webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 349

Naunang naka tulog sakin si Martin base yung sa lakas ng paghilik niya.

"Napagod ka din," natatawa kong sabi bago ako pumikit pero wala pa ko sa deep slumber ng bigla akong may marinig na nag-riring at sa pagkakatanda ko phone iyon ni Martin na naka patong sa side table ng kama.

Di ko yun pinansin kasi nga bumibigat narin talaga yung talukap ng mata ko. Nag-uumpisa narin kasi mag liwanag ang kalangitan. Maya-maya naramdaman kong gumalaw si Martin mukang di niya nakayang bale walain yung tunog na ginagawa ng phone niya. Hinayaan ko lang siya kasi nga antok na antok na ko.

"Hello," medyo garalgal yung boses ni Martin nung sagutin niya yung tawag.

"Martin," dahil nga sa labis na katahimikan o sadyang malakas lang yung boses ng nasa kabilang linya ng telepono ni Martin kaya narinig ko siya.

"Sino ito?" halatang sa boses ni Martin na iretable siya.

"Si Ellena," yun lang yung narinig ko kaya nawala yung antok ko pero bago ko mamulat yung mata ko ay tumayos si Martin at lumabas ng kwarto namin.

Di ko mapigilang magtaka kung bakit kailangan niyang lumabas pero wala pang five minutes ng muli siyang bumalik na para bang nagmamadali at nagbihis.

Gusto ko sanang bumangon pero masakit talaga yung katawan ko kaya sinusundan ko lang ng tingin ang bawat galaw niya.

"Hon," sabi ni Martin na para bang nagulat ng makita niyang gising ako.

"Aalis ka?" tanong ko sa kanya.

"May emergency sa bahay inateke si Lola kaya kailangan kong umalis," sabi ni Martin habang kinuha yung wallet niya na naka patong rin sa side table.

"Kamusta naman daw yung kalagayan niya?" tanong ko. Di ko parin maiwasang mag-alala kahit pa di maganda yung naging relasyon namin ng Lola niya, Lola parin niya yun kaya I need parin to show respect.

"Dinala na siya sa hospital kaya kailangan ko dung dumiretso, di daw maganda ang lagay eh." paliwanag ni Martin habang nagsusuot na ng sapatos niya.

"Ingat ka sa pag-drive, text mo ko kung ano man," sabi ko. Kahit gusto ko mang sumama di ko na sinabi kasi alam ko naman na baka lalong mamatay yung Lola niya kapag nakita ako pero I still wish na yayain ako ni Martin na mukang nabasa naman niya yung nasa isip ko.

"Gusto man sana kitang isama kaya lang wala ka pang tulog, magpahinga ka muna dito. Pag once na mag-okay na si Lola saka na kita dadalhin dun para mabisita siya." sabi ni Martin habang hinalikan ako sa noo.

"Basta text mo ko ha!" paglalambing ko.

"Opo, Sige na matulog ka pa!" sabi ni Martin bago ako kinumutan.

Hinalikan niya muna ako sa labi bago niya ko kinumutan. Sinugurado din niya na sarado yung kurtina para di ako maistorbo sa pagtulog bago niya pinatay yung ilaw. Kumaway pa siya bago tuluyang umalis.

Kahit papano nakampanti naman ako kaya muli kong pinikit yung mata ko para makapagpahinga pero di ko parin maiwasang mag-isip kasi bakit di sinabi ni Martin na si Ellena yung tumawag pero sa huli sinagot ko din yung tanong ko.

"Marahil ayaw niya lang magselos ka sa walang kwentang tao, Isa pa kahit noon pa naman close si Ellena at Lola ni Martin kaya normal lang yun na siya yung tumawag para mapalapit sa asawa mo." Habang iniisip ko yung ay kinapa ko yung tatlong sing-sing na naka suot sa ring finger ko sa kaliwang kamay ko. Andun yung patunay na mag-asawa na kami at wala ng magagawa si Ellena dun at yung tungkol sa sinasabi niyang kasal na sila ni Martin malamang malaking kasinungalingan yun.

"Di ako lolokohin ni Martin, dahil mahal niya ko!" full of confidence kong sabi sa sarili ko bago ako tuluyang natulog.

---------

Alas tres na ng hapon ng magising ako, kung tutuusin ayaw ko pa sanang bumangon pero nagpoprotesta na lahat ng bulate sa tiyan ko kaya wala akong nagawa kungdi ang magmulat ng mata.

Umunat muna ako bago ko inalis yung kumot na naka balot sakin. Masakit parin yung katawan ko pero kahit papano kaya ko na silang igalaw. Dahan-dahan akong pumunta sa gilid ng kama at bumaba so far okay naman kaya agad akong tumayo pero laking gulat ko ng bigla akong natumba, buti nalang talaga sa kama ako bumagsak kaya di ako nasaktan.

Di ako makapaniwala sa nangyari na nanlambot yung paa ko na parang walang buto at nanginginig. Marahil ito yung sinasabi ni Martin sakin kagabi na di daw ako makakabangon.

"Siraulo talagang iyon, pinagod ako pero wala siya para buhatin ako. Hmp... di ka talaga makaka score sakin ng isang buwan." sabi ko habang muli akong bumangon pero di gaya kanina di ako kagad tumayo sa halip ay minasahe ko muna yung dalawa kong binti.

"Parang di ko kaya yung isang buwan sige fifteen days nalang na wala siyang score," sabi ko uli sa sarili ko habang inaangat-angat ko binti ko para malaman ko kung may lakas na sila.

"Mahaba parin yun siguro seven days okay na," natatawa kong sabi pero sa huli ang naging desisyun ko ay walang penalty. Di ko alam pero di ko maiwasang ma excite kapag naiisip ko yung pinaggagawa namin ni Martin kagabi. Mukang naging pervert na yata ako.

Feeling ko tuloy nag-iinit nanaman yung katawan ko kaya agad akong umiling para alisin yung mga maduduming isipin sa utak ko.

"Ano bang masama dun asawa mo naman yung pinagpapantasyahan mo," pag-aalo ko sa sarili ko habang naglalakad ako papuntang banyo.

Dahan-dahan lang yung naging paghakbang ko kasi nga masakit parin talaga yung lower part ko lalo na yung nasa pagitan ng mga binti ko na para bang na-over sex ako kagabi.

"Naiisip mo uli si Martin eh ika-ika ka pa nga diyan," sabi ko uli sa sarili ko habang iniinda ko yung sakit hanggang makarating ako sa banyo.

Buti nalang talaga may bathtub yung banyo namin kaya agad ko yung pinuno ng tubig na maligamgam at saka ako naglublob dun.

"Hays," buntong hininga ko paano nanlaki yung mata ko kanina ng makita ko yung reflection ko sa salamin nung maghubad ako. Punong-puno ako ng kiss mark sa buong katawan. Yung leeg ko lang halos di ko na mabilang yung markang ginawa ni Martin dun. Ano pa yung sa dibdib ko, di ko mapigilang mapahawak sa noo ko. Ano nalang sasabihin ng nanay at tatay ko nito kapah umuwi ako sa Lunes.

"Lalaking talagang yun!" nasabi ko nalang bago ko hinugasan yung katawan ko.