webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Meeting with Parents 3

Di nga ako nagkamali pagbukas palang ng elevator agad niya kong hinalikan at di lang yun simpleng halik binigyan niya ko ng deep kiss habang hawak ako sa baywang ng isang kamay at nasa ulo ko naman yung isa. Isinandal niya ako sa may pader malapit sa pintuan niya para suportahan yung likod ko. Parehas nanaman kaming hinihingal ng matapos yung halikan namin.

"Kunin mo na yung dapat mong kunin para makaalis na tayo!" Utos ko sa kanya kasi hangang ngayon naka titig parin siya sa labi ko kaya wala akong nagawa kundi hawakan yung pisngi niya at madaliin na siya. Kasi pag di ko siya pinaalalahanan malamang di kami makakalis kagad.

"Sige na!" Pagmamadali ko sakanya.

"Hintayin mo na lang ako dito!" Mahina niyang sabi sabay halik sa noo ko. Mabilis siyang pumasok at ako naman ay napang buntong hininga na lang. Napaka lakas talaga ng reaksyon ng katawan ko kay Martin siguro kung ipipilit talaga niya malamang makakarating kami sa point na mag sex talaga kami pero buti na lang pag nararamdaman na ni Martin na bibigay na ko siya na yung kusang bumibitaw. Naputol yung pag iisip ko ng lumabas na si Martin at niyaya na ko.

"Tara!" Sabay hawak sa palad ko at dumiretso na kami sa elevator. Naging tahimik lang siya at ganun din ako hangang makasakay kami ng sasakyan niya. Asa biyahe na kami ng magsalita si Martin.

"Okey ka lang?" Tanong niya sa akin habang nag drive.

"Di ako okey!" Naka nguso kong sabi habang naka tingin sa kanya dahil di siya sumagot at nagtataka kaya muli akong nagsalita.

"Tingnan mo yung labi ko pulang pula! Ano na lang sasabihin nila Mama at Papa pag nakita nila ito ng ganito! Kainis ka!" Sabay hampas sa kanya na di naman niya iniwasan.

"Hahaha...hahaha... Sorry! Nag try talaga akong pigilan yung sarili ko. Kaya lang miss na miss talaga kita di ako makuntento sa smack lang, kasi kung pagbibigyan mo lang ako gusto na talaga kitang angkinin!" Seryoso niyang sabi.

"Ewan ko sayo! Pag ako hinampas ni Mama mamaya hampasin din kita!" Sabi ko para kahit papano maiba yung usapan naming dalawa.

"Haha... Sige ako sasalo ng hampas niya. Wag ka ng mag alala. Saka di naman masyadong namamaga." Sabay haplos ng hinlalaki niya sa labi ko. Lalo akong sumimangot dahil sa ginawa niya. Kaya mabilis niyang hinawakan yung kamay ko at hinalikan yung likod para di na ko magalit. Dahil nga dun di na ko galit. Pero bigla kong hinila yung kamay ko nung marinig ko yung sinabi niya.

"Bukas yung bayad mo naman sa tea yung sisingilin ko ha!" Naka ngisi niyang sabi.

"Peste ka! Wag ka ng magbigay sa parents ko ha!" Iniisip ko kasi ano nalang mangyayari sa labi ko kung gabi gabi niya itong iraravish dahil sa kabibigay niya ng regalo sa magulang ko.

"Hahaha... Sige last na ito!" Sabay muling hawak sa kamay ko. Maya maya tumunog yung phone ko kaya nahinto yung pag aasaran naming dalawa.

"Hello pa!" Si Papa yung tumatawag.

"Nak san na kayo banda?"

"Lapit na po, mga ten minutes diyan na kami sa bahay." Sagot ko naman.

"Kasama mo boyfriend mo?"

"Opo!"

"Okey, ingat kayo! Bye!"

"Bye po!" Parang nabunutan ng tinik si Papa nung malaman niya kasama ko si Martin.

"Mukang na acknowledge mo na ako bilang boyfriend mo talaga ah!" Muling pang aasar sa akin ni Martin nung marinig niya yung usapan namin ni Papa. Tiningnan ko siya ng masakit bago ko siya sinagot.

"Di kita tinuturing na boyfriend, itinuturing kitang sugar daddy na matapos akong halik halikan ay babayaran na ko, tapos pag pinagsawaan na ko iiwan na lang ako sa tabi at maghahanap uli ng mas bata at mas maganda."

"Hoy! Anu yang pinagsasabi mo!" Saway ni Martin sa akin pero di ko siya pinansin. Dahil dun huminto siya sa gilid ng kalsada at tiningnan ako. Iniwasan ko siya ng tingin kaya hinawakan niya yung pisngi ko at hinarap sa kanya.

"Di pa nga kita nakuha, ipagpapalit na kita kagad! Pwedi ba bigay mo muna yan sa akin!"

Muli ko siyang hinampas dahil sa sinabi niya. Pero sa halip na umiwas bigla niya kong niyakap.

"Michelle... seryoso ako sayo! Kaya sana bigyan mo ko ng chance!" Dahil sa sinabi niyang iyon di ako nakasagot. Pero grabe yung tibok ng puso ko. Dahil di nga ako nag salita muli akong tiningnan ni Martin sa mata at nginitian ko lang siya dahil dun hinalikan nalang niya ako sa labi at muli siyang nag drive. Pero nagkusa na kong hawakan yung palad niya at ipinatong sa binti ko habang naka tingin ako labas ng bintana. Sabi nga nila actions speak louder than voice at alam ko naintindihan ako ni Martin na willing na kong seryosohin yung relationship naming dalawa.

Pag dating sa bahay agad ko siyang ipinakilala kay Papa pagkatapos kong mag bless.

"Pa si Martin po!"

"Martin si Papa!"

"Good Evening po!" Bati ni Martin sabay abot sa kamay ni Papa para mag-bless na kagaya sa ginawa ko.

"Magandang gabi din!" Simpleng bati ni Papa na medyo nahiya sa ginawa ni Martin.

"Maupo ka muna hijo at naghahanda pa ng lamesa ang Mama ni Michelle para makakain tayo."

"Salamat po! Siya nga po pala para po sa inyo!" Sabay abot ni Martin yung paper bag na kinuha namin kanina sa bahay nila. Agad naman itong tinanggap ni Papa kasi nga daw kabastusan ang tangihan ang inaabot sayong pasalubong ng bisita.

"Nag abala ka pa! Sa susunod wag ka ng magdala ha at nakakahiya naman sa iyo. Pero salamat!"

"Wala naman pong ano man! Maliit lang po yan na bagay!" Pagpapakumbaba ni Martin.

"Iwan muna kita, palit lang ako damit!" Pagpapaalam ko kay Martin bago ako tuluyang umakyat sa kwarto ko para magbihis. Agad akong kumuha ng jogging pants at t-shirt na puti ayaw kasi ni Mama na nagsusuot ako ng short kapag may umaakyat ng ligaw sa bahay namin. Kung alam lang ni Mama yung pinaggagawa namin ni Martin malamang makalbo niya talaga ako. Pagbaba ko nakaupo na sa dining table silang apat at masaya ng nagkukwentuhan.