webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

The Predator

Pagkatapos namin mananghalian ay dumiretso na kami sa site. Five floor building yung Casa Milan Subic na nakahilera malapit sa dagat. Napaka majestic ng stracture niya kaya lang kapansin-pansin yung bakas ng sunog sa lower ground floor nito.

Kung di sana nangyari yung problema opening nasa ng Hotel nung nakaraang Linggo. Malamang nakalaki ng lost ng kumpanya ni Martin dahil dun.

"Di na kita masasamahan. may mga kailangan kasi akong kausapin." sabi ni Martin sakin habang naglalakad kami papasok ng hotel.

"Okay lang!" sagot ko naman kasi para sakin mas okay na wag na siyang sumama para makapagtrabaho ak ng maayos.

"Tawagan mo ko kapag natapos ka na!"

"Sige!" sagot ko bago kami naghiwalay. Papunta ako sa underground kasi andun yung mga generator ang pwer supply na kailangan kong makita.

Dahil walang kuryente kinakailangan namin maghagdan. May kasama akong isang lalaki na technical sa site under siya kay Boss Helen kaya kampante na ko sa kanya pero pinasamahan parin ako ng Martin ng isang babae for safety daw kasi pangit naman na dalawa lang kami ng lalaki sa underground.

Pumayag na din ako para matapos na at ng makapante na siya.

"Bale ito po Ma'am yung generator!" sabi nung technical na ang pangalan ay si JM.

Buti nalang may mga emergency light dun na pweding gamitin. Agad kong inilabas yung tools ko sa bag at binuksan ko yung generator. Kung yung ibang mga babae dala ay make-up kit sa bag nila ako dala ko tools.

Tinulungan naman ako ni JM magbukas kaya napabilis kami at dahil nga sunog na sunog yung generator di ko makita ng maayos yung mga piyesa nun sa loob kaya medyo nahirapan akong mag-analayze.

"Shit!" napamura ako.

"Bakit Ma'am?" tanong ni JM sakin.

"Sugatan ako!" sabi ko habang pinipisil ko yung hintuturo ko na dumudugo. Pinunasan ko kasi yung gilid gamit yung daliri ko para makita ko sana yung brand nung generator kaya lang may matalim pala yung gilid nun di ko napansin kasi nga nababalot ng itim na alikabok dahil sa pagkakasunog nito.

"Kuha ako ng first aid?" tanong nung babae na kasama namin na si Amy.

"Okay lang ako malayos sa bituka," sabi ko habang ipinunas ko nalang sa suot kong damit yung daliri ko. Yun din kasi ang problema sakin lagi kong nakakalimutang magdala ng panyo or ano mang pamunas.

Total na apat na generator ang nandun at pareparehas yung sunog kaya hirap na hirap kami. Di ko na namalayan yung oras, maya-maya may narinig kaming yabag na paparating. Paglingon ko sa pinanggagalingan nun nakita ko si Martin at may kasamang mga lalaki na ang sabi niya kanina ay manager nung Hotel at Security.

"Bakit naka-upo ka diyan?" tanong nito sakin ng makita niya kong naka salampak sa sahig. May sinusulat kasi ako kaya naupo muna ako dun. Di ako sumagot kay Martin kasi nga di pa ko tapos sa ginagawa mo.

"Tumayo ka nga diyan!" naiinis na niyang sabi sabay hila sa kamay ko.

"Aray!" sigaw ko na labis niyang pinagtatakahan kasi nga hinawakang niya lang yung kamay ko at iniangat ako pero sumigaw na kagad ako na para akong labis na nasaktan kaya bigla niya kong binitawan.

"Nahawakan mo yata yung sugat ni Ma'am," sabi ni JM.

"May sugat ka?" tanong ni Martin sakin bago niya muling kinuha yung palad ko pero dahil nga di naman ganun kaliwanag di niya yung makita ng maayos.

"Okay lang ako!" sabi ko habang binabawi ko yung kamay ko na hawak-hawak niya pero di niya ito binitawan sa halip ay kinuha niya yung phone niya at binuksan yung flash light nito saka itinapat sa palad ko.

Lumantad sa kanya yung yung palad ko na ubod ng dumi ang pero kahit ganun ay kitang-kita parin niya yung maliliit na cut dun pero nakaka-agaw pansin ay yung cut mula tiny finger ko papunta sa pulso ko.

Nakuha ko yun nung binuksan namin yung pangatlong generator bigla kasi yung tumumba kaya tinukuran ko iyon ng kamay ko para di tuluyang mag-collapse ang malas ko lang sumabit yung kamay ko sa isang naka usling yero.

