webnovel

Miasma

Jean Claude Deleon Virata, di ito ang nakagisnang pangalan pero nabuhay sa loob nitong batang to. Naandito na ako sa sobrang modernong sibilisasyon kung saan salamanka ay normal sa mundong ginagalawan. Naandito pa rin ako sa pilipinas, kahit anong pagbabago nangyare sa panahong ito. Pilipinas na nakagisnan ko ay ganito pa rin sa pilipinas na nakikita ko ngayon. Anong gagawin ko sa bagong buhay na binigay sakin. Kung ano man ang gagawin ko, ay gagawin ko para sa sarili ko at hindi sa bansang pinaglaban ko noon.

Raysly · Action
Not enough ratings
6 Chs

Episode 0-3

Episode 0-3

Madilim na paligid, nakikita ko sarili kong nakatayo sa tanging meron lamang ay ang concretong sahig, lagi mong nakikita sa highway. Makinis, patag, at masasabi mong matagal na itong dinaanan dahil mga debris sa gilid. Naguguluhan ako pero kusa lang ako lumakad sa malaki, at mahabang daaanan. Kagaya ng sarili ko itong daanan, walang paroroonan at walang hangganan na nakakatuwang isipin dahil isang beses lang akong may ginusto gawin sa tanangbuhay ko : iligtas si Javier sa giyerang iyon. Sa aming dalawa ay sya ang may patutunguhan, may uuwian syang pamilya at mga kaibigan habang ako'y babalik ako sa bahay na walang sasalubong sakin. Sya may yayakap sa mga bisig nya, sa kabilang dako ay alikabok at amoy kulob ng bahay madadatnan ko. Parang nararapat lang mabuhay sya kaysa sakin, kaya nung panahong pumatay ako ng kapwa sundalo ay pinigalan ko sya dahil di nya kaya pumatay sa mga sugatang sundalo kaya't karamihan sa kamay ko yumao ang mga kapwa kong sundalo. Kahit anong poot ay di ako tinablan, dahil sana'y na akong magisa at buhayin ang sarili ko. Pero una kong naramdaman iyong bigat sa puso kasi may pinagsamahan kaming mga sundalo at di nila aakalain na papatay sa kanila ay yung taong kasama sa magdamag ng academy at sa militar. At aakalain mo ngang ang mga pinatay ko nun mga panahon na iyon, ay mismong kapwa kong sundalo papatay din sakin.

Gusto kong mabuhay ulit sa mismong gabi na iyon para iligtas si Javier, kaso napakaimposible kaya't napaiyak at napaluhod dahil baka mapunta sa wala ang ginawa ko. Nakakapanglumo ang mga ganitong bagay na to, na dpat mga taong na may mahabang buhay ay mga taong katulad nya habang ako'y sanang yumao na at din a dumaan sa ganitong mga bagay. Kaya ako pumasok sa PMA, kahit na wala akong kwentang tao may magagawa ako sa bansa ko. Pumunta ako doon, walang – wala, ni sentimo wala akong maibigay sa kanila pero buong buo nila ako tinanggap. Nakahanap ng mga kaibigan, kaaway at mga taong tinitingala sa buhay ko. Doon ko nakahanap na kasama sa araw-araw na di ko nahanap mula pagkabata ko sa ampunan.

Sa pag-angat ng aking mukha ay may nakita akong isang malaking building parang sa Makati, ang taas nito masyado mataas para sa 5 palapag na building. Ang lalaki ng mga bintana na gawa sa salamin na tila 3 palapag ang taas, at paglapit ko doon sa building ay nakasarado ito pero mukha naman itong bukas, pero sa pagtalikod ko ay nabungad sakin ang dami ng taong sa paligid ko na para bang matagal na silang naghihintay. Kaya naglakad ako palayo at umupo malapit sa building, ng daming mga tao dito pero nagkapagtataka lang ay bakit sila lahat mukhang mga espiritu ang mga itsura nila habang ako'y naiiba na para bang normal na tao ako. May lumalabas sa mga katawan nilang lakas di ko maintindihan na tila nilalamon ako ng buhay. Magagawa ko kaya yung ginagawa nila, nakakainis aah. Ako nanaman ang naiiba.

