webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

ENVY

"Dito ka ba magbibihis sa Pad ko?" Tanong ni Martin sakin habang magkausap kami sa cellphone.

"Di na, diretso na kami dun sa hotel. Dun na lang ako magbibihis!" ngayong araw kasi yung Christmas party ng opisina namin.

"Book na lang ako ng kwarto dun para dun ka nalang magbihis!"

"Wag na Hon! Okey na ko wag ka ng mag-alala, nagpabook naman si Boss Helen ng kwarto kung saan pwedi naming iwan yung gamit namin at makapagbihis!"

"Text ko sayo yung room number mamaya kunin mo yung susi sa Receptionist!" Diretsong sabi ni Martin at di na pinakinggan yung paki-usap ko.

"Hays, kahit kailan talaga!" Nasabi ko nalang.

"Sabay ka samin Michelle?" Tanong ni Dina sa akin.

"Susunduin yan ng boyfriend niya!" sagot ni Alvin na kadarating lang galing sa field. Dahil nga ngayon yung party lahat ng empleyado ay obligadong bumalik ng opisina ng maaga.

"Hindi, sasabay ako sa inyo!"

"Bakit, busy si BF?" Pag-aasar ni Alvin sakin.

"Wala kang paki tsismoso!" Sabay bato sa kanya ng nilamukos kong papel.

SA totoo lang gusto ni Martin na ihatid ako dun sa venue at sumama sana sa party kaya lang di ako pumayag kasi nga ayaw ko naman ma-OP siya dun isa pa para yung saming mga employee at di siya kasama.

Makalipas pa ng ilang minuto ay umalis na kaming lahat papunta sa Hotel kung saan gaganapin yung party.

"Good Afternoon po, Ma'am Michelle!" Bati sakin nung Attendant pagpasok palang namin ng hotel.

Labis akong nagtaka kasi kilala niya ko.

"Hoy tawag ka!" Sabi ni Alvin na kasabay ko sa paglalakad, nasa pagitan kasi nila akong dalawa ni Dina nung naglalakad kami.

"Yes!" Matipid kong sabi para i-acknowledge yung pagbati niya.

"Ito po yung room card na pina book ni Sir Martin." magalang na sabi ng Attendant sabay abot yung card key sa akin.

"Iba na talaga kapag may rich boyfriend!" comment ng ka officemate kong babae di ko alam kung binibiro lang niya ako o may halong inggit yung sinasabi niya.

"Hello, boyfriend niya yung may-ari ng Hotel na ito!" sagot pa nung isa.

"Grabe, pwedi ka na palang di magtrabaho Michelle pag naging mag-asawa na kayo! Pag-ganun wag mo kaming kalimutan ha!"

"Oo nga!" sagot pa ng iba kong kasama.

Di ko alam kung dapat ba kong matuwa o mahiya sa totoo lang ito yun iniiwasan ko yung mga ganung comment ng ibang tao pero syempre di naman ako makasagot sa kanila kasi nga binibigyan ako ng priviledge ni Martin.

"This way Ma'am, hatid ko na po kayo!" muling sabi ng Attendant na parang ini-aasign ni Martin para i-assit ako.

"Okey na ko! Ako ng bahala. Salamat!" Sabi ko sa Attendant at nilagpasan siya. Hinila ko si Dina sa room kung saan kami naka assign.

"Ayaw mo dun sa room na pina book ng boyfriend mo?" Takang tanong ni Dina.

"Okey na ko dito!"

"Sayang naman! Atleast dun di mo kailangang pumila para maka ligo ka kagad."

"Okey na ko dito at least sabay tayong maligo!" sabay kindat ko kay Dina.

"Hoy parang iba yan ah!" Natatawang sagot ni Dina sakin sabay hampas sa braso ko. Gaya kasi dati dahil nga sa limited lang yung oras minsan nagsasabay-sabay na kami naliligo kasi nga pareparehas naman kaming babae at wala namang malisya yun samin.

"Haha... haha...!" tawa ko habang pumasok kami sa kwarto. Andun na din yung ibang officemate ko na nagpapakitaan na ng mga damit, accesories at make-up na dala nila.

"Sino sunod dun sa naliligo?" Sigaw ni Dina.

"Kami!" Sagot nila Bella na taga accounting department.

"Tapos?"

"Sila Airish na, tapos pwedi na kayo!"

"Okey pangatlo kami ni Michelle!" declare ni Dina na hinila muna ako sa sofa para makapag pahinga. Hinubad ko yung suot kong rubber shoes para maka hinga muna yung paa ko bago ko basain.

"Anong kulay ng damit mo Michelle?" Tanong ni Dina habang kinakalkal yung bag ko para sakin naman okey lang yun kasi nga matagal narin kami magkaibagan at lagi naman ganun tuwing Christmas party at normal lang yung sa mga babae.

"Wow naman!" Di mapigilang mapahanga si Dina sa damit ko na tinanggal na niya mula sa paper bag. Dahil sa naging reaction ni Dina lahat ng ibang babaeng nasa kwarto ay tumingin sa direksyon namin at lahat sila ay namangha sa damit ko.

"Yan ba yung latest collection ni Monique Lhuillier?" Tanong ni Bella na mahilig sa fasion at sa totoo lang di ko alam kasi nga diba regalo lang iyon sakin ni Zaida.

"Ang swerte mo talaga Michelle, kainis ka!" Maarteng sabi ng isa ko pang ka-officemate na masasabi ko ring may kaya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Dina, kagaya ko kasi parehas kaming clue-less sa fasion kung ano yung latest at ano yung mamahalin.

"Patingin nga kung original!" Sabi pa nung isa sabay kuha ng damit sa kamay ni Dina.

"Malamang original, alangan namang magregalo yung boyfriend ni Michelle ng peke."

"Oo nga naman!" Sang-ayon nung isa. Napapa nga-nga nalang ako at di ko alam kung paano magreact.

"Alam mo bang nasa 100k yung price niyan?" Sabi ni Bella sabay pakita sakin yung phone niya kung saan naka display yung damit at may price tag na ganung presyo.

"Naku, balik na natin baka masira di ko kayang bayaran!" Kaya dali-dali nila itong ibinalik sakin.

"Napa swerte mo girl!" Sabay tapik sa balikat ko ni Bella na sinuklian ko lang ng ngiti.

"Oh next na!" Sigaw ni Bella nung lumabas na yung naunang naligo kaya nag-alisan na yung iba sa pwesto namin. Napa tingin nalang ako sa damit na hawak ko na parang ayaw ko ng suutin kasi tiyak na magiging kaagaw-agaw pansin lang ito sa gitna ng crowd at yun ang ayaw kong mangyari.

"May iba ka bang damit diyan?" Bulong ko kay Dina.

"Bakit?"

"Napaka mahal pala nito baka masira ko! Hiniram ko lang kasi ito sa pinsan ni Martin." Pabulong kong sabi kay Dina.

"Ganun ba, meron pa ko dito kaya lng medyo daring ito eh! Alam mo naman yung style ko!" Nahihiyang sabi niya.

"Pwedi na yan, patingin!" nilabas nga ni Dina yung dalawang gown na dala niya at parehas yung kulay itim at di ko maiwasang mapalunok. Paano parehas yung mababa ang tabas sa dibdib at ang haba ay nasa mid-thigh ko lang.