Nakita ko yung pagdidilim ng muka ni Martin at walang sabi-sabing hinila niya ko palabas.

"Saglit lang yung gamit ko!" pagpupumiglas ko kasi yung phone ko at mga tools ko andun pa.

"Bilisan mo!" sabi ni Martin ng makita niya kong tumakbo pabalik. Mabilis kong ipinasok sa bag ko yung mga gamit ko at bago ako umalis ay nagbilin ako kay JM na picturan yung mga generator at bukas na kami mag-usap bago ako bumalis sa tabi ni Martin na halatang gigil na gigil nanaman sakin.

Tahimik lang na nagdrive si Martin pero halata sa way ng pagdrive niya na galit siya. Ang bilis kaya ng takbo namin pero hinayaan ko lang siya para di siya lalong magalit.

"Gabi na pala!" nasabi ko sa isip ko ng mapansin kong binalot na ng dilim yung kalangitan. Ngayon ko lang din napansin na napaka dungis ko pala. Yung puting damit ko ay puno ng alikabok at uling na sinamahan pa ng natuyong dugo, maging ang pantalon ko ganun din ang itsura buti nalang talaga naka itim ako na rubber shoes kaya di masyadong halata ang dumi nun.

Pagdating namin sa tinutuluyan namin agad akong inutusan ni Martin na maligo at dahil nga alam ko naman na kailangan ko narin talaga matulog di na ko nag-inarte at dumiretso na ko sa banyo.

Doon ko lang nakita kung gaano kalala yung itsura ko kasi maliban sa damit kong napaka dumi pati yung mukha ko at buhok ay ganun din. Nagmukha akong taong grasa.

Dahil sa pagmamadali ko nakalimutan kong magdala ng damit. Tumalya lang yung itinapis ko sa katawan ko kasi nga wala akong bathrobe na dala. Meron dun sa banyo pero kay Martin yun kaya di ko ginamit pero parang mali yung desisyun kong yun kasi paglabas ko ng banyo ang bumungad sakin ay si Martin na naka upo sa may kama at nakatingen sakin na parang predator na handang sungkaban yung kanyang prey at ang masaklap mukang ako yun. Gusto ko sanang bumalik sa banyo para maka iwas pero mabilis na nagsalita si Martin.

"Wag mo ng tangkaing bumalik sa banyo, lumapit ka na bago pa ko lalong magalit!"

Kanina pa natapos yung meeting ko at hinihintay ko lang si Michelle na tawagan ako or i-text pero lumipas na yung ilang oras wala parin siya kahit anino niya. Nung dumilim, naisip kong tawagan siya pero di parin ako maka-connect. Isa lang ibig sabihin di parin niya inaalis sa block listed yung number ko.

Bumunting hininga muna ako bago pumunta sa underground kung saan siya naroroon based sa taong pinagtanungan ko.

Kumulo yung dugo ko ng makita ko yung itsura ni Michelle na naka upo sa maduming sahig kaya agad ko siyang sinabihan na tumayo dun pero para siyang bingi na di man lang ako pinansin kaya bigla ko siyang nilapitan at hinila patayo pero laking gulat ko ng sumigaw siya na parang nasaktan.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung palad niya na ubod ng dumi ang maskalap pa puno yun ng sugat kaya dali-dali ko siyang hinila pero sa halip na magworry siya sa sugat niya mas nag-alala pa siya sa mga gamit niyang iniwan.

Gustong-gusto ko na siyang buhatin pero pinipigil ko yung sarili ko lalo pa nga at may ibang tao. Buti nalang nag-behave na siya hanggang makarating kami sa tinutuluyan namin.

Pagdating agad ko siyang inutusang maligo na agad naman niyang sinunod. Muli akong lumabas para bumili ng gamot para sa sugat niya buti nalang may malapit na botika. Pagbalik ko nasa banyo parin siya naliligo kaya naupos ako sa kama para hintayin siya.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko siyang lumabas ng banyo, naka tapis lang siya ng tuwalya na natatakpan lang yung kalahati ng binti niya sa ibaba at samantalang labas na labas yung clevage ng dibdib niya sa itaas.

Di ko mapigilang mapalunok kasi napaka seductive ng itsura ni Michelle. Gustong-gusto ko na siyang lapitan para angkinin pero nagpigil ako lalo na ng makita ko sa mukha niya na balak niya kong takbuhan.

pumirangcreators' thoughts