Nabigla ako dahil biglang kusa ang pila nila na para bang sanay na silang pumila dito kaya sumabay na rin ako sa pagtayo. Nakipagsapalaran na lang ako dahil ako lang naman ang tila bago dito, naglakad ako papuntang dulo. NAPAKALAYO AMPOTA!!! Ano tong dulo na to! Walang katapusan! Eh ako naman wala magagawa dahil kakamatay ko lang din. Kaya pagdating ko sa dulo ay huminga na lang ako ng malim, 'parang tatagal pa ako dito aaah' taimtim kong sabi pero inaakala ko lang yon dahil ang bilis ng unsad ng pila. Ano? Kinakain ba ng building ang mga taong nakapila doon, ang bilis nilang magpapasok eh 5 palapag na building at ilang libong tao ang nilampasan ko para lang makapila. Alam mo, kailangan ko to itigil tutal patay naman na ako kaya madami na akong oras. Aba oo nga noh, ngayon lang akong nagkaroon ng ganitong bagay dahil di ko naman lagi hawak oras ko noong nasa military ako.

Sa paglipas ng mga taong nakapila ay nandoon na rin ako sa mismong harap ng building at pumasok na ako. Pagkapasok ko ay may receptionist doong naghihintay, "magandang gabi sa iyo" pagyuko nitong babae sakin. itsura nya ay parang sa mga hotel staff sa mga VIP na bisita.

"magandang gabi rin." Sabi ko at nagulat sya kaya ako nagtataka ako.

"pwede po ba kayo maghintay muna sa isa mga upuan doon po? May tatawagan lang po ako dahil may kakaiba kayo sa mga taong pumasok dito." Sabi nya sakin kaya tumango lang ako bilang pagsangayon kaya tinuro nya saan ako uupo, sa pinakagilid nito sa silangan bahagi ng building. Pagkakita ko sa upuan ay sofa couch ito at napakakomportableng upuan, ngayon lang ako nakaupo sa ganoong upuan na para bang nasa langit na ako. Whoa! Ang sarap matulog sa mga ganitong upuan kaya napaiglip ako habang naghihintay.

May tumapik sa aking balikat, yung receptionist kanina. Pinapaakyat daw ako, ang tatanong ko sana kung anong palapag kaso hinatid nya ako hanggang sa elevator. Nilagay nya ang palad nya sa isang monopad sa gilid ng elevator at bumukas ito. May pinundot lang muna sya ng mga ilang segundo at sabi nya ay "pupunta na daw ito sa makakasagot ng mga tanong ko". Sumangayon na lang ako sa ginawa nya at nagsara para makaakyat na ang elevator.

Tumunog ang paligid ko at bumukas ng kusa, pagkalabas ko ay nakita ko ang laki ng palapag na to. Isturang naka business theme ang paligid nagkukulay ng itim at puti, maganda ang pagkakadisenyo kahit na dalawang simpleng kulay na pinapakita nito ang mga direktang simoy ng hangin sa pader. Nakakamangha kaso ako lang magisa naglalakad dito at di ko alam saan palapag yung mga nauna sa aking pila doon.

Pagtingin ko nang derecho ay nakita akong nakaupo na may desk sa harap nya, di ko mawari ang itsura dahil nakatalikod sya habang ako'y papalapit ay ganun pa rin ang postura nya. Kaya napaupo ako sa bakanteng upuan at paunang bati ako.

"ummm… magandang 'Gabi' po?"

"lagi naman gabi dito, pero magandang gabi rin sayo." Isang malalim na boses ang narinig ko mula sa kanya.

May binubuklat syang isang dokumento na naririnig ko dahil yun lang ang tanging tunog pumapaligid sa palagpag na to. Palinga – linga ako paligid at may nakita akong dalawang pinta sa tapat ko.

"may mga tanong lang ako na nais kong masagot sa oo at hindi lamang, maari ba iyon?" sabi nya sa akin

"opo." Magalang kong sagot, lintek napakabait ko naman na para akong bata.

"Alam mo bang patay ka?"

"opo"

"kilala mo ba pumatay sayo?"

"opo" nung tinanong nya iyon ay irritable na ako dahil kung sino ang pumatay sakin.

"may naiwan ka bang gagawin na dpat maayos mo bago ka mamatay?"

