webnovel

Grounded

"Pwedi na kayong umalis, patatawag nalang namin kayo once meron pang need itanong or i-clarify!" sabi samin ng pulis maka lipas ng ilang minuto.

Dahil nga madaling araw na, inaantok na din ako, kaya nung tumayo ako medyo tumumba ako buti nalang naalalayan ako ni Christopher.

"Thank you!" nasabi ko at mabilis ako umiwas sa kanya para di magdikit yung balat namin. Balak ko sanang habulin si Martin na naunang lumabas samin para sana magpasalamt kaya lang naka sakay na ito sa kotse kaya hinayaan ko nalang. Naisip ko kasi baka pagod narin kaya mabilis na din akong sumakay sa kotse ni Mike.

Bumalik muna kami sa hotel para kunin yung mga gamit namin bago kami umuwi. Kami lang ni Mike sa sasakyan, si Anna kasi kay Chrsitopher na sumabay kasama si Analyn. Si Nina naman sa asawa na niya.

Tahimik lang ako kasi nga iniisip ko kung ano yung sasagot ko kay Mama para di masyadong malala yung magiging sermon sakin, pero hanggang makarating kami ng bahay wala akong maisip na palusot.

"Bumama ka na!" sabi ni Mike. Paano parang ayaw kong kumilos, kasi bukas yung ilaw sa sala namin ibig sabihin gising si Mama at hinihintay kami at di nga ako nagkamali maya-maya ay bumukas ang pinto at nakatayo dun si Mama.

"Hays!" buntong hininga ko bago ako bumaba ng sasakyan.

"Ma, bakit gising ka pa?" Tanong ko habang papasok pero sa halip na sagutin ako nito ay mabilis akong hinampas sa braso.

"Aray!" di ko mapigilang mapatili.

"Aray... aray... ikaw na bata ka kung kailan ka tumanda, natuto ka ng magsinungaling sakin!" sabi ni Mama habang patuloy akong hinahampas at para maka iwas nagtago ako kay Papa.

"Pa, oh si Mama!" sumbong ko.

"Edna, tumigil ka na at madaling araw na. Nakakahiya sa kapitbahay!" sabi ni Papa.

"Kinukunsinte mo pa yang anak mo na kung kailan tumanda saka pa natututong magsinungaling, ang masaklap pa nadala pa sa prisento!" muling bulyaw ni Mama. Di na ko sumagot kasi pagsumagot lalo pang manggagalaiti si Mama.

"Bukas mo nalang kausapin at madaling araw na! Mabuti pa magpahinga na tayo!" sabi ni Papa bahang pinagulong na yung wheelchair niya papasok sa kwarto nila ni Mama.

"Umakyat ka na sa taas at bawal kang lumabas Grounded ka!" sabi ni Mama sakin bago ako tinalikuran.

"Ma naman!" reklamo ko.

"Bakit?" pandidilat niya sakin ng lingunin ako.

"Twenty-nine na ko, grounded?" di ko makapaniwalang tanong.

"Yun na nga eh, twenty-nine ka na pero parang wala kang pinakatandaan! Grounded ka tapos ang usapan!" Nanahimik nalang ako at napalingon ako kay Mike na natatawa.

"Anong tinatawa mo?" singhal ko.

"Wala naman!" pang-uuyam niya sakin. Dahil sa asar ko agad ko siyang binato ng sapatos ko pero di siya tinamaan.

"Hays!" buntong hininga ko uli bago ako umakyat sa kwarto ko para kumuha ng damit at ng maka ligo, kasi nga amoy na amoy ko pa yung alak. Pagkatapos nun ay agad akong natulog.

"Michelle!" tawag ni Anna sakin sa kabilang linya.

"Oh!" sagot ko kasi nga naalimpungatan lang ako mula sa pagkakatulog ko.

"Ano ba yan, tulog ka pa?"

"Hmmm!"

"Bumangon ka na, tanghali na!"

