webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Sly as a Fox 2

"Anong nangyari dun sa tao?" Tanong ni Papa habang naka upo na kami sa sala. Nasa mahabang upuan sila naka upo ni Mama samantalang si Martin naka upo sa arm chair ng inuupuan kong single sofa.

"Kasalukuyan na po siyang naka kulong." Sagot ni Martin habang nasa balikat ko yung kamay niya.

"Mabuti naman kung ganun!" Sagot ni Mama.

"Sana maging aral sa iyon Michelle at mag doble ingat ka na!" Bilin ni Papa.

"Opo Pa, ingat na po ako sa susunod." Sagot ko naman.

"Anong sa susunod wala ng susunod magresign ka na sa trabaho mo at tanggapin mo na lang yung offer ni Martin na magtrabaho sa company niya." Sagot ni Mama.

Nagulat ako dahil dun kasi di ko akalain na pati parents ko gusto naring magresign ako ang nakakainis pa is parang sinusubo na nila ako kay Martin at samantalang ang isa naman ay parang inosente. Di ko akalain na nadiscuss na niya yun behind my back at mukang nakumbinse niya yung mga magulang ko. "Sly as a fox!" Nasabi ko nalang habang napa iling.

"Ma... naman! Sayang naman yung trabaho ko sa Web Security mag three years narin ako dun. Saka masaya ako sa trabaho ko." Protesta ko.

"Alam naman naming okey yung trabaho mo Michelle at nag-eenjoy ka dun kaya lang paano ang safety mo? Paano nalang kung nasa malayo ka at nangyari yung ganun, Anong gagawin mo?"

Tanong ni Mama sa akin habang nangigigilid ang luha.

"Hays...!" Buntunghininga ko habang pinisil ko yung sintendo ko. Parang bigang sumakit yung ulo ko.

"Pag-isipan mong mabuti Michelle ang importate yung safety mo anong gagawin mo sa pera at sa enjoyment na nararamdaman mo kung mapapahamak ka naman." Payo ni Papa.

"Pag lumipat ka sa company ko pwedi ka parin naman magtravel at magagawa mo parin naman yung ginagawa mo sa Web Security ang pinagkaiba lang is may kasama ka." Gatong pa ni Martin.

"Oo may kasama ako malamang ikaw!" Sagot ko sa sarili ko. Di ko naman sinasabing ayaw kong kasama si Martin pumunta sa ibang lugar or mamasyal syempre gusto ko yung bilang in-relationship kami pero di bilang boss ko.

"Pag-isipan ko muna Ma ha! Binigyan naman ako ni Boss Helen ng five days vacation kaya mag-iisip muna ako." Sagot ko nalang kasi alam ko naman wala akong panalo sa tatlo.

"Sige pag-isipan mo muna!" Pag sang-ayon ni Papa.

"Siya nga pala Tito at Tita ipagpapaalam ko po pala si Michelle sunduin ko siya sa Monday. Naisip ko po kasing mag out town muna kami para makalimutan yung nangyari."

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Mama.

"Sa Palawan po Tita."

"Ah okey maganda nga dun. Tamang-tama para makapag-relax at makapag-isip siya na makabubuti sa kanya." Sagot ni Papa.

"Feeling ko talaga gusto niyo na kong ibigay kay Martin!" Sagot ko. Di ko kasi expect na mabilis silang papayag. Akala ko kahit papano is pahihirapan nila si Martin pero isang sabi pa lang ng isa "oo" kagad ang sagod.

"Di ba obvious?" Sagot ni Mike na kakapasok lang habang may hawak ng bola. Halatang galing sa basketball dahil sa suot niyang jersey at rubber shoes. Ang masaklap pa basang basa ng pawis at ipinunas niya yun sa damit ko.

"Kadiri ka!" Sagot ko sa kanya habang hinampas ko siya sa braso.

"Itatanan ka na ni Kuya Martin kunyari lang yan na niyaya ka niya mag-out of town." Salaysay ni Mike habang pumunta sa Ref at uminom ng tubig.

