webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

YOU'RE SO HOT HONEY

Mabilis lumipas ang panahon kasalukuyang Sabado na ngayon at nasa SPA kami ni Martin. Maaga pa niya ako sinundo sa bahay kanina at pinag paalam sa magulang ko ng bukas na niya ako iuuwi. Di ko talaga alam kung anong gayuma ginamit niya sa mag iyon at walang kagatul gatol na napapayag niya. Samantalang dati nung kami pa ni Christopher may curfew pa dapat seven ng gabi nasa bahay na kami if ever naman gabi yung party na pupuntahan namin chaperon ko pa si Mike. Pero kay Martin walang sabi sabi go kagad. Di ko alam kung balak na ba akong ipamigay ng mga magulang ko or talagang malaki lang ang tiwala nila kay Martin.

"Anong iniisip mo?"

"Wala!"

Matipid kong sagot sabay subsob uli ng muka ko sa unan. Parehas kaming naka dapa ni Martin sa magkahiwalay na kama sa isang kwarto at kasalukuyang nagpapamasahe kami. Tapos na kaming linisan ng mga kuko at nagpagupit narin kami. Pinabawasan ko yung buhok ko pero trim lang para mawala yung mga split ends sa dulo. Gusto ko nga sanang paputulan hanggang balikat pero ayaw pumayag ni Martin mas gusto daw niyang mahaba yung buhok ko at dahil siya ang mag babayad syempre siya yung nasunod.

Ang sarap magmasahe ng masahista kaya di ko naiwasang mapapikit lalo pa nga at isang linggo ako sa field. Actually pagkatapos namin maghiwalay ni Martin nung nakaraang Sabado ngayon na lang uli kami nagkita paano pinapunta ako ni Boss Helen ng Cagayan de Oro at kararating ko lang ng Biyernes ng gabi.

Gusto nga sana ni Martin sa kanila na ko matulog pero di ako pumayag sabi ko magkikita naman kami ng Sabado at dun naman na ko matutulog sa kanila hayaan niya muna ako sa kwarto ko matulog ng payapa. Sympre kapag andun ako sa kanila tiyak marami nanama siyang alam na kalokohan di ako makaka pagpahinga buti na lang at pumayag kaya kanina niya lang ako umaga sinundo.

Ito nga pagdating pa lang sa bahay dumiretso na kagad sa kwarto ko at kinawawa na kagad yung labi ko. Feel at home na talaga siya sa bahay namin pag dating akyat kagad sa kwarto ko. Tinanong ko nga kung basta lang siya umakyat sabi niya nagpaalam naman daw siya sa magulang ko at pinayagan naman daw siya.

Naputol yung pag-iisip ko ng magsalita yung attendant.

"Okey na po Ma'am!"

"Ah talaga naka one hour na ang bilis naman."

Naka ngiti kong sabi sa attendant. Nakita ko si Martin na tumayo narin at itinapis na yung tuwalya niya kaya tumayo narin ako para maka pag bihis na.

"Yaan mo sa susunod papamasahe tayo uli!"

Narinig kong sabi ni Martin bago tuluyang pumunta sa closet para kunin yung damit naming dalawa.

"Naku wag na sayang pera!"

Kontra ko naman sabay abot sa kanya yung damit ko na ibinigay naman niya sa akin.

"Ayaw pa pero sarap na sarap naman!"

"Syempre andito na eh aayaw pa ba ako saka bayad mo na sayang naman kung di aavail!"

"Tama sayang kung di mo aavail at mahal talaga binayaran ko kaya dapat compensate mo ko mamaya!"

"Ano ka hilo bakit ko gagawin yun ikaw yung nagpumilit sakin noh dapat nga ikaw mag compensate sa akin!"

"Sige ako na mag compesate sayo mamaya!"

Sabay kindat sa akin bago tuluyang pumasok ng banyo. Parang iba yung dating nung compensation na sinasabi niya mukang naisahan nanaman ako ni Martin ah. Napailing na lang ako habang pumasok narin sa banyo para magbihis.

Paglabas ko ng banyo naka tayo na si Martin sa hall way at hinihintay ako.

"Lunch muna tayo!"

"Sige!"

Mabilis kaming lumabas ni Martin sa Spa at dumiretso na sa isang malapit na restaurant para mag lunch.

Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami sa Casa Milan MOA nagpa reserve na dun ng kwarto si Martin para saming dalawa kung saan kami magpapalit ng damit at matutulog. Baka daw kasi di malasing siya at di na makapag drive kaya dun na lang daw kami matulog.

Kasalukuyan na kong mina make-upan ng isang make-up artist sa kwarto namin. Samantalang si Martin ay nauna na sakin sa baba para check yung preparation ng event babalikan na lang daw niya ako once mag start na. Syempre bilang Boss kailangan niyang masigurong perfect na ang lahat. Wala pa yung mga magulang niya and some relatives sabagay maaga pa naman kasi six pa lang ng hapon. Seven ng gabi yung start ng party medyo pinagpapawisan na yung palad ko sa kaba pero sinisugurado naman sakin ni Martin na magugutuhan ako ng parents niya pero di ko parin maiwasang kabahan.

"Okey na Miss! You look perfect!"

Sabi ng babaeng nag-aayos sa akin. Tiningnan ko yung reflection ko sa salamin na ibinigay sa akin. Inayos niya yung buhok ko ng Elegant half up kung saan nilagay yung buhok papuntang likod para ma emphazise yung maliit kong muka. Samantalang ang make-up ko nude lang beige, tan and light brown sa pilik-mata ko at sa pisngi samantalang yung labi ko kinulayan ng cool pink lipstick. Over-all naka simple lang ng make-up ko pero may dating at gusto ko yung ginawa ng make-up artist.

"Salamat!"

"Hay naku wag kang magpasalamat di mo pang nasusuot yung damit."

Sabay abot sakin yng maroon na evening gown. Napagkasunduan namin ni Martin yung kulay na iyon ang isuot. Kaya mabilis akong pumasok sa banyo para isuot yung damit. Pagkabas ko agad inayos nung styles yung damit at i-zinniper sa likod kasi di ko maabot kaya hinayaan ko na lang siyang magsara saka parehas naman kaming babae.

Wala akong suot na bra kasi yung damit is spagetti straps pero may padding naman kaya di masagwa yung pakiramdam ko. Ipinasuot narin sakin yung 3 inches sandals na may slender lines and ankle-encircling na shimmer light sa stap at savvy satin yung apakan na bagay na bagay sa paa ko.

Kasalukuyan na kong naka tayo sa harap ng salamin at pinagmamasdan yung sarili kong reflection.

Korteng-korte yung damit sa katawan ko a-line dress siya na medyo labas ng bahagya yung clevage ko at labas yung likod ko buti na lang mahaba yung buhok kaya medyo natatakpan. Pero ang catch eh pag humakbang ako kung saan lumalabas yung makinsi at mapuputi kong legs hanggang kalahati ng hita ko slit ng damit. Naputol yung pag aapreciate ko sa sarili ko ng marinig kong magsalita si Martin na agad kong nilingon.

"Parang ayaw ko ng pumunta ng party."

"Bakit?"

"YOU'RE SO HOT HONEY!"

Sabay yakap sa baywang ko at bahagyang kinagat yung lower lip ko.