1 Chapter 1

"Excuse me.. miss excuse me" sabay kalabit sa balikat ni Love.

Di nya namalayan nkalapag na pla ang eroplanong sinasakyan nya. Nasa Australia na nga siya. So ano na? Anu nang kasunod na gagawin nya? "Bahala na" sabi nya sa icip nya. Tumayo siya at kinuha ang bag sa overhead cabinet at tuloy tuloy na lumabas ng eroplano. Pag dating sa arrival area, may sumundo sa kanyang isang black american at derechong tumuloy sa isang hotel sa Darling Harbor. Eto ang magiging bahay nya hanggat hindi natatapos ang misyon nya. Ilang araw nga ba siya dito? Isang linggo, dalawa, or baka isang buwan. Bahala na. Kahit maubos ang perang naipon niya matapos lang ang problema nya.

Limang taon nang accountant si Love sa isang kumpanya sa Singapore. Maayos ang trabaho nya at may posisyon na din siya sa kumpanya. Pero nagdesisyon siyang umuwi ng Pilipinas dahil mag papakasal na sila ni Nikko. Ang kasintahan nya ng halos tatlong taon. Isa itong bartender sa barko kaya kahit na nasa Pilipas sila ay hindi din sila masyadong ngkikita ng personal. Ngunit eto, imbes na sa bahay nila sa Makati tumuloy ay sa Australia siya pumunta. Para ayusin ang malaking problema nya na naging ugat ng pagka udlot ng kasal nila ni Nikko.

"Mam, here's your welcome kit and card key. Your room number is 1526. Welcome to Darling Hotel enjoy your stay" sabay ngiti ng receptionist kay Love. Kinuha nya ang welcome kit at dere derechong pumasok sa elevator paakyat ng 15th floor. Pag baba ng elevator 15th floor tuloy tuloy siyang lumakad papuntang kwarto. Ang room nya ay nasa corner malapit sa receiving area kung saan may mga upuan at matatanaw mo ang kagandahan ng Darling Harbor sa New South West Australia. Pag pasok nya sa kwarto ay isa isa nyang inilabas ang mga damit. Sinampay ang mga ito sa cabinet at maayos na tinupi ang mga undies at pantulog. Pagkatapos maiayos ang mga gamit, hinawi niya ang mga kurtina na tumatabing sa malaking glass door palabas ng terrace. Ang ganda ng tanawin. Binalot na ng makukulay na ilaw ang kabuuan ng Darling Harbor. Matagal na niyang pangarap pumunta ng Australia pero hindi natutuloy. Pero ngayon, nandito na siya. Pero hindi para mag tour at mag enjoy. Kundi para masagot ang mga tanong sa isip nya at masolusyunan ang malaking problema. "Haaayy, bukas na ko mag uumpisa" naisip nya. "Kaso sa laki ng Sydney Australia, saan ako mag uumpisa?.. bahala na" matapos niyon ay pumasok na si Love sa loob ng kwarto. Malamig ang hangin sa labas. Maya maya ay humiga siya nag iisip kung saan unang pupunta. Hanggang sa hindi nya namalayan nakatulog na pala siya.

avataravatar
Next chapter