Tiningnan ko si Martin na agad ngumiti bigla tuloy akong kinabahan kaya napatingin ako sa muka ng magulang ko pero parang di nila narinig yung sinabi ni Mike. Feeling ko binigyan na nila ng blessings si Martin sa pwedi niyang gawin sa akin.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Martin kaya napilitan siyang mag excuse muna at umalis para sagutin ang tawag.

"Ma-swerte ka na Martin anak!" Sabi ni Mama.

"I know Ma, kaya lang four months pa lang kami. Hindi po ba napaka-aga pa para masabing kami na talaga?"

"Di naman yung sa tagal ng pagsasama Anak ang importante nagkakaintindihan kayong dalawa at mahal niyo ang isa't isa. Isa pa nakikita ko ang sincerety sayo ni Martin kaya kampante kami ng Papa mo sakanya."

"Paano kung saktan niya ko?" Pa inosente kong tanong.

"Bubugbugin ko siya!" Mayabang naman na sagot ng magaling kong kapatid na bumalik na pagkatapos magbihis.

"Muka mo baka ikaw bugbugin niya!" Supalpal ko naman sakanya. Sympre ano nga bang laban ng seventeen years old sa isang full grown man na twenty nine years old.

"Kahit wala akong laban sa kanya kapag sinaktan ka niya di ako magdadalawang isip na bugbugin siya kahit pa sa ending ako ang magiging bugbog sarado atleast sisiguraduhin ko na mababawasan ko ngipin niya kahit isa lang." Sagot ni Mike sa akin habang inilagay pa yung kamay niya sa balikat ko para sabihing seryoso siya sa pahayag niya.

"Ikaw diyan bugbugin ko eh!" Pagbabanta ko kay Mike. Kahit saan ko kasi tingnan malabo yung sinasabi niya lalo nga at na witness ko kung paano suntukin ni Martin si Mr. De Jesus na halos di ko na makilala sa presinto kanina.

Bigla kaming nanahimik ng bumalik si Martin.

"Alis ka na?" Tanong ko kasi nakita ko sa muka niya na malungkot halatang ayaw pa sana niyang umalis pero syempre meron parin siyang obligasyon sa office nila na kailangan niyang fullfill. Minsan nga nahihiya na ko sakanya kasi feeling ko nagiging burden na ko kay Martin.

"Hmmm... may kailangang tapusin lalo pa nga mag leave ako ng isang lingo kaya need kong tapusin yung mga documents sa office."

"Sabi ko naman sayo eh, mag-commute na lang ako di sana natapos ka na!"

"Okey lang yun ano kaba!" Sagot niya sakin at tinapik yung ulo ko.

"Umalis ka na, nang matapos mo kagad yung gagawin mo!" Pagtataboy ko sakanya.

"Una na po muna ako Tito, Tita at Mike." Pagpapaalam ni Martin.

"Ingat sa biyahe." Sagot ni Papa.

"Opo!"

Tumayo ako para ihatid si Martin sa sasakyan niya. Magka-holdings hands kami ni Martin habang palabas kami ng bahay wala na kaming paki sa mga matang naka tingin samin yung mga tsismosa at tsismoso kong kapitbahay.

"Sige na!" Tulak ko kay Martin. Gusto ko na sanang kumawala sa pagkakahawak sa kamay niya pero di naman ako pinaka walan ni Martin.

"Sama ka na sakin."

"Tigilan mo nga ako Martin!" Sabay irap ko sa kanya. Paano nagiinarte nanaman siya.

"Hays... ang tigas ng puso mo!" Sagot ni Martin sa akin habang binuksan ang pinto ng kotse niya sa likod at tuluyang isinara yung pinto. Aatras na sana ako para maka alis na sila pero binuksan niya yung bintawa at kinawayan ako para lumapit. Akala ko may bilin pa siya kaya lumapit ako. Pero laking gulat ako ng bigla niyang hawakan yung batok ko at hinalikan ang labi ko.

Please vote!!!

pumirangcreators' thoughts