webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Double Effort

"Sir gising na po, andito na tayo!" sabi ko kay Martin na nakasandal yung ulo sa balikat ko habang naka yakap sakin. Di ko alam kung tulog ba siya o nagtutulugan lang. Bahagyan kong ginalaw yung balikat ko para mauga siya.

"Wag mo kong tawaging Sir!" galit na sagot ni Martin at bahagya pang kinagat yung balikat ko.

"Aray, eh di Ma'am nalang!" natatawa kong sabi habang iniwas ko yung balikat ko kasi balak nanaman niyang kagatin. Actually di naman masakit yung kagat niya alam mo yung parang naglalambing lang.

"Haha...haha...!" tawa ni Lucas na umani ng masamang tingin mula kay Martin na parang sinasabi niyang wala kang karapatang tumawa kaya manahimik ka diyan at mukang na gets naman ni Lucas kaya huminto ito sa pagtawa.

"Usog na at baba na ko!" sabi ko nalang kay Martin para tigilan na niya yung pagkakatitig kay Lucas. Muli niya kong tiningnan bago niya ko bintawan kaya agad akong lumabas at walang lingon-lingon akong lumakad na papasok sa building mahirap na kasi mamaya hawakan nanaman ako ni Martin.

Di ako natatakot sa ibang tao na makita kami or kay Ellena pero takot akong makita ni Mike at malaman ni Mama kasi tiyak ko di lang buhok ko sa ulo ang kakalbuhin niya, malamang kasama kilay ko dun at kung saan-saan pa. Buti nalang kahit papano parang nakaka intindi si Martin kasi di na siya masyadong lumapit sakin kasi alam ko naka sunod siya sa likod ko kasama si Lucas.

Pagdating namin sa elevator saka siya nagsabi, "sumabay ka a samin." Dahil kasama naman namin si Lucas malang di naman yung issue basta di nila kami nakikitang magkadikit okay lang yun.

Dahil nga nasa lower floor si Lucas, una siyang bumaba samin samantalang si Martin naman nagpaka-behave lang hanggang makarating kami sa 25th floor.

Nauna akong lumabas kasunod siya, pinagtitinginan kami ng mga secretary niya pero syempre hanggang tingin lang sila. Alas dos na kasi ng hapon at kababalik lang namin. Dirediretso na ko sa loob ng office niya sabay kuha nga aggrement namin na nasa drawer ko.

"Pirma!" sabay abot ko sa kanya nung folder.

"Sigurista?"

"Syempre, mamaya makalimutan mo! Mahirap na!" Ayaw ko naman masayang yung effort ko kanina, isa pa one million yung agreement namin, Oh diba ang laking bagay nun.

Napa-iling na lang siya pero inabot niya yung folder at lumakad papunta sa table niya kaya sumunod ako. Nanatili lang akong naka tayo sa harap ng lamesa niya habang siya ay naka upo sa executive chair niya.

"Medyo malaki pa, mukang kailangan mong magdouble effort!" pang-aasar ni Martin sakin.

"Kaya ko yan bago mag-isang buwan!" confidence kong sagot sabay kindat sa kanya.

"Pwedi naman, stay with me this weekend bayad yan!" coquettish na sabi ni Martin.

"Muka mo!" sagot ko sa kanya sabay hila ng folder sa kamay niya.

Eight Million pa halos utang ko sa kanya, kung pumayag siyang magbayad ng one million para punuin ng kiss mark yung dibdib ko sa halagang one million eh anong hihingin niya sa eight million virginity ko? Wag na, kaya mabilis akong umalis at bumalik sa table ko.

"Pag-isipan mo!" pang-aasar pa niya sakin.

"Muka mo parin!" ganting sagot ko para i-dismiss niya yung idea na yun.

Nag-umpisa na kong magtrabaho at ganun din si Martin, di na niya ko inostorbo. Maya-maya naka tanggap ako ng tawag sa telephone mula kay Boss Helen.

"Boss!" bati ko.

"Michelle, busy ka?"

"Di naman po, bakit?"

"Wala naman, mangangamusta lang sana ako sa imbestigasyon mo! May nakita ka na bang possible reason kung bakit iyon nangyari?" mahinang sabi ni Boss sakin na mukang nahihiya.

"Actually Boss tapos na ko sa plano na gawa ni Alvin at wala naman akong nakikitang fault dun. Sa materials naman malapit na kong matapos. By the way, ask ko lang kung kayo ba yung nagsupply ng lahat ng materials?"

"Yung wire and other local material provided yan ng procurement team nila Casa Milan yung amin lang is yung mga devices natin."

"Ah, okay so need ko pa pala hingin kung anong mga brand yung ginamit nila sa site."

"Oo, so mga kailan kaya yan Michelle lalabas yung result?" sagot ni Boss.

"Yun Boss baka abutin pa talaga ito ng two weeks bago ko malaman kung naong naging problema." Kasi Wednesday na ngayon wala pa ko sa local material pero kung wala lang sanang nagdedelay ng trabaho ko tapos na sana ito ngayon. Sabay sipat ko sa lalaking naka tingin sakin mula sa kabilang lamesa na mukang nakikinig sa pag-uusap namin ni Boss sa telepono.

"Ah okay, ito kasi Alvin andito ngyaon sa office nakikusap na papasukin ko na daw at wala na daw siyang maibigay na pera kay Dina baka iwan daw siya." natatawang sabi ni Boss Helen.

"Andiyan siya?"

"Oo, katabi ko! Wait loud speaker kita!" sabi ni Boss Helen.

"Wag kang mag-alala di ka iiwan ni Dina kahit ikaw na yung pinaka mahirap na tao sa buong mundo haha...haha...!" pagbibiro ko kasi alam ko kung gaano siya kamahal ni Dina.

"Di mo masabi Michelle," malungkot na sabi ni Alvin.

"Pabalehin mo na kasi Boss!"

"Hay naku Michelle ang laki kaya ng bale sakin niyan!"

"Boss naman!" naririnig kong reklamo ni Alvin.

"Haha...haha... alak pa more!"

"Di na nga kao nakaka-inom ng alak!"

"Ah talaga, inom tayo mamaya!Libre ko!"

"Sige!" mabilis na sagot ni Alvin na parnag nabuhayan ng loob.

"Diyan pag alak na-eexite ka!" sabi ni Boss Helen.

"Haha...haha...!" di ko mapigilang matawa, na-iimagine ko yung itsura ni Alvin habang binubungangaan ni Boss Helen. Malamang naka yuko nanaman yun habanag laglag yung balikat.

"Boss naman wag mong masyadong sigawan!"

"Hay naku Michelle kapag lumabas yung resulta mo at nalaman mong kami ang mali naku bibigti k talaga itong si Alvin ng patiwarik!"

"Haha...haha...!" tawa ko uli.

"Boss naman! Maawa ka sa magiging anak ko!"

"Wow ginagamit mo na kagad yung anak mo sakin!"

"Sinasabi ko lang Boss!"

"Oh siya-siya pumunta ka na dun sa HR at humingi ka na ng form." sa huli nasabi ni Boss Helen Ganun naman kasi yun pero di parin niya natitiis yung empleyado niya.

"Oh may pera ka na ikaw na magbayad ng iinumin natin!" pangbubuyo ko.

"Gusto mo bang si Dina ang magbigti sakin?" sigaw ni Alvin.

"Haha...haha... sige na nga ako na! Sunduin niyo ko dito ah! Five yung uwi ko."

"Okay!" masayang sabi ni Alvin bago ko ibinaba yung phone ko.