1 Prologue

"Tama na Roi! Ta-Tama na pp-please...."

Pilit kong sinambulat ang mga katagang iyan sa pagitan ng mga pagsibi ko sa sobrang iyak. Hindi ko alam kung ano bang mali sakin, sinisisi ko yung mga padalos dalos kong desisyon, paulit ulit kong tinatanong kung pano ko na punta sa ganitong sitwasyon.

kung saan ang taong minahal ko simula umpisa ay makakayanan akong saktan...

kahit pa kasal na kami, kahit suot ko ang sing-sing saking mga daliri hindi non nabago ang tibok ng puso nya. Dahil una palang alam ko namang hindi talaga ako ang gusto nya at naipit lang din sya sa sitwasyong to. alam ko kasalanan parin ng puso ko. Totoo naman kasi e na kahit gaano katalino ang isang tao mas malakas parin ang puso kesa sa utak nito.

"TAMA NA? SA TINGIN MO BA HINDI YAN ANG GUSTO KO!? UMALIS KA NA KASI PUMAYAG KA NALANG SA GUSTO KONG MANGYARI. SA PAPEL LANG TAYO MAG ASAWA KAYA WAG KA NANG UMASTA NA PARANG TOTOO LAHAT NG TO! SA MGA LIBRO LANG TOTOO YANG LOVE NA YAN!"

Sunod sunod nyang sigaw sa muka ko. Nakakatakot sya, yung mata nya sobrang nanlilisik sa galit habang nakuyom ang kamao na handang sumuntok ano mang oras. Sa takot ko na baka saktan nya ko uli napalayo ako sakanya pero lumapat lang sa malamig na pader ang likod ko, lalong lumakas ang kabog ng puso ko wala na kong magagawa para isalba pa yung sarili ko alam kong kayang kaya nya ilapat sa muka ko ang mga kamao nya. idinikit ko ang tuhod ko sa dibdib ko at niyakap yun habang tuloy tuloy na bumabagsak sa pisngi ko ang mga luha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko umaasa na sana ito na ang huling beses na masasaktan nya ako.

"Waaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Roi na umugong sa buong bahay.

avataravatar