"opo" may naiwan pa ako dahil si Javier ay di pa nakakaalis ng matiwasay doon

"gusto mo bang balikan iyon para maayos mo kahit patay ka na?"

Napaisip ako doon, anong magagawa ko doon kung isipiritung gumagala lang sa paligid ni Javier eh di naman nya ako nakikita. Gusto ko lang makitang ligtas syang makakapunta sa pamilya nya. Kaya ito ang sinabi ko sa kanya "hindi na po, KUNG ligtas syang nakauwi sa pamilya nya."

"hmmmmmm….." parang nagdadalawang isip sya, may gusto ba tong sabihin sakin.

"ito lang masasabi ko, ligtas sya" nung sinabi nya iyon ay nabunutan ako ng tinik at nakahinga ng maluwag.

"pero wala akong mabibigay na detalye dahil ipinagbabawal yun tutal patay ka na." malalim na sabi nya.

Sumangayonna lang ako sa kanya, mahalaga ligtas ang kaibigan ko.

"Sasabihin ko sa iyo ang sitwasyon mo ngayon, kaya ka nandito ngayon ay komplikado dahil may kakaibang sa nangyari sa buhay mo. Sabihin na lang natin na ang hatol na ipapataw sayo ay di sapat para makapasok sa isa sa mga pintuan na yan." tinuro nya iyong nasa tapat ko pero di ko maintindihan kung bakit hindi sapat, eh sa mga ginawa ko ay makikita saan ako mapupunta.

"base kase mga detalye dito ay nakiagos ka lang nangyare, pero kung gusto mong mahatol ngayon ay may itatanong lang ako sayo at sagutin mo ito ng kung anong naiisip mo sa mga panahong iyon?"

"Opo" kinakabahan na ako sa tanong nya.

"bakit mo naisipan patayin ang kapwa mong sundalo sa panhong iyon?"

"pagkakita ko sa sitwasyon ay may taong nagbigay ng impormasyon sa base kung paano mapuputol ang komunikasyon naming sa headquarters ng Mindanao, ang pinagtataka ko ay sinong may oras halukatin ang radyo kung pwede naman sunugin na lang yung tent at umalis kaya napaisip ako ng ganoon. Sa simpleng plano ay masisira ang base kung alam nila ang mapa ng buong base kaya nanatili iyon ng ilang linggo. kaya pinlano ko iyon dahil kaysa mamatay sila sa rebelde ay sa kamay ko na lang kahit poot ang una nilang mararamdaman sakin dahil dadarating ang panahong mapapatawad nila ako sa ginawa ko at maiisip na mabuti nang huling taong makikita nila ang taong kilala nila sa buhay."

Pagkasabi ko sa kanya ay nagbugtong – hininga ako, nanahimik lang siya sa mahabang sandaling iyon ay nagsalita na sya.

"okay, makakarating iyaan sa ikatataas. Habang hinihintay ang hatol sa iyo, maupo ka na muna sa upuan sa kabilang upuan sa dulong kanan ko."

Ang sinasabe nyang kung saan ako uupong naghihitay sa hatol ay ang upuang may kasama madaming mga aparato nakapalibot dito at may isang babaeng nurse pero ang presensya nya ay nakakamatay sa lakas na di ko mawari kung paano nya nagagawa iyon.

"di ako lalapit." Sabi ko sa kanya.

"bakit?"

"Papatayin nya ako ulit." Sabi ko sa kanya, di ko alam kung bkit pero nagulat yung babae sa sinabi ko sa nakatalikod na lalaki. tumingin ang babae sa kanya at nagsalita muli sya

"di ka nya papatayin, ang aparato na yan ay kakaiba sa pangkaraniwang medikal dahil isang mumunting spirito ka na lang kaya iba ang gusto naming malaman sa iyo sa pamamagitan ng mga yan. Wag kang mag – alala, di ka mamamtay sa kakarampot na presensya nya."

Nung sinabi niya iyon ay nagulat ako dahil kung kakarampot lang iyong nararamdaman ko sa babae, Paano pa kaya siya? Di ko maramdaman ang lakas ng presensya niya sa paligid. Ibig sabihin sa sobrang lakas nya ay kaya nya na itong itago o so puntong naging isa na ito sa paligid?