"Ingay mo! Bakit?" naiinis kong sabi paano nadagdagan yung kirot ng ulo ko sa tinis ng boses ni Anna.

"Punta ka sa bahay, tuloy nain yung naudlot na party natin kagabi."

"Ewan ko sayo! Tawagan kita mamaya, tinatawag ako ni Mama!" sabi ko kay Anna bagp ko binaba yung tawag.

"Pababa na Ma!" sigaw ko, kasi tinatawag ako nito para bumangon na. Di na ko nag-abalang magsuklay, agad kong dinampot yung tumwalya para itakip sa dibdib ko at mabilis akong bumaba.

"Kumain ka na, tapos mag-impake ka ng damit mo at uuwi tayo ng Bataan!"

"Anong gagawin natin sa Bataan?" takang tanong ko habang nagmumog.

"Mag-aani tayo ng palay!"

"Mag-aani ng palay eh di nga ako marunong nun." natatawa kong sabi habang kumukuha ng plato.

"Eh anong alam mo uminom ng alak. Simula ng umuwi ka puro a alak inatupag mo. Ganyan ba yung ginagawa mo sa America?" Pag-uumpisa nanaman ni Mama. Napakamot nalang ako ng ulo at nagsimula ng sumandok ng pagkain, mahirap ng sumagot baka mahampas nanaman ako.

"Si Papa?" tanong ko ng manahimik si Mama.

"Kausap si Mang Berting sa labas para siya yung maghatid satin."

"Ngayon na tayo kagad aalis?" tanong ko.

"Di mo ba narinig yung sinabi ko?"

"Sabi mo nga!" tanging nasabi ko at muling kumain.

Pagkatapos kong kumain, mabilis akong naglagay ng damit sa bag ko. Puro casual dress lang dala ko kasi wala naman akong aatenan na party dun. Bale sa Bataan kasi yung province ni Mama dun siya lumaki so madami kaming kamag-anak dun sa side niya.

Naka bili kami dun ng lupa nung makuha ko yung bonus ko, yun yung pinapataniman ni Mama. Nagpatayo din kami ng maliit na bahay dun para pwedi bakasyunan. Malapit din kasi sa dagat at ilog dun kaya gusto ko din dun sila Mama at Papa.

Makalipas ng ng ilang oras ay sakay na kami ng Van papuntang Bataan. Sa tantiya ko bago magdilim ay andun na kami.

"Asan ka na?" tanong ni Anna nung komonekta yung video chat namin. Naka join din si Nina at Analyn dun.

"Nakita mo naman nasa sasakyan ako!"

"Papunta dito?"

"Papuntang Bataan!" natatawa kong sabi.

"Anong gagawin mo diyan?" tanong ni Analyn.

"Ito tanong mo sa nanay ko!" sabay lapit ko kay Mama. Magkatabi kasi kami sa likod na upuan. Si Papa kasi yung nasa unahan.

"Hello po Tita!" bati nilang tatlo.

"Grounded si Michelle kaya uuwi siya ng Bataan para mag-ani ng palay!" seryosong sagot ni Mama.

Pagkarinig nila sa sabi ni Mama agad silang nagtawanan.

"Tuwang-tuwa kayong tatlo?" masungit kong tanong.

"Paano ba naman twenty nine ka na grounded parin., haha... haha...!" sagot ni Anna.

"Mang-asar ka pa!" Irap ko sa kanya.

"Haha...haha... kailan balik mo?" tanong ni Nina.

"Di na ko babalik dun na ko mag-aasawa, maghahanap ako ng mangingisda o kaya magsasaka!" seryoso kong sagot.

"Mangingisda at magsasaka?" sabi ni Mama sabay kurot sakin.

"Si Mama talaga!" reklamo ko sabay layo sa kanya. Samantalang yung tatlo tawa nanaman ng tawa. Natutuwa sila sa paghihirap ko, mga walang hiyang mga ito sabi ko sa isip ko.

Next chapter