webnovel

Promise Ring

Naka higa ako sa kama pero di ako makatulog nanatiling naka dilat yung mata ko pero nung marinig kong bumukas ang pintuan ng banyo agad akong pumikit para isipin ni Martin na tulog na ko. Bigla kasi akong nahiya parang ngayon lang nag sink-in sa utak ko yung nangyari kaya pinapaki ramdaman ko lang siya.

Maya-maya narinig ko na yung tunog ng blower marahil nagtutuyo na siya ng buhok. Bahagya ko siyang sinilip para maka sigurado at nakita ko na naka suot lang siya ng bathrobe habang nagtutuyo ng buhok naka harap siya salamin at tanging side profile lang yung nakikita ko. Muli akong pumikit ng maaninag ko nanaman yung muscle niya sa dibdid at bicep. Napo-pollute nanaman ang utak ko. Nang matapos siyang mag blower agad siyang kumuha ng damit sa closet niya isang white na sando at blue pajama. Ang masaklap lang dun lang siya nagbihis sa harapan ko na parang di na talaga siya nahihiya sa akin kaya napilitan akong tumalikod sa kanya. Nagiinit nanaman yung buo kong katawan dahil sa nakita ko.

Akala ko hihiga na si Martin sa tabi ko pero narinig kong lumabas siya ng kwarto. Naisip ko baka may gagawin pa siya kaya muli na lang akong pumikit. Pero di nagtagal muli siyang bumalik sa kwarto at umupo sa gilid ng kama. Naramdaman ko nalang na may isunuot siya sa ring finger ko. Kaya agad akong nagmulat ng mata para tinggan iyon. Doon tumambad sa akin ang isang singsing kung saan meron siyang round-cut diamond center stone and open-worked band napaka simple lang ng design niya di masyadong takaw tingin pero napaka ganda.

"Bagay sayo!"

"PROMISE RING?"

"Oo, kasi It symbolize of my commitment to you and also a sign that i truly love you and I'm serious with our relationship."

Paliwanag ni Martin sa akin habang yakap yakap ako.

Muli kong tiningnan yung sing-sing na nasa daliri ko di ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Naputol yung pag-iisip ko ng halikan ako sa labi ni Martin pero mabilis lang yun saka niya ko nginitian.

"Salamat!"

Naging tungon ko sa kanya.

"I love you ang gusto kong marinig sayo!"

"Yoko nga!"

Pag-iinarte ko sabay subsub ng muka ko sa dibdib niya. Pero yung deep in side sa akin tuwang tuwa ako kasi nga sino bang babae na di kikiligin sa sinabi ng boyfriend ko di ba? Akala ko di na niya ipagpipilitan na sabihan ko siya ng "I love you" pero mali ako pagkatapos niyang patayin yung ilaw agad niya kong kinulong sa braso niya sabay kiliti sa akin.

"Ayaw mo?"

"Haha...haha... tama na! Nakikiliti ako Martin!"

Pagpupumiglas ko habang tumatawa.

Tinigilan naman niya yung pangingiliti sa akin.

"Sabihin mo na please!"

Kahit medyo madilim naaninag ko parin yung muka ni Martin na nag anticipate na sabihan ko siya ng mga salitang iyon. Naalala ko nga pala sa cellphone ko palang iyon nasabi.

Hinawakan ko yung pisngi niya ng kanang palad ko at tiningnan ko siya sa mata para makita niya yung sincerity ko at mahina kong binigkas yung gusto niyang marinig na salita.

"I love you!"

"I love you too!"

Tugon niya sa akin sabay muling dampi ng halik sa labi ko. Bago pa lumalim yung halikan namin agad kong tinabig yung muka niya.

"Nakarami ka na kaya tumigil ka na!"

"Hahaha.. Titigil na!"

Umayos na siya ng higa sa tabi ko at inayos inayos narin yung kumot naming dalawa.

"Good night!"

Mahinang sabi ko sa kanya pero sa halip na sumagot din ng good night itinaas ini angat niya yung baba ko at muli akong hinalikan.

"Isa pa sa labas na ko matutulog!"

Pagbabanta ko.

"Sinusulit ko lang ang tagal kaya natin di nagka sama!"

Sabay muling halik sa akin.

"Naka dami ka na nga kanina!"

Sagot ko sa kanya saka marahan ko siyang kinurot.

"Isang round pa tayo!"

"Ayaw mong tumigit ha!"

Akma na sana akong tatayo para lumipat ng higaan ng hilain niya ako pabalik sa mga bisig niya.

"Tulog na!"

Sabi niya at muli akong hinalikan sa noo.

"Good night!"

"Good nigh din and i love you!"

Di ko na siya sinagot at tuluyan na kong pumikita.

Pag gising ko ng umaga wala na sa tabi ko si Martin. Dumiretso na ko ng banyo para maligo para maka uwi na ko.

Naka harap ako sa salamin ng banyo ng naka hubad tini tingnan ko yung buo kong katawan paano ultimo likod ko my kiss mark pati pwetan ko di pinatawad. Grabe talaga yung lalaking ito pwedi namang halikan bakit kailangan pang markahan. Ang ungas matalino din di niya ako nilagyan sa mga lugar na visible sa mga tao.

"Hays!"

Buntong hininga ko habang nagsuot ako ng damit. Muli akong napa tingin sa sing-sing na nasa daliri ko dahil din nawala ang galit ko ky Martin at speaking sa devil kumakatok na siya sa pintuan ng banyo.

"Hon tagal ka pa? Naka handa na yung almusal natin!"

"Palabas na ko!"

Sagot ko sa kanya habang sinusuot ko yung t-shirt ko. Nang masiguro kong okey na yung itsura ko tuluyan na kong lumabas.

"Morning Honey!"

"Morning!"

Bati ko rin sa kanya habang inayos niya yung tuwalyang naka pulupot sa buhok ko.

"Mamaya ko na blower buhok mo, almusal muna tayo para di lumamig yung pagkain."

"Okey!"

Tuluyan na kaming lumabas ng kwarto at dumiretso na kami sa dining table. Maingat na naka ayos sa lamesa yung pagkain may itlog, bacon, chicken, tinapay at fried rice. Ang pinaka malupit may kape na may juice pa.

"Ang dami naman nito! Anu gutom lang?"

"Sympre kailangan mong kumain ng madami para maka tagal ka mamaya!"

Naka ngiting sagot ni Martin ako naman napa kunot yung noo ko. Kung pakikinggan ko yung sinabi niya para namang walang problema pero sa way niya deniliver yun parang may mali. Di ko nalang pinansin at nag umpisa na kong kumain.

"Siya nga pala Hon opening na ng Casa Milan MOA sa Sabado!"

"Oo nga nasabi ng Manager niyo dun kaya nga pinaayos niya lahat ng fault dun kahapon. Bakit may problema ba uli?

"Wala naman kaya lang may party kasi din isasabay yung anniversary ng company."

"Ah maganda nga dun ang laki ng hall dun kahit one thousand guest kasya."

"Kailangan akong pumunta sa party tapos kailangan ko sana ng female partner."

"Ganun ba okey lang sa akin wag kang mag alala di naman ako selosa."

Comment ko na okey lang pero parang ang bigat sa dibdib ko. Kaya bahagya akong yumuko para di makita ni Martin yung muka ko habang patuloy akong kumakain.

Next chapter