webnovel

KABANATA 2:

Gawa na ang motor at nagmemerienda na ang binata nang dumating si Mang Tony sa pagawaan nang motor.

"Merienda muna kayo,Tang!"Alok ng binata sa matandang driver na si Mang Tony sabay abot nang malamig na softdrink dito.

"Pasensiya kana ulit at medyo na late ako nang dating kasi grabe ang trapik ngaun,sobra!"paliwanag ni Mang Tony.

"Sobrang nahihiya ako sayo hijo,sobra kitang naabala sa motor mo at sa trabaho mo."hiyang sabi ni Mang Tony.

"Ok lang yun Mang Tony Diba,Mang Tony po pangalan niyo?narinig ko po kasi kanina na tinawag po kayo nung impaktang espasol na amo mo,sa akin po ayos lang naman at intindi ko po dahil kasama naman talaga sa buhay natin na mga mandirigma nang kalsada ang mga aksidente na tulad nung sa atin,ika nga Tang eh part na nang buhay natin yan kahit pa sobrang ingat mong magmaneho."mahabang paliwanag nang binata.

"Ay sorry Tang hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sayo,ako nga po pala si Lloyd Arron Hilario,..L.A na lang po for short."pagpapakilala ni L.A sa matanda sabay abot nang kanyang kamay nito.

"Isa po akong Grabfood Rider pero part time ko lang po ito,isa po akong Konsehal sa aming Barangay Tang"patuloy na pagpakilala ni L.A sa matandang si Mang Tony.

Mabilis na nagkahulugan o nagkalapit nang loob ang dalawa dahil siguro sa pareho sila nang trabaho,ang makipagdigma sa kalsada.Hindi na rin pinagbayad nang binatang Rider ang family driver na si Mang Tony.

Gabi.Kkkrriinngggg!!!tunog nang cellphone ni Melshiana.

"Come on Trisha,answer na phone?"

"HELLO"sagot nang kanilang linya.

"Hello,Trish...it's me Melshiana,this is my new number,save it please!sabi sa phone nang dalaga.

"Punta ka ngaun dito sa bahay,I'm so bored please!!!"pakiusap ni Melshiana sa kaibigang si Trisha Mandawit.

"HHHAAYYYY!!!"sabay na sigaw nila Shiana at Trish habang nanonood nang paborito nilang koreanovela.

"Grabe Lee Min Ho is sobra gwapo,my only boyfie"kinikilig pang sabi ni Trish sa kaibigan.

"Hey!he's mine,find another guy ....it's that ok ah"may irap na turan naman ni Shiana.

"Ah me ganun pa,me pagirap irap pa ah....sige pero tikman mo muna ito."sabi ni Trish at hinampas nang malambot na unan si Shiana na agad din naman na gumanti.

Halos magdamag silang walang ginawa kundi manood nang paborito nilang koreanovela at magharutan hanggang sa nagutom sila.

"Shiana,hay nagutom ako tuloy ang harot mo kasi e,me pagkain na sa ref mo?"nagugutom na sa ni Trish sa dalagang kaibigan.

"Tignan mo nalang sa ref sis,pero mukang wala na ata....wait lang padeliver na lang tayo nang pizza,bet mo sis?"tanong ni Shiana sa nagugutom na kaibigan.

"Yun may trabaho na....SnR na pizza dadalhin sa Circulo Verde sa Ortigas"

"ACCEPT"

Masayang pinabaybay ni L.A ang kahabaan nang Edsa papuntang Ortigas.Medyo may kabilisan ang kanyang takbo dahil hindi na masyadong trapik dahil dis oras na nang gabi.Wala pang kalahating oras ay nasa Circulo Verde n siya.

Tinawagan niya ang kanyang costumer at pinaakyat na siya para ihatid ang pizza na order sa kanya.

Nakita niya agad ang pinto.

Room 3107:

Agad siyang nagdoorbell.

At binuksan nang isang babae ang pinto nang condo.Pagkakita pa lang sa binata ay agad namang nagpa cute ang babae na tilang nagdadalagang pilipina ito.

"Pasok ka,"kinikilig na aya nang dalaga ns tilang na starstruck sa kakisigan nang binata.

"Ito na po yung order niyo miss Ganda!!!"sabi ni L.A habang inaabot ang pizza.

"Hmmm here's the bayad sir....IKAW"sigaw ni Shiana nang makita kung sinu yung nagdeliver nang pizza sa kanila.

"Ahhh Ikaw din,hay andaming pwedeng magiging kostumer bakit ikaw pa Reyna nang Espasol"turan ni L.A nang makita rin ang kung sinu ang nagpadeliver nang pizza sa kanya.

Muling kumulo ang dugo nang mayamang dalaga nang marinig niyang muli ang nakakaasar na tawag sa kanya nang binatang kanyang kinaiinisan.

"REYNA NANG ESPASOL"

"Get out of here,paalisin mo yan dito Trish please please"galit na sabi ni Shiana sa kaibigan.

"Ok aalis ako dito pero magbayad ka muna uy,fyi Hindi ko rin gusto dito kung ikaw lang din makikita ko,IMPAKTANG MUKANG ESPASOL"galit na turan na may kasamaang panunuya sa dalaga.

Agad agad na hinila ni Trish ang binata papalabas nang condo kasi alam niyang sasabog na ang kaibigang dalaga.

"Ok ...ok ako na lang magbabayad lika na dito tayo"

Pinaalis na ni Trish ang binatang Grabfood rider.Habang pabalik nang condo natatawang napapaisip si Trish dahil may tao o lalaki na nagsabi nang panlalait na ganun sa isang Melshiana Cervantes.