webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

You're EX

"Michelle!"

Sabay kaming napa lingon ni Elena sa pinang galingan ng tawag. Nakita ko si Matin na mabilis na naglalakad papunta sa pwesto namin at di maganda yung itsura niya halatang galit. Paghinto niya sa tapat namin muli siyang nagsalita ng galit.

"Anong sinabi mo sa kanya?"

"Hu?"

Takang tanong ko. Nakita kong namumula na yung muka ni Elena parang naiiyak na kaya muli kong binalingan si Martin para sana pagalitan siya pero mas nauna pa siya sakin magsalita.

"Anong sinabi niya sayo?"

Medyo mahina na yung boses niya sa akin pero halata paring iretable siya.

"Wala siyang sinabi sa akin kaya pwedi ba wag ka ngang magalit diyan!"

Saway ko sa kanya at sunod kong binalingan si Elena at sinabihan ng mahinahon para di tuluyang umiyak.

"Iwan mo muna kami Elena mauna ka ng pumasok sa loob. Sunod na lang kami may pag uusapan lang kami ni Martin."

"Sige!"

Pag sang ayon ni Elena sa akin at tuluyan ng umalis. Pag alis ni Elena pumalit si Martin sa inalisan niyang upuan sabay yakap sa akin at subsob ng muka sa balikat ko. Ako naman sinugurado ko munang naka alis na ng tuluyan si Elena bago ko piningot yung tenga niya para lumayo yung muka niya sa balikat ko.

"Ikaw napaka sama mo di mo ba alam na nasasaktan mo siya!"

"Wala akong paki alam sa kanya!"

Mabilis na sagot ni Martin sabay hawak sa kamay ko na pumipingot sa kanya.

Tiningnan ko yung muka niya pero wala akong makitang reaksyon kundi galit at iretasyon.

"Alam mo ba may kasabihan na the more you hate the more you love!"

Pagka rinig niya sa sinabi ko agad na nanlaki yung mata niya pero mas nan laki yung mata ko sa sunod na ginawa niya paano mabilis niyang hinawakan yung likod ng ulo ko at idinukdok sa muka niya para magtama yung dalawa naming labi.

Nag try akong itulak siya pero di siya natinag kaya wala na kong nagawa kundi tanggapin yung faith ng ko. Feeling ko mauubusan na ko ng hangin ng bitawan niya ko sabay bitaw ng salita.

"How can I love her kung ikaw na ang mahal ko?"

"Malay ko ba!"

Sabay tapik ng muka niya para medyo lumayo sa akin. Muli akong sumandal sa umuan at tumingala sa langit di ko parin maiwasang magselos kahit pa nga sinabi ni Elena na masaya siya para sa amin. Nakikita ko parin kasi sa mata niya na mahal na mahal parin niya si Martin. Samantalagang yung isa nagpapakita parin ng emosyon para kay Elena kaya natatakot ako lalo pa nga mas bagay sila in terms of status sa buhay at boto ang pamilya nila sa isa't isa.

"Ano iniisip mo?"

Taong sa akin ni Martin habang muling inilagay sa baywang ko yung kamay niya. Samantalang yung ulo ko naman ay isinandal niya sa balikat niya. Kaya di ko maiwasang mag inarte.

"Galit ako sayo sabi mo wala dito yung ex mo!"

"Di ko naman alam na pupunta siya!"

"Bakit galit na galit ka sa kanya?"

"Kasi mas pinili niya yung career niya kaysa sa akin!"

"Yun lang ang dahilan kaya hanggang langit yung galit mo sa kanya?"

"Sympre di lang yun marami pa pero saka na natin pag-usapan!"

Sabay halik niya sa buhok ko.

"Nakaka takot ka palang maging Ex!"

"Bakit mo nasabi?"

"Napaka rude mo kay Elena! Kapag nag break ba tayo ganun din ang magiging pakikitungo mo sa akin?"

"Sino nagsabi sayong mag bebreak tayo?"

Naka kunot nanaman niyang tanong sa akin.

