webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 351

Nalibot ko na yung buong kabahayan pero di parin ako tinatawagan ni Marton o tinetext kaya di ko mapigilang mag-alala pero sa huli iniisip ko na lang busy talaga siguro siya kaya nagtext ako uli.

"Hon, tawagan mo naman ako kapag di ka na busy kahit gabi na. Miss na kasi kita!" Dahil nga hapon na ko nagising di ako makatulog kahit gabi na. Alas dose na ng madaling araw pero dilat parin yung mata ko at wala paring text at tawag na galing kay Martin.

Nang di na ko makatiis, ako na yung tumawag."Sorry the number you dial is out of coverage area please try again later," sabi ng operator sa kabilang linya.

"Anong nangyari?" tanong ko habang pinagmamasdan ko yung phone ko.

Inisip ko sanang tawagan si Zaida or Lucas kasi nga kamag-anak sila ni Martin baka may idea sila pero nung makita kong one na ng mdaling araw dinismiss ko yung ideyang iyon. Nakakahiya naman na tawagan ko sila ng ganung oras para lang hanapin yung asawa ko sa kanila.

"Baka talagang emergency," sabi ko nalang at pinilit ko nalang matulog pero di ko kinalimutang i-set sa pinakamalakas na ring volume yung phone ko para kung sakaling tumawag or magtext si Martin ay maririnig ko.

Dahil nga umaga na ko naka tulog, automatic tanghali na ko nagising. Halos mag eeleven na ng umaga ng bumangon ako at gaya kahapon ginising lang ako ng gutom ko kaya napilitan akong tumayo.

Pagdilat ng mata ko ang una kong dinampot ay yung phone ko na pinatong ko sa side table pero laking dissapointed ko ng makita kong wala paring call ang text si Martin sa akin. Bigat na bigat yung katawan kong bumangon at pumunta ng banyo para maligo.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" di ko maiwasang itanong sa sarili ko kasi nga di naman ganun si Martin kung tutuusin kung may pagkakataon lang yun tatawag or magtetext yun sakin pero lumipas na yung maghapon at magdamag di parin niya ko kinokontak.

Hawak-hawak ko parin yung phone ko habang pababa ako ng hagdan, naisip ko kasing tawagan na si Zaida para alamin yung sitwasyon kay Martin pero bago ko pa ma-dial yung call ay bigla akong natigilan kasi may babaeng naka upo sa sala namin at di ako makapaniwalang makikita ko siya roon kaya agad di ko mapigilang ikurap yung mata ko baka kasi namamalikmata lang ako pero kahit anong kurap ko nanatili siyang naroon.

"Iba na talaga ang ambisyosa, tsk...tsk...!" sabi ni Ellena sakin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Tuluyan narin siyang tumayo at humahakbang papalapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" gritted teeth kong tanong.

"Tinatanong mo ko kung anong ginagawa ko dito? Di ba dapat ikaw ang tanungin ko, ANONG GINAGAWA MO DITO?" galit na sabi ni Ellena sakin na para bang gusto na niya kong kainin.

"Bahay namin ito kaya malamang andito ako!" matigas ko ding sabi habang nakikipagtitigan ako sa mga mata niyang nanlilisik.

"Kapal ng muka mo! Kabit!" sigaw ni Ellena sakin.

"Anong kabit ang pinagsasabi mo, pinakasalan ako ni Martin!" sagot ko sakanya sabay lahad ng kaliwang kamay ko sa muka niya para makita niya yung tatlong sing-sing na naka suot sa palasingsingan ko.

"Meron din ako niyan!" sagot ni Ellena sakin sabay taas din ng kamay niya para makita ko yung nakakabit din sa daliri niya at gaya sakin may singsing din na naroon pero sa halip na tatlo dalawa lang ang andun. Engament ring at wedding ring, kung pagmamasdan kong mabuti di inferior ang suot niyang sing-sing sa suot ko.

Nung marinig ko yung sinabi niya di ako naka sagot at nanatiling naka tingin sa kanya.

"Di ba sinabi ko naman sayo kasal na kami pero tanga-tanga ka parin at nagpauto ka parin kay Martin, di lang ako makapaniwala na pinakasalan ka din niya KUNYARI para mahulog ka sa patibong niya at sa tingin ko naman naging successful siya kasi mukang ibinigay mo na yung sarili mo sakanya," sabi ni Ellena habang pinagmamasdan yung mga kiss mark ko sa dibdib na punong-puno ng pandidiri.

"Sinungaling ka!" sigaw ko sa kanya kasi alam ko mahal ako ni Martin at sigurado akong di totoo yung sinasabi ni Ellena.

"Ako sinungalin, sige nga asan si Martin nagyon?" tanong ni Ellena sakin habang pinag-cross yung dalawa niyang braso sa dibdib niya at tiningnan ako na para ba akong tanga. Dahil nga di ko naman talaga alam kung asan si Martin at di ko siya nakaka-usap di ako naka sagot.

"Di mo alam, nasa kama ko siya!" full of confidence na sabi ni Ellena talagang dinahan-dahan pa niya yung pagkakasabi nun sa akin.

Biglang sumikip yung dibdib ko na para bang may kamay na pumiga nun ng marinig ko yung sinabi ni Ellena, gusto ko man sanang sumagot pero di ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya minabuti ko nalang na manahimik.

"Siguro di na-satisfy sayo si Martin kaya after may mangyari sayo iniwan ka niya kagad!" natatawang sabi ni Ellena.

"Umalis ka na dito!" sabi ko kay Ellena sabay turo ko sa may pintuan para sana umalis na siya kasi ayaw kong marinig yung mga wala niyang kwentang sinasabi.

"Bakit ako aalis eh bahay ito ng asawa ko at dahil kanya ito it means akin din ito, kaya ikaw ang umalis!" sabi ni Ellena sakin pero di ako nagpatinag at nanatiling nakatayo sa kinakatayuan ko.

"Di ako naniniwala sayo, kaya umalis ka sa pababahay ko!"

"Ah talaga, then let me tell you. Ako yung tumawag kay Martin kaya dali-dali siyang umalis at iniwan ka. Di ba nga sabi ko sayo gusto ka lang tikman ni Martin pero sa isang tawag ko lang uuwi at uuwi parin siya sa tabi ko kasi balik-baliktarin mo man yung mundo ako parin ang legal wife at ikaw ay kabit kasi una niya kong pinakasalan kaya walng bisa ang kasal mo. Inuto ka lang niya at ikaw naman ay uto-uto!"

"Umalis ka na bago kita kaladkarin," gigil na gigil kong sabi kay Ellena.

"Tsk...tsk... ang mga kabit nga naman mas matapang pa kaysa sa legal wife. Kapal ng mukha!" sabi ni Ellena bago ako tinalikuran at lumakad palabas ng pintuan pero bago siya tuluyang maka alis may sinabi pa siya.

"Wag mo ng tawagan yung asawa ko kasi kailangan pa niya kong samahan sa doktok dahil buntis na ko, kaya sana makunsensya ka at lumayas ka na sa buhay namin!"