaysa sa nakita nitong para siyang tangang nakamasid!

Damn! Estupida ka talaga Calista!, she scolded herself.

Hinayon sila ng mga mata nito, and she couldn't understand why his eyes almost squinted, tila naroon ang disgusto sa nadatnang tagpo sa silid. Gayon pa man ay sandali lamang iyon at iglap ring nawala.

"I didn't expect to see you both today," Drake casually said as he entered the office.

"Good morning Mr. Lustre," ani Matt na tumayo upang kamayan ito. Tinanggap naman iyon ng huli.

Matt gently nudged her to stand up and offer her greetings, na wala sana siyang balak gawin kung hindi lamang baka kainin siya ng buhay ng kaibigan mamaya.

She stood up and hesitantly held out her hand. "Good morning, Mr. Lustre," matabang niyang bati.

Mabilis na tinanggap ni Drake ang kamay niya, ngunit sa halip na pakikipag kamay ay dinala nito iyon sa mga labi, gently kissing her hand.

Tila mayroong kuryenteng nanulay mula sa kanyang kamay at tumawid sa iba pang parte ng kanyang katawan dahil sa simpleng halik na iyon! Parang napasong binawi niya ang kamay mula sa lalaki, narinig pa niya ang mahinang tawa nito mula sa kanyang ginawa.

Umikot si Drake papunta sa executive chair nitong nasa likod ng malaking desk at naupo.

"What brought you guys here today?"

"Oh it's about-" Hindi pa gaanong nakakapag salita si Matt ay napahinto ito when Drake raised his index finger, signalling him to pause.

"Before I forget..." Drake said, bahagya itong nakayuko, his eyes were fixed on his desk, "...hindi ko gustong may naglalampungan sa opisina ko, so if you guys could refrain from being too affectionate inside my office..." nag angat ito ng paningin to look at Matt, a hint of danger in his eyes. "... I would really appreciate that. Maliwanag ba, Mr. Esteban?"

"Mr. Lustre, I think you've got the wrong idea. Cali and I have no- "

Mariing tinapakan ni Cali ang paa ng kaibigan. Maang na napatingin si Matt sa kanya.

"Sorry Mr. Lustre, my boyfriend can go overboard sometimes," she gave a fake, sweet smile, " I apologize. Next time, we'll make sure to do our business somewhere appropriate, right love?" Cali said, emphasizing the word "our business".

God please Matt! Just go with it!

Ilang segundomg hindi nakasagot si Matt, kung hindi pa niya muling tinapakan ang paa nito ay tila hindi iyon matatauhan.

She sweetly smiled at her friend, nasa mga mata ang pakikiusap.

"A-ah. Yes...of-of course," ani Matt na hindi malaman ang isasagot.

Kung lumingon si Cali ay nakita sana niya ang pagkulimling ng mukha ni Drake.

*******

Matapos ang maikling meeting na iyon ay may pagmamadaling nilisan ni Cali ang opisina. Nasa harapan na sila ng pinto ng elevator nang mapakawalan ni Calista ang hiningang hindi niya namalayang kanya palang pigil.

"You owe me big time, Cali..." mahinang bulong ni Matt sa kanya. She could sense her friend's irritated tone.

"Sorry..." aniya, sinabayan iyon ng mapungay at nakikiusap na mga mata.

"I hope you're not making things more complicated," pairap na sagot ni Matt.

She exhaled again. Hindi rin niya alam kung ano ang sumuot sa isip niya para panindigang mag nobyo sila ni Matt. Is she scared of looking pitiful in front of Drake's eyes? For him to know that in the past years, there's been no other man in her life? Won't that make her look too pitiful?

Bumukas ang pinto ng elevator at bago pa niya maihabkbang ang mga paa ay isang babae ang umibis mula roon.

She looked up and gasped when their eyes met, ang babae ay natigilan rin, shock ang nasa mga mata nito.

Cali's jaws clenched, hindi man niya naisin ay kusang nangyari iyon.

"C-Calista?" ang babae ang unang bumasag sa katahimikan.

Nag-uunahang bumaha ang masasakit na mga ala-ala sa isipan ni Calista. Looking at this woman inevitably opens that door that she had long closed.

She inhaled bago taas noong hinarap ang babae.

"Long time, no see...Aimee."

Next chapter