"What if lang naman!"

"Walang what if at di ako papayag! Kaya wag kang mag-isip ng kung ano-ano!"

Sabay kagat sa labi ko.

"Aray ko! Nasira na yung lipstick ko sa gawa mo!"

Di ko mapigilang hampasin siya sa braso dahil dun.

"May sinabi ba siya sayo?"

"Ano bang sasabihin niya sa akin na parang takot na takot ka?"

"Wala naman!"

Pag-iwas na sagot ni Martin sa akin kaya lalo akong nag duda. Kaya agad ko siyang tiningnan sa mata.

"Siguro nag sex na kayo ni Elena noh?"

Pang-aasar ko kay Martin.

"Ano ba yang pinag sasabi mo?"

Pagalit na sagot sa akin ni Martin at muli akong ikinulong sa mga bisig niya.

"Huh kunyari ka pa ayaw mo lang kwento sakin ni Elena yung mga past experienced niyong dalawa."

"Ikaw tigilan mo yung pag poprovoke sa akin baka mamaya di ako makapag pigil at maki pag sex ako sayo!"

Bigla akong natameme sa sinabi ni Martin di ko na pinush yung topic baka nga mamaya totohanin niya pa yung banda niya sa akin mahirap na.

"Okey!"

Kimi kong sagot.

"Tara na balik na tayo sa loob baka hinahanap na tayo ni nila!"

Hinawakan niya yung kamay ko para alalayan akong makatayo. Nakaka ilang hakbang palang kami papasok ng may ibulung ako sa kanya.

"Magaling ba siyang mag handjob?"

Di ko na hinintay yung sagot ni Martin ng kumaripas ako nga takbo pero dahil nga naka takong ako plus naka dress kaya mabilis niya ako naabutan at hinawakan sa baywang.

"Anong sabi mo?"

"Wala akong sinabi!"

Pa inosente kong sagot pero alam ko narinig niya yung sinabi ko.

"Wag ka ng makikipag-usap sa kanya!"

"Sinong sa kanya?"

"Michelle!"

Saway niya sa akin habang huminto kami sa paglakad na parang ayaw niyang banggitin yung pangalan ni Elena.

"YOU'RE EX?"

Muli kong pang-aasar sa kanya pero marahil sa paulit ulit ko na pang-aasar sa kanya napikon na si Martin kaya mabilis niya kong binuhat ang masaklap di niya ko binuhat ng pa princess style kundi binuhat niya ko na parang isang sakong bigas.

"Martin baba ko ko!"

Pero parang bingi lang siya at patuloy akong binuhat papuntang elevator nakikinita ko na yung mang yayari sa akin. Kaya agad ako humingi ng paumanhin

"Sorry na! Di na kita aasarin saka hinahanap na tayo ng mga magulang mo! Honey baba mo na ko!"

Di nga nagtagal tumunog yung cellphone ni Martin sa bulsa niya kaya bago pa kami sumakay sa elevator ibinaba niya ko. Di ko napigilang ngumuso na parang nagtatampo paano nagulo yung buhok ko.

Mabilis kong inayos yung damit ko na nagusot at buhok ko na nagulo.

"Yes Mom pabalik na po!"

Narinig kong sagot ni Martin sa Mommy niya bago ibinaba yung telephone.

Inayos niya pa yung buhok ko na tumikwas dahil sa ginawa niya.

"Kainis ka!"

Muli kong hampas sa kanya.

"Pasalamat ka hinahanap ako ni Mommy kundi lalo kang maiinis sa akin!"

Pagbabanta niya sa akin at muli akong hinalikan labi. Pagkatapos niyang gawin yun pinunasan niya ng panyo yung gilid ng labi ko marahil nagkalat na yung lipstick ko.

"Ayos na?"

"Oo!"

Sabay halik uli sa labi ko.

"Tara na kanina ka pa hinahanap ng mga kamag-anak mo!"

Gusto ko sanang sabihin ng ex mo kaya lang baka tuluyan na niya akong bitbitin pabalik ng kwarto.