webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Move-On

"Ma!" Tawag ko sa kanya nung makalapit yung sasakyan sa bahay namin. Di siya kumibo at naka tingin lang sakin.

Nung makababa na ko ng tuluyang saka lang siya nagsalit, "Bakit ngayon ka lang?"

Sa halip na sagutin ko siya ay nagpaalam ako kay Mang Kanor.

"Salamat po Kuya!"

"Walang ano man Mam, mauna na po ako!"

"Sige po, ayaw mo naman kumain muna!"

"Okay lang po!" Sagot ni Mang Kanor bago tuluyang umalis.

"Bakit ngayon ka lang bata ka?" sabi ni Mama sabay kurot sa tagiliran ko. Ang ganda pa naman ng kaway ko kay Mang Kanor kaya di ko napansin yung gustong gawin ni Mama kaya wala akong nagawa kundi magreklamo na lang.

"Aray ko Ma!" reklamo ko.

"Aray mo! Bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Nalasing kasi ako kagabi kaya di ako naka uwi!"

"Nalasing? Ano kay Martin ka natulog?" Lalong nanggigil si Mama.

"Hindi noh!" Mabilis kong tanggi habang pinipilit kong makawala sa pagkaka kurot ni Mama.

"Saan ka natulog?"

"Sa hotel, kasama ko si Zaida!" Palusot ko. Nung pinagtitinginan na kami ng kapitbahay binitawan na ko ni Mama.

"Umayos ka Michelle ha! Baka mamaya humahabol habol ka dun kay Martin!" Duro sakin ni Mama. Mabilis akong umiwas baka kasi tamaan yung muka ko. Di ko mapigilang haplusin yung bahaging kinurot niya at sa tingin ko magpapasa iyon. Ito talagang nanay ko mag 30 na ko pero kung ituring ako kala mo ay teenager.

"Ano di pa nakaka move-on?" Taas kilay kong tanong kay Mama.

"Bakit naka move-on ka na ba?" Ganting tanong niya sakin habang nasa baywang pa yung dalawang kamay habang pinangdidilatan ako ng mata.

"Syempre naman!" mayabang kong sagot para di mahalata na kanina lang ay natutulala parin ako sa kakaisip ng halik ni Martin sakin kagabi.

"Ewan ko sayong bata ka, hampasin kita diyan eh!" muling pagbabanta ni Mama kaya kumaripas na ko ng takbo papasok ng bahay. Nakakahiya kasi kung may ibang taong makakita kung paano ako paluin ni Mama sa edad kong ito.

"Hi Pa!" masaya kong sabi habang nagbless ako kay Papa na naka-up sa sofa habang nasa lap niya yung laptop.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya rin sakin nung maka upo ako sa tapat niya habang nagtatangal ako ng sandals ko.

"Nalasing ako kagabi Pa, kaya sa hotel na lang ako natulog!" paliwanag ko.

"Kaninong damit yang suot mo?"

"Ah kay Zaida ito, hiniram ko!"

"Michelle ha!"

"Alam ko po!" sagot ko nalang para matapos.

"Kumain ka na?"

"Tapos na po! Pahinga muna ako Pa!" Mabilis kong sabi kasi papasok na si Mama at malamang may part two nanaman yung sermon niya sakin.

Mag-lunch na ng kumatok si Mama sa kwarto ko para yayain akong mag-lunch na.

"Sunod na ko Ma!" sigaw ko.

"Bakit may bag ka nanaman?" tanong ni Mama. Di ko akalain na bigla siya kasing pumasok.

"Ah... punta ko kina Anna!"

"Kila Anna ka lang pupunta may dala kang mga damit?"

"Mag-sleep over kami dun, kasama sila Analyn at Nina!"

"Sinasabi ko sayo Michelle ha, kagabi si martin kasama mo ngayon naman si Christopher. Ano ba wala na bang ibang mga lalaki?" Pag-uumpisa nanaman ni Mama.

"Wag kang mag-alala 'Ma wala na sakin yung mga Ex ko!"

"Umayos ka!" Sigaw niya sakin, balak nanaman sana niya kong kurutin buti nalang naka iwas ako.

"Si Mama puro umayos kala naman niya di ako maayos! Ang ayos-ayos ko kaya!" Depensa ko pero nasa pinto na ko para if ever maging mapanakit nanaman si Mama eh makatakbo na ko pababa.

"Yang anak mo mag-sleep over daw kina Anna!" sumbong ni Mama kay Papa na naka upo na sa harap ng hapag kainan. Tiningnan lang ako ni Papa na parang naghihintay na magpaliwanag ako.

"Magrereunion lang kaming apat 'Pa, alam mo naman na two years din naming di nakasama si Nina."

"Buti pinayagan siya ng asawa niya!" sagot ni Mama sakin.

"Syempre naman, kami naman kasama ni Nina. Bugbugin namin si Robert kapag di siya pumayag."

"Ayos kayo ah, pamilyado na si Nina kaya dapat consider niya narin yung asawa niya kaya ikaw kapag nag-asawa ka di pwedi gusto-gusto mo lang dapat matuto kang humingi ng permiso sa asawa mo!"

"Sa nanay ko pa nga lang hirap na kong humingi ng permiso sa asawa ko pa kaya!" usal ko.

"Anong sabi mo?" singhal ni Mama.

"Sarap ng luto mo 'Ma the best ka talaga!"

"Haha...haha...!" tawa ni Papa na mabilis kong kinindatan.

"Umayos ka Michelle!"

"Si Mama naging expression ngayon puro umayos!"

"Eh anong gusto mong sabihin ko?"

"Sabihin mo na maganda yung anak mo!"

"Maganda ka nga wala ka naman boyfriend mamaya maunahan ka pa ni Mike mag-asawa bahala ka diyan!" pagbabanta ni Mama.

"Paano nga ako makakahanap ng mapapangasawa eh ayaw mo naman akong lumandi?"

"Anong sabi mo?"

"I love you 'Ma! Kain na po tayo!" Naka ngiti kong sabi habang nilalagyan ng ulam yung pinggan niya. Mahirap ng magalit si Mama baka di ako payagan at pag ganun yung nangyari si Anna nanamn ang bubuliglig sa tenga ko.

Pagkatapos ng tanghalian muli akong bumalik sa kwarto ko para matulog para mamayang gabi ay may lakas. Mag-four na ko nagising, mabilis akong nagmeryenda at naligo na.

Eksaktong six ng gabi dumating sila Anna, kasama si Nina at Analyn. Nakagayak naman na ko kaya mabilis din kaming naka-alis.

"So, saan tayo?" Tanong ko. Sa may likod ako ng sasakyan naka pwesto katabi ko si Analyn.

"Sa timog tayo madaming bar dun!" sagot ni Anna sakin

"Saan tayo matutulog?" muli kong tanong.

"Hanap tayo ng bar na may hotel para pwedi tayong magpakalasing." exited na sagot uli ni Anna.

"Okay!" maikli kong sagot.

"Siya nga pala Michelle, sabi ni Cristopher pumayag ka na daw makipag-date sa kanya sa Monday?" Tanong ni Anna sakin.

"Oo, pinilit niya ko!"

"Nagpapilit ka naman?" Takang tanong ni Analyn.

"Haha... yaan mo na! Malay niyo naman biglang tumibok yung puso ko sa kanya!" pagbibiro ko pero walang natawa sa joke ko.

"KJ niyong tatlo!"

"Michelle naman, alam naman kasi namin na hanggang nagyon mahal mo parin si Martin!" sabi ni Nina na nakatingin sakin sa pamamagitan ng front mirror.

"Akala niyo lang yun!"

"Akala mo lang din yun!" sagot ni Analyn sakin. Napa-iling nalang ako sa mga kaibigan ko kahit kailan talaga basang-basa nila ako, para bang wala akong sikretong pweding itago sa kanila.