Lumapit na ako sa upuan at sa babae, marahan akong ginabay ng babae paupo sa upuan. Pagkaupo ko ay may nilagay ang nurse sa ulo ko at nagsimulang gumana lahat ng aparato doon habang may tinawagan ang lalaki sa telepono.

Ilang sandali ay naibaba ang telepono at naglalaho ang dalawang pinto sa harapan ko. At may lumitaw na isang pinto, napakalaki na umaabot sa kisame ng pader. Makikita mong kung gaaano kakapal ang pinto mula dito sa kinauupuan ko at sa tapat ko ng mga 3 metro ata ang layo.

"Nahatulan ka na, pero base sa resulta ay kakaiba ang hatol na ipinataw sayo. Magugulat ka sa sasabihin ko pero mabubuhay ka ulit."

Natuwa ako dahil mabubuhay pa ako ulit, ibig sabihin mababalikan ko pa si colonel sa pagsaksak nya saakin.

"Hep! Hindi ka mabubuhay ulit sa mismong taong iyon." Namilog ang mata ko, anong twist to? ���alam ko (x2), pero iba to. Mabubuhay ka ulit bilang pangalawang pagkakataon mabuhay muli sa ibang katauhan."

"Paano yun? Makakalimutan ko ang lahat ng naranasan ko ngayon at bibigyan nyo ako ng bagong pagkatao?"

"Anong Paano yun? Ang sabihin mo, maganda ang hatol mo sa iyo. Mabibigyan mo ng sarili mo ng tyansang mabuhay ng walang pagaalinlangan. Tska ito yung catch, maalala mo pa rin ang mga bagay na huling buhay mo noon pero...."

Pinagiisipan pa nya kung sasabihin nya ito o hindi.

"di maalala kung sino ka at mga taong nakilala mo noong huling buhay mo."

..........................

"mukhang mahirap yun aaah." Sabi ko sa kanya.

"well, if we give you all the things in the world. Then you will live a boring life isn't it?" paingles nyang sabe sakin

"Yeah, it will be no fun if you tell the end of each road I will take on." Umingles din ako, ano siya? Akala nya di ko naintindihan ang sinabi nya.

Tumawa na lang sya sakin. napapalibutan ng boses ng tawa nya sa buong paligid, tinanggal na ng nurse ang nakalagay sa ulo ko at may nag-print sa gilid nya at lumapit sa lalaki para ipakita ang papel.

"so, pwede ka ng pumasok."

Tumayo na ako at bago ako binuksan ang malaking pinto ay tumingin ako sa kanila. "Salamat." Simpleng salita, pero di masasabi kung anong nararamadaman ko ngayon kaya yun lang ang kaya ibigay.

"Just don't forget, live your life to the fullest this time."

"I will, but scratch that. I shall make it worth it." then I open the door ready for the life that's given to me, I'll face any challenges in store for me and never give up since I will make every second count as worth it this second time around. Then both of them laugh in my response.

"nararamdaman kong tama ang naging desisyon natin." Masayang sabi ng nurse.

"lagi naman" tawa niya pero naisip nyang ito yung isa sa mga desisyong di masasayang sa ng pagod niya kakakumbinse sa ikatataas kung anong ipapataw na hatol sa kakaibang spiritong nakita nya sa buhay nya.

Pagkapasok ko ay nakikita ko ay purong puting paligid ang nakikita nya pero di ko maramdaman ang katawan ko at kusang pumikit ang aking mata at nagdilim na dahil dito pero sa pagmulat ko, nakita ko ang isang ginang umiiyak pero nagkangiti sa akin at isang ginoong abot tenga ang ngiti.

Ang unang mga salitang naririnig ko mula sa kanila.

Jean Claude, baka nga ito ang bago kong pangalan sa akin. Ang ganda ng panglan ko, parang ang tagal nilang naisip magkaanak base sa pagiyak nilang dalawa.

Ngayong pagkakataon na to, gagawin ko lahat para mabuhay ng masaya.

8/5/2020

i dont know if i have enough time to publish the other chapter for today. the foundation is lacking in my opinion, but since the laidwork is done i wish i can steamroll the chapters in a schedule i want to.

Raymond Sly Lopez

wattpad - sly lopez

webnovel - raysly

contact me - raymondslylopez97@gmail.com

raymondslylopez97@yahoo.com.ph (facebook)

Rayslycreators' thoughts