webnovel

Michelle Flower Shop

"Good Morning Dina!" Masayang bati kong bati nung mapadaan ako sa pwesto niya.

"Good Morning Michelle!" Masaya rin niyang bati sa akin habang nakangiti.

"Ang ganda naman ng bulaklak mo!" Puri ko sa bugkos ng pulang rosas na nakapatong sa lamesa niya.

"Sinabi mo pa! Talagang ang gaganda nila kaya napaka swerte mo talaga! Nakaka inggit!" Kinikilig pang sabi ni Dina sa akin habang inaabot sa akin yung bulaklak.

"Kanino galing?" Takang tanong ko.

"May card na nakakabit oh, bakit di mo basahin para malaman natin kung kanino galing." Muling pang aasar ni Dina kaya wala akong nagawa kundi kunin ang bulaklak at basahin yung card na naka ipit dun.

"To my honey... good morning!" Yun lang ang nakasulat sa card walang sender kaya muli kong

"Sure ka bang para sa akin ito?"

"Oo para sayo yan! Gusto ka pa ngang hintayin nung nagdeliver para siguradong matatanggap mo kaya lang ang tagal mo kaya umalis na saka sinabi ko sa kanya na kapag hinintay ka pa malang ipabalik mo lang yung bulaklak kasi di ka naman tumatanggap ng bulaklak kako kaya umalis na siya." Mahabang salaysay ni Dina sa akin. Kaya muli kong tiningnan yung mga rosas at card na nasa kamay ko mukang kay Martin galing naisip ko. Naputol ang pag-iisip ko ng may humamblot ng card sa kamay ko. Pag tingin ko si Alvin yun at binasa yung naka sulat sa card.

"Kanino ito galing?" Tanog sa akin ni Alvin habang inipit yung card sa pagitan ng hintuturo niya at hinlalaki na akala mo tatay ko kung maka pagtanong.

"Di ba hawak mo yung card, ano ba nakasulat? Wala bang pangalan kung kanino galing?" Sunod sunod na tanong ni Dina kay Alvin.

"Walang naka sulat kanino galing ang tanging nakasulat ay to my honey good morning!" Talagang inartihan pa ni Alvin yung pag basa sa to my honey na parang nang aasar.

"Akin na nga yan?" Sabay hablot sa card at tuluyan na kong lumakad papalayo sa kanilang dalawa.

"Bakit mo yan tinanggap? Wag mong sabihin na nagpapaligaw ka na Michelle?" Sunod-sunod na tanong ni Alvin.

"Sayang naman kasi andito na kaya tinanggap ko na saka nakita mo walang sender kaya papano ko pa isasauli." Paliwanag ko kay Alvin habang umupo na ko sa pwesto ko.

"Bibigyan din kita ng bulaklak ngayon dapat tanggapin mo. Yung mas malaki at mas madami diyan. Wait mo lang!" Sabay alis ni Alvin sa pwesto ko. Nakita ko siyang may tinawagan sa telephono mukang oorder din talaga ng bulaklak. Wala akong nagawa kundi mapa iling na lang. Maya-maya tumunog yung cellphone ko may nagtext.

"Natanggap mo yung bulaklak?" Maikling text sa akin ni Martin. Tama nga hinala ko na sa kanya galing ang mga ito.

"Oo, salamat! Pero sana huli na ito. Wag ka ng magpadala ng bulaklak dito sa opisina."

"Bakit di mo nagustuhan?"

"Di naman sa ganun kaya lang abala kasi."

"Panong naging abala?"

"Basta! Sige na work na ko."

"Gusto mo ba ako ang personal na mag abot sayo ng bulaklak?"

"Martin please!" Maikli kong sagot medyo naiinis na ko.

