webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 325

Tanghali na ko nagising kasi nga gabi na ko naka tulog.

"Pa!" tawag ko kay Papa na nasa may pintuan at naka tanaw sa labas.

"Buti naman at nagising ka na. Kumain ka na, nasa lamesa yung pagkain mo na inihanda ng Mama mo!" sabi ni Papa habang pinapagulong yung gulong ng wheel chair niya papunta sakin.

"Si Mama at Mike?"

"Pumunta sa garden para kumuha ng gulay na pwedi nating maiuwi!"

"Kumain ka na?" tanong ko kay Papa habang kumukuha ako ng tasa. Balak kong magkape para tuluyan akong magising.

"Tapos na!"

"Kape?"

"Ayaw ko!"

"Bahala ka!" sabi ko kay Papa habang binibitbit ko na yung tasa ko papunta sa lamesa para maka-kain na ko.

"Parang tumataba ka dito 'Pa ah!" sabi ko makalipas ng ilang minuto habang pinagmamasdan ko si Papa na nasa tapat ko.

"Paano di tataba eh sarap ng pagkain dito puro sariwa!"

"Bakit ka pa kasi uuwi sa Bulacan?"

"Kailangan ko na uling gumawa ng report kaya uuwi na ko."

"Bakit kasi di ka na magresign kaya naman na namin kayo ni Mike buhayin?"

"Ano ka ba, malakas pa ko kaya ko pang magtrabaho?"

"Alam ko naman yun 'Pa kaya lang gusto ko sana mag-enjoy na lang kayo ni Mama. Yung wala ka ng iisipin."

"Paanong walang iisipin ngayon nga lang iniisip kita?"

"Bakit mo ko iniisip?" takang tanong ko.

"Paano di kita iisipin, mag-thirty ka na sa July pero wala kang boyfriend paano nalang kung tumandang dalaga ka?"

"Ano ka ba naman 'Pa, bata pa nga ang thirty ang balak ko nga sana mag-asawa ng fourty. Isa pa ayaw mo yun matagal mo pa ko magiging baby girl." naka ngiti kong sabi kay Papa.

"Kahit mag-asawa ka at magka-anak, ikaw parin yung baby girl ko. Sakin pabor kung fourty ka na mag-asawa ang tanong papabor pa ba yung matres mo nun?"

"Ano ka ba 'Pa may nanganganak nga ng fifty?"

"So balak mong manganak ng fifty? baka di mo na abutan yung apo mo nun!" pagbibiro ni Papa sakin.

"Bakit 'Pa gusto mo na kong mag-asawa?"

"Kung sakin lang gusto ko na sana kasi nga nasa tamang edad ka na. Siguro kung di ako naaksidente malamang may apo na ko sayo ngayon!"

"Pa naman!" sabi ko kay Papa bago ako lumapit sa kanya at niyakap ko yung braso niya at isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

"Michelle, gusto kong makitang magkapamilya kayo ni Mike. Gusto kong magkaroon ng apo. Alam ko kung di dahil sakin malamang mag-asawa na ko ni Martin."

"Ano ka ba 'Pa, siguro di talaga kami para sa isat-isa kaya ganun yung nangyari. Wag mo ng isipin yun, darating din yung para sakin."

"Paano darating yung para sayo kung sinarado mo naman na yung puso mo para sa iba?"

"Di naman!"

"Di naman pero kagabi sa dami ng manililigaw mo parang wala ka man lang paki sa kanila."

"Di lang siguro pa ko handa!" sagot ko kay Papa.

"Michelle!" muling tawag ni Papa sa pangalan ko habang tinatapik yung kamay ko.

"Hayaan mo 'