webnovel

MISS ME

"Buti naman naka uwi ka na?" basa ko sa kapapasok lang na text, patulog na sana ako ng tumunog yung phone ko.

"Patulog na nga ako istorbo ka!" pambabara ko sa nagtext sakin.

"Yun na nga sa halip na matulog ka ng maaga na gawa mo pang makipag-date!" Bigla akong napa-isip kung paano nalaman ng stalker ko na nakipagdate ako at may work na ko, di ko naman naalala na nagpost ako sa FB. Ang nakakaalam lang ay yung mga close friends ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Martin, di kaya siya yun? Agad kong kinuha yung isa kong phone na binigay niya sakin. Tagal kong tinititigan yung number niya sa phone book at nag-isip kung dapat ko ba siyang tawagan para kumpirmahin yung hinala ko. Kasi kapag di yun nag ring malamang siya yun kasi nga nagpalit na siya ng number at ayaw lang magpakilala. Eh pano kung tumunog anong sasabihin ko? Dumaan ang ilang minuto pa bago lakas loob ko siyang tinawagan.

"Bahala!" sabi ko sa sarili ko.

"Kring...!" pag ring ng isang beses balak ko na sanang patayin pero laking gulat ko ng sagutin niya.

"Hello!" bigla akong natigilan at di ko na napatay yung tawag kasi di parin pala siya nagpapalit ng number.

"May kailangan ka?" sabi niya na parang kalmado lang.

"Wala naman, napindot ko lang! Pasensya na sa istorbo!" kinakabahan kong sabi, balak ko sana ibaba na kaya lng nagsalita pa siya.

"Miss me?" seryosong tanong niya.

"Huh?" Paano kita ma-miss eh naasar nga ako sayo. Gusto ko sanang sabihin pero syempre di pwedi.

"Matulog ka na para di ka antukin bukas." muli niyang sabi, marahil paraan niya yun para baguhin yung usapan.

"Oo nga eh, sige gud night!" sabi ko at mabilis ko ng ibinaba yung phone paano kasi yung tibok ng puso ko sobra ng bilis.

"Hays!" buntong hininga ko para kahit papano kumalma na siya.

Di ko maintindihan parang nakikipag-flirt sakin si Martin pero syempre di pwedi yun commited na siya kaya mabilis ko yung dinis-miss sa utak ko. Muli kong tiningnan yung text message sakin nung staker ko.

"Kung di siya si Martin, sino siya?" tanong ko sa sarili ko kasi imposible naman na dalawa yung phone ni Martin.

"Tulog na nga ako!" nasabi ko nalang sa huli bago ko pinatay yung ilaw sa side table at nagtalukbong ako.

Five pa lang nagising na ko para magluto ng breakfast namin ni Mike, balak ko sana mag luto din ng lunch kaya lang wala ng laman yung ref namin maliban sa gulay na pinadala ni Mama sakin, kaya need ko ng mamalengke mamaya.

"Sa Casa Milan ka papasok?" tanong ni Mike sakin habang nasa biyahe na kami.

"Oo, confidential daw kasi yung mga documents kaya di pweding iuwi."

"Eh kala ko sa Web Solution yung kumuha sayo?"

"Yun nga din akala ko!"

"Paanong yun din akala mo?" naguguluhan na sabi ni Mike.

"Basta mahabang kwento!" sabi ko nalang para matapos yung usapan.

"Hanggang kailan pasok mo?"

"Hanggang matapos yung investigation dun sa Casa Milan Subic?"

"Mga isang buwan?"

"Di naman siguro sa tantiya ko two weeks, okay na yun."

"Ah okay!" sabi ni Mike.

Pagbaba ko palang ng kotse n Mike may tumawag na sakin. Si Lucas yun na mabilis din akong inakbayan.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Namamasyal!" pagbibiro ko.

"Namamasyal o may binibisita?" pag-tease niya sakin.

"Oo, bibisitahin kita!" ganti ko sakanya.

"Haha...haha...!" tawa ni Lucas.

"Wag ka ngang magulo baka mamaya ma-late ako!" sabi ko sa kanya at bahagya ko siyang itinulak para lumayo sakin.

"Pumapasok ka dito?" takang tanong niya.

"Oo!" diretsa kong sagot at tuluyan na kong naglakad para sumakay sana ng elevator.

"Sang department ka?"

"Diyan lang sa tabi-tabi!' sagot ko kasi wala naman talaga akong department na naka under. Nahihiya naman akong sabihin na si Martin yung direct Boss ko kasi nga ayaw ko naman mag-isip si Lucas ng kung ano-ano.

"Sabay tayo kay Martin!" sabi ni Lucas na walang kagatol-gatol akong hinila. Buti nalang naka flat shoes ako kung kagaya kahapon malamang nabalian ako ng buto sa paa.

"Pasabay!" sigaw ni Lucas kay Martin nung pigilan niya yung pinto ng elevator sa pag-sara.

Dire-diretso siyang pumasok habang hila-hila parin ako. Bago ako maka recover ay nasa tabi na ko ni Martin.

"Akalain mo Caz pumapasok pala dito si Michelle!" kwento ni Lucas habang biglang binitawan yung kamay ko na para pang napaso.

"Hmmm!" tanging sagot ni Martin habang naka tingin sa may pintuan ng elevator.

"Ay sa 20th floor lang ako!" sabi ni Lucas habang pinindot yung number ng floor niya.

"Ikaw Michelle, sang floor ka?"

"Twenty five!" kiming sagot ko. Makikita sa muka ni Lucas ang pagkabigla. Tiningnan niya ko at ganun din si Martin parang may gusto siyang sabihin na di niya malaman kung paano sasabihin sa huli pinili na lang niyang nahimik pero saglit lang yun.

"Sabay tayo lunch mamaya Michelle!" sabi nito.

"Sige, basta libre mo ko at dapat sa masarap!"

"Di ba dapat ikaw manilibre sakin kasi new ka!"

"New lang ako pero wala akong sahod kaya wag kang magulo." mataray kong sabi sa kanya.

"Paano wala kang sahod? Pwedi ba yung nagtatrabaho ka walang sahod?" nagtatakang sabi ni Lucas.

"Tanong mo sa Boss ko!" sabay sulyap ko kay Martin na nakatayo lang na parang tuod sa gilid ko na mukang naintindihan naman ni Lucas.

"Sige, libre kita!" tanging nasabi nalang ni Lucas bago lumabas ng elevator kasi nga nasa 20th floor na kami.

"Sabi mo yan ah!" pahabol ko pa. Dahil nga dalawa nalang kami ni Martin bahagya akong lumayo sa kanya. Feeling ko masyado kaming malapit sa isat-isa. Kagaya kanina wala parin siyang kibo kaya di na rin ako nagsalita haggang makarating kami ng 25th floor.

Pinauna ko siyang lumabas, siguro nakaka dalawang dipa na ang layo niya sakin bago ako sumunod. Mabilis siyang binati ng mga empleyado niya habang naka tingin lang sila sakin na nginitian ko lang pero makikita ko yung pangungutya at selos sa muka nila pero maliban kay Xandra na girlfriend ni Mike na andun din.

Pagpasok ko sa loob naka upo na si Matin sa upuan niya kaya dumiretso narin ako sa table ko at sinimulan yung trabaho.

Gusto ko sanang mag-update pa ng isa kahapon kaya lang di ko kinaya...

Sorry!!!

pumirangcreators' thoughts
Next chapter