webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 342

"By the way galingan mo yung performance mo ha para di magsawa sayo kagad si Martin baka kasi mapadali yung pagiging kirida mo. So please do your best to please my husband kasi by the end of the day sakin parin uuwi si Martin kasi ako parin ang legal wife at sisiguraduhin ko sayo kahit kailan di magiging ikaw yun," mahabang salaysay ni Ellena bago niya ko binabaan ng phone. Gusto ko pa sana siyang tawagan para sabihing di yun mangyayari ng biglang bumukas yung pinto.

Dumating na si Martin at naka ngiti ito sakin habang nilalapitan ako sa kama.

"Sino kausap mo?" tanong ni Martin habang umupo sa gilid ng kama at hinahaplos yung buhok ko.

"Isang kakilala," tanging nasabi ko bago ko inilapag yung phone ko sa may side table.

"Naka tulog ka?" muli niyang tanong habang naka tingin sa mukha ko.

"Oo," sagot ko habang kinapa ko yung dalawang gilid ng mata ko baka mamaya may muta pero nasa kaliwang mata palang ako ng bigla akong yakapin ni Martin at halikan.

Di kagad ako naka pag-react dahil sa ginawa niya pero di ko rin siya itinulak kasi ito naman yung purpose ko kung bakit ako nandito ang ibigay yung sarili ko sa kanya.

"Ligo ka muna," sabi ni Martin ng bitawan niya yung labi ko.

Bigla ako natigilan at nanatiling naka tingin sa kanya dahil dun ginulo ni Martin yung buhok ko para matauhan ako.

"Tayo na, lazy pig!" pang aasar niya sakin.

"Ikaw yung baboy!" galit na sabi ko sa kanya bago ako tumayo at pumunta sa banyo. Natatawa lang si Martin sakin at di na muling nagsalita.

"Siya naman talaga yung baboy lalo pa kung gagawin niya kong kirida pero asa siya akala niya papayag ako," galit kong sabi sa banyo habang naghuhubad ng damit.

"Wait lang, mabaho ba ko kaya niya ko inutusang maligo?" tanong ko uli sa sarili ko bago ko inamoy yung dalawang kili-kili ko, pero wala naman ako naamoy pati hininga ko inamoy ko wala din naman. Sabagay bago umalis sa bahay kakaligo ko lang kaya di naman kagad ako mamamaho kung sa kotse at saglit lang ako sa drug store nagpunta.

"Arte!" muli kong sabi habang kinukuskos ko yung katawan ko ng scrub.

"Hon, matagal ka pa ba?" tawag ni Martin mula sa labas ng pinto ng banyo.

"Matatapos na!" sigaw ko. Sinadya ko kasing magtagal para inisin siya pero makalipas ng ilang minuto muling kumatok si Martin.

"Hon baka sipunin ka na niyan, tama na!"

"Palabas na!" sigaw ko bago ko kinuha yung bathrobe na naka sabit sa may gilid ng pinto.

Paglabas ko ng pinto nandun na si Martin nakatayo halatang inip na inip. Akala ko nga kagad niya ko susungkaban pero di niya yun ginawa sa halip pumasok siya sa banyo pagkatapos niyang magsalita.

"Nasa kama yung damit mo," sabi niya.

Kaya napa tingin ako sa direksyon ng kama kung saan may nakapatong na puting dress. Di ko talaga yun inaasahan kasi ang expected ko ay sexy lingerie yun na bagay para sa araw na ito pero nung ilatag ko yung dress ay napa conservative ng design nito. Long sleeve siya na hanggang kalahati ng binti ko ang haba.

Maxi dress siya na may lace yung upper part na my embroidery na bulaklak sa harap. Napakaganda ng damit at kasyang kasya lang sakin nung isinuot ko.

"Bagay na bagay sayo Hon," sabi ni Martin na lumabas na pala ng banyo ng di ko namamalayan.

Nginitian ko lang siya kasi nga alam ko naman sa sahig lang pupulutin yung damit na ito.

"Maglagay ka ng make-up yung nude lang," sabi uli ni Martin habang nagbibihis.

"Aalis tayo?" tanong ko kasi nakita kong nagsuot si Martin ng itim na pantalon.

"Oo," matipid niyang sagot habang nagsusuot na ng white shirt.

Dahil nga sabi niya lalabas kami nag-ayos ako. Bahagya kong kinulot yung dulo ng buhok ko at gaya ng sabi niya naglagay ako ng nude na make-up.

"Dala mo yung sing-sing?" tanong ni Martin habang nagsusuot ng black shoes niya.

"Oo nasa bag ko," pagkasabi ko nun ay agad tumayo si Martin para lumapit sa bag ko pero inunahan ko siya baka kasi makita niya yung morning pills ko. Nakakahiya baka isipin niya prepared ako.

"Ito oh!" sabi ko habang inaabot sa kanya yung sing-sing na agad naman niyang kinuha at inilagay sa bulsa ng pantalon niya at tumalikod sakin. Pumunta siya sa cabinet at may kinuha siya dun.

"Ito yung sapatos mo," abot niya sakin ng box na agad ko ding kinuha at tinalikuran siya. Ayaw ko kasing makita niya yung kalungkutan sa mata ko lalo pa nga at iniisip ko na ibibigay niya yun kay Ellena.

"Okay ka na?" tanong ni Martin ng makita niyang naka tayo na ko at naka suot na ng sapatos.

"Hmmm," tanging sagot ko.

"Ay wait!" sabi ni Martin bago ako tinalikuran at lumabas ng kwarto.

Pagbalik niya may dala-dala siyang maliit na paper bag at kung di ako nagkakamali ay yun yung sinasabi niyang pasalubong niya sakin from Singapore nung umalis siya last week.

"Sayang naman kung di mo gagamitin," sabi nito bago niya kinuha yung laman nitong maliit na box at ng buksan niya ay naglalaman pala iyon ng stud earings na ang nasa gitna ay diamond.

Inilagay niya yun sa tenga ko. Akala ko aalis na kami pero muli siyang pumunta sa cabinet at may kinuha dun. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang kwintas na parehas ang design ng pendant sa hikaw na suot ko.

"Napaka ganda mo, Hon!" bulong ni Martin sakin habang hinarap ako sa full lenght mirror kung saan kaming dalawa ay nakatayo. Nasa likuran ko siya habang hawak-hawak niya ko ng dalawang kamay niya sa magka bilaang balikat ko habang nakasandal ako sa dibdib niya.

Based sa imahe naming dalawa sa harap ng salamin masasabi ko na we are perfect couple. Di ko maiwasang hawakan yung kwintas na bigay niya.

"Ito ba yung bayad niya sa sing-sing na binawi niya sakin?" tanong ko sa sarili ko.

Kung presyo yung pagbabasihan malamang di sila magkakalayo kung isasama ko pa yung hikaw na nasa tenga ko pero hindi yun eh.

Guys utang yung isa, bukas tatlo... late na kasi may work pa ko bukas.

Thanks pls understand!!!

pumirangcreators' thoughts