webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Second Hand

Paggising ko ng umaga wala na si Martin sa tabi ko, malamig na din yung bahagi ng kama kung saan siya nakahiga kagabi kaya malamang ay kanina pa ito nagising. Bumangon narin ako ng makita kong alas syete na pala ng umaga base sa relo na nakapatong sa side table malapit sa kama.

Dumiretso na ko sa banyo at naligo pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ko. Nakita ko si Martin sa may dinning area at naglalagay ng pagkain sa lamesa.

"Good Morning!" bati ko habang naglalakad ako papunta sa kanya. Sa halip na batiin din ako ni Martin ay pinuna niya yung suot kong damit.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya sakin habang naka tingin sakin.

"Maiinit eh!" diretso kong sagot naka sando lang kasi ako na puti na naka tuck-in sa suot ko maong na pantalon.

"Kahit maiinit di dapat ganyan yung suot mo!" sabi ni Martin bago ako tinalikuran para kumuha ng plato.

"Eh ano ba dapat yung suot ko?" sagot ko sa kanya bago ako umupo sa upuan sa may kainan.

"Kahit ano basta di ganyan!"

"Eh ito gusto kong suot eh!"

"Wag kang makulit at magpalit ka mamaya!" sabi ni Martin bago inilagay yung tasa na may lamang kape sa harapan ko.

"Ikaw diyan yung wag makulit!" sagot ko parin sa kanya habang inaamoy ko kinuha yung tasa ng kape at dahan-dahang ininom.

"Wag mo kong subukan!" pagbabanta uli ni Martin bago niya ko nilagyan ng kanin sa may pinggan ko. Sa totoo lang naman papatungan ko pa ng polo shirt yung sando ko sadyang inaasar ko lang si Martin. Ewan ko ba bakit gustong-gusto kong naasar siya.

Dahil nga di na ko sumagot ay naging tahimik na yung pagkain naming dalawa. Hanggang sa matapos kami.

"Masakit pa yung kamay ko kaya ikaw maghugas," utos ko kay Martin bago ako tumayo di naman siya sumagot at niligpit yung pinagkainan naming dalawa.

Parang donya lang ang peg ko. Dahil nga magliligpit pa si Martin at mag-aayos ng sarili pinili ko munang lumabas ng bahay. Pinapanood ko yung hampas ng alon sa may dalampasigan na nagbibigay sakin ng peace.

"Hon, alis na tayo," tawag sakin ni Martin kaya bumalik ako sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa loob agad akong sinuotan ni Martin ng jacket.

"Anong kalokohan yan?" naiirita kong sabi habang umiiwas ako para di niya maisuot yun sakin.

"Ayaw mong magbihis kaya magsuot ka nito."

"Ikaw mag-jacket kung nilalamig ka, wag mo kong damay!" sabi ko kay Martin bago ko siya tinalikuran pero mabilis niya kong hinawakan sa baywang at hinila ako papunta sa may sala.

"Martin, tumigil ka nga!"

"Ayaw mong makinig eh!" sabi niya sabay kagat sa leeg ko.

"Ano ka ba, surot?" inis na inis kong sabi habang itinutulak ko yung ulo niya.

"Bakit surot di ba dapat ihambing mo ko sa vampire?" takang tanong ni Martin na halatang di maka paniwala na ikinumpara ko siya sa surot.

"Eh mas gusto ko yun eh anong paki mo!"

"Saan ka pupunta?"

"Kukuha ng pantiris sayo!" sagot ko sa kanya bago ko siya iniwan.

"Siguraduhin mo lang papalitan mo yang damit mo kundi sisipsipin ko yang cli** mo!"

"Bastos!" irap ko kay Martin.

"Haha...haha... kunyari ka pa gustong-gusto mo kaya yun!"

"Hanap ka ng kausap mo!" sabi ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.

Pumasok ako sa kwarto para kunin yung polo shirt ko at ipinatong ko yun sa suot kong sando. Sinadya kong wag ibutoned yung dalawa sa ibabaw para kahit papano presko pero nung makita yun ni Martin paglabas ko ay agad siyang lumapit at binutones yun ang masaklap pa gusto pang ibutones hanggang leeg ko.

"Ano balak mo kong sakalin?"

"Inaayos ko lang yung damit mo baka kasi di ka marunong,"

"Eh di ayusin din natin yung damit mo!" sabi ko sa kanya sabay hila ko sa neck tie niya ay hinigpitan ko yun ng sobra para masakal siya.

"Gusto mo kong patayin?"

"Patay kagad, humihinga ka pa nga!"

"Ah ganun!" sagot ni Martin sabay hila niya sa kwelyo ng polo ko paraan para magdikit yung makuha naming dalawa at mabilis niya kong hinalika sa labi.

Gusto ko sana siyang itulak pero mahigpit ang magkakahawak niya sakin.

"May utang ka sakin?" singhal ko ng bitawan niya ko.

"Magkano?" proud pa niyang sabi.

"One Million!" mabilis kong sgaot.

"Sige babayaran kita ng katawan ko mamaya!" sagot ni Martin sakin habang inaayos yung neck tie niya na hinigpitan ko.

"Sinong may gusto ng katawan mo?"

"Marami," proud na sabi ni Martin sakin.

"Eh di benta mo yung katawan mo sa marami then bayaran mo ko ng one million," sagot ko sa kanya habang dinampot ko yung rubber shoes ko para isuot yung mga yun.

"Alam mo naman na sayo ko lang gustong benta yung katawan ko," sabi ni Martin na tumabi sakin sa upuan para magsuot din ng sapatos niya.

"Kahit ibenta mo pa yan sakin ng piso di parin kita bibilhin kasi second hand ka na!" naasar kong sabi kasi nga alam ko naman na may nangyari na sa kanila ni Ellena dati o baka until now kaya kung tutuusin di na virgin si Martin.

"Kahit second hand na ko i will sure parin na I'm the best kaya di ka magsisi," sabi nito saka ako inakbayan para makaalis na kami.

"Ano namang the best sa second hand?"

"Malalaman mo yan sa Friday!" sagot niya sakin sabay kindat.

"Bakit anong meron sa Friday?" inosente kong tanong para kunyari wala akong idea sa pinag-uusapan naming dalawa.

"Wag kang magmaang-maangan kasi may pinirmahan tayong kuntrata kaya siguraduhin mong handang-handa ka sa araw na yun," Di na ko kumibo di ko kasi maiwasang ma-imagine yung mangyayari samin sa Friday kaya di ko mapigil yung pamumula ng mga pisngi at pag-iinit ng tenga ko.

Nung di na ko nagsalita di narin nagsalita si Martin hanggang makarating kami sa isang shop kung saan niya inihinto yung kotse.

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko.

"Bibili ng gloves mo," sabi ni Martin bago tinanggal yung seat belt niya at bumaba ng sasakyan.

Umuling na lang ako at bumaba na rin ng kotse paano pinagbuksan na niya ako. Sa ugali talaga ni Martin pag may gusto dapat nasusunod at di talaga siya papayag na di mo siya sundin.