webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Kiss Me

Natahimik ang lahat dahil sa utos ko. Di nila akalain na yun ang ipapagawa ko kay Martin lalo pa nga at maraming nakaka-alam na engaged na si Martin at Elena, samantalang iilan lang ang may alam na Ex ako ni Martin.

Nakita ko kung paano nanlaki yung mata ni Ellena at nakakatuwa siyang pagmasdan. Si Martin naman ay di nagbago yung reaction poker face parin na para bang di narinig yung utos ko.

"Michelle!" mahinang tawag sakin ni Zaida. Alam ko nag-aalala siya pero alam ko naman na di ako susundin ni Martin na gaya ng ginawa niya noon kay Ellena. Kaya agad na kong kumuha ng baso para sana salinan yun ng alak ng may biglang tumayo si Martin.

Akala ko aalis siya kasi nga ayaw niya kong sundin pero laking gulat ko ng bigla siyang tumayo sa harapan ko kaya tumingala ako para tingnan siya pero laking gulat ko ng bigla niyang hinawakan yung dalawang pisngi ko at walang kagatol-gatol niya kong hinalikan.

Okay lang sana kung smack lang yung ginawa niya pero french kiss ang ibinigay niya sakin. Dahil nga hawak ko pa yung alak at baso di ko siya nagawang itulak.

"Thump... thump...!" Kabog ng puso ko parang tumigil yung buong paligid at ang natira lang ay kaming dalawa. Napapaka init ng labi ni Martin at unti-unti akong tinutupok nito malapit na kong tumugon sa halik niya ng biglang sumigaw si Ellena.

"Martin!" Doon ako natauhan kaya bigla kong iniwas yung muka ko pero bago niya bitawan yung labi ko ay binigyan niya ko ng isang kagat. Kinagat niya yung lower lip ko kaya bigla akong napangiwi dahil sa sakit kaya tiningnan ko siya ng masakit. Nginitian niya lang ako na para bang inaakit niya ko. Bumalik na siya sa upuan niya kung saan agad siyang kinausap ni Ellena.

Nagbubulungan lang sila pero alam kong nagtatalo sila. Di ko talaga expect yun kaya para akong natulala.

"Game na!" Sabi ni Lucas habang iniipon uli yung mga baraha.

"Wait lang CR muna ako!" sabi ko kasi nga di parin ako maka paniwala sa nangyari.

Agad akong umalis at dumiretso sa banyo. Mabilis akong naghilamos kasi feeling ko andun parin yung amoy ni Martin sa muka ko. Mka-ilang beses kong binuhusan yung muka ko para kahit papano mahimasmasan ako at bumalik sa wisyo yung utak ko ng biglang bumukas yung pinto.

"Masaya ka na?" angil ni Ellena sakin kasunod si Nika na pumasok sa banyo. Maya-maya dumating din si Zaida malamang natakot na baka pagtulungan ako ng dalawa kaya tumabi sakin.

"Nasa muka ko ba yung masaya?" Balik na tanong ko kay Ellena kasi kung tutuusin gusto ko ng umiyak kasi sumasakit nanaman yung puso ko kasi patuloy itong tumitibok at tinatawag si Martin na pilit kong kinakalimutan.

"Kung di ka masaya wag mo kaming damay, alam mong ikakasal na kami ni Martin kaya wag kang mangulo."

"Ako nanggugulo sa anong paraan?" Inosente kong tanong.

"Sa tingin mo yung ginawa mo kanina di ba yun panggugulo? For God dame sake leave us alone!" Sigaw nito sakin.

"Ano bang sinisigaw mo Ellena, laro lang yun bakit nagiging issue sayo?" sabi ni Zaida habang inilayo ako kay Ellena kasi nga parang gusto na ako nitong saktan.

"Laro? Kung matino siyang babae di na yun iuutos sa fiancee ko!"

"Baka nakakalimutan mo, ginawa mo rin yun sakin dati ang pinagkaiba lang di pinagbigyan ni Martin ang gusto mo at pinili niyang tumunga ng alak kaysa halikan ka!" Mayabang na sagot ko kay Ellena. Kasi kung iisipin niyang di ako matinong babae eh ano siya? Mas malala nga siya sakin kasi kahit pinagtatabuyan na siya ni Martin lapit parin siya ng lapit, sabagay nagbunga namana yung pamemeste niya kasi binalikan na siya ni Martin.

"Anong sabi mo?" galit na galit na sabi ni Elena sakin sabay taas ng kamay para sampalin ako.

"Elena!" Sigaw ni Martin na pumasok narin sa loob ng banyo. Walang nagawa si Elena kung ibaba yung kamay niya pero nakita ko kung paano niya panggigilan yung suot niyang damit.

"Mabuti pa mag-usap kayong dalawa at wag niyo kong damay!" Diretso kong sabi sabay alis, kasunod ko si Ziada na lumabas.

"Walwal muna tayo sa baba!" sabi ni Zaida sakin at hinila ako pababa sa groud floor at sakto namang na nag-uumpisa na yung happy hour dun kaya marami ng nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Kaya agad kaming sumali ni Zaida dun. Nakaka-tatlong music pala yata kami ng biglang lumapit si Jerold.

"Akyat na kayo sa taas." sabi nito habang naka pulupot yung kamay niya sa baywang ni Zaida.

"Mamaya na babe!" sagot ni Zaida habang kumapit narin sa leeg nung isa habang nagsasayaw.

"Oo nga mamaya na!" pagsang-ayon ko kasi nga nag-eenjoy pa ko sa pagtalon-talon sa dance floor.

"Wag na kayong makulit baka mapagalitan tayo parepareho!" sabi ni Jerold habang hinawakan na sa kamay si Zaida at hinila. Ganun din ginawa sakin ni Zaida hinila rin ako sa braso.

Pag-akyat namin sa taas, maingay na uli ang lahat paano ba naman nagdance lap si Nika sa isang lalaking di ko kilala.

"Parang di doktor!" di ko mapigilang mag-comment.

"Kaya nga iniwan ng asawa kasi sa ganyan niyang ugali!" sabi ni Zaida.

"Huh?" Takang sagot ko. Kaya pala di ko nakita yung asawa niya kasi iniwan na pala nito si Nika. Sabagay kung ako din lalaki di ako makakatagal sa ganyang klaseng babae.

"Sali na kami!" sabi ni Zaida nung makabalik na kami sa upuan.

"Pawis na pawis ka ah!" sabi ni Lucas sakin sabay abot ng panyo niya pero di ko yung tinanggap sa halip ay tumalikod ako sa kanya.

"Oo nga eh! Punasan mo likod ko!"

"Kay Zaida ka nalang papunas!" sabi nito na para bang takot na takot.

"Zai punas mo likod ko!" Paglalambing ko dito na agad naman sinunod ng isa.

"Fweet... Fweet...! whistle ng isang lalaki ng makita niya yung bare kong likod.

Nginitian ko lang siya pero sa isip ko minumura ko na siya.

"Yan tapos na!" sabi ni Zaida na inilatag nalang yung buong banyo sa likod ko para daw di ako mapulmunya.

"Thanks!" sabi ko kay Zaida habang sumandal ako sa balikat niya kasi nga parang makirot na yung ulo ko.