"Bakit ayaw mong malaman ng mga ka officemate mo na may boyfriend ka na? Oh baka naman hangang ngayon nag eentertain ka parin ng manliligaw kaya ayaw mong padalhan kita diyan ng bulaklak." Sumasakit yung ulo ko sa pinag tetext ni Martin kaya di na ko nag reply hinayaan ko na lang at nagsimula na ko magtrabaho pero maya-maya nagtext siya uli.

"Pupunta ako diyan at gusto ko pakilala mo ko bilang boyfriend mo!"

"Hays!" Butong hininga ko ang kumplekado. Di ko parin siya ni replayan kasi mukang di naman niya ako maiintindihan.

"Excuse me, Michelle may delivery ka nasa lobby!" Sabi sa akin ng isang Admin namin kaya wala akong nagawa kundi tumayo at bumalik sa area ni Dina. Pag dating ko dun may isa uling bugkos na rosas ng iniaabot sa akin. Agad napa kunot yung noo ko kaya agad kong tiningnan kung kanino galing base sa naka sulat sa card.

"To Michelle, the one i love please give a chance to show how much i love you! Love Alvin." Lalong sumakit ulo ko pero tinangap ko na lang din para matapos na yung pamamaktol ng isa at di nga ako nagkamali pag balik ko ng table at ng makita ni Alvin na dala dala ko yung bulaklak na pina deliver niya agad siyang natuwa. Napaka ganda ng pagkakangiti niya ngiting panalo ika nga nila.

Napa iling na lang ako. Pinatawag ako ni Boss Helen kaya agad akong nagpunta pinag usapan namin yung project sa Pagudpod under sa company ni Martin. Saglit lang yung meeting kaya muli akong bumalik sa table ko para gawin yun adjustment na gusto ni Boss. Pero laking gulat ko dahil yung kaninang dalawang bugkos ko lang na bulaklak ngayon lima na plus may mga chocolate, teddy bear at mga sulat. Wala na kong mapatungan ng laptop ko dahil na puno na yung buong table ko.

"Haha... haha.. Iba talaga ang muse namin ang daming manliligaw!" Narinig kong sabi ni Sir Dariel.

"Hays!" Muli kong buntong hininga habang inaayos yung mga bulaklak at regalo. Ikinakamada ko sa bakanteng upuan. Pero di pa ko natatapos ng may muling mag salita.

"Good Morning Ma'am pinabibigay po ni Sir Roy!" Kiming sabi sa akin ng isang intern mula sa accounting department namin.

"Salamat!" Tanging nasabi ko, wala akong choice kundi tanggapin din ang bulaklak para di ma offend Si Roy.

"Mukang sikat na sikat ka ngyon Michelle ha, kahit sa company group chat ang daming nagpapahayag ng pagka gusto sayo!" Pang aasar ni Sir John sa akin.

"Hays!" Butong hininga lang ang naisagot ko. Dahil naumpisahan na nagtuloy tuloy yung pag dating ng mga bulaklak at regalo sa akin. Kahit di ko ka opisina nagpapadala narin.

"Punta muna akong CR." Paalam ko sa kanila sabay tayo para maka iwas sa pang aasar nila. Pag dating ko sa CR agad akong naghilamos para tanggalin yung stress sa muka ko. Paulit ulit akong bumungtong hininga para alisin ang asar ko. Di pa natapos yung pag mukmok ko ng kumatok yung secretary ni Boss Helen.

"Ma'am Michelle punta daw po kayo sa conference room dumating daw po yung client niyong si Sir Martin." Ito pa uli ang isa parang gusto ko ng umuwi dahil wala naman na kong nagawa ngyong buong umaga.

"Sige sunod po ako!" Magalang kong sagot kaya muli akong bumalik sa pwesto ko para kunin yung laptop ko pero lalong nanlaki yung mata ko paano ba naman puno na uli yung table ko ng mga bulaklak at take note nilagyan pa ng mga ungas kong kasama ng banner para masagad yung pang aasar sa akin.

"MICHELLE FLOWER SHOP!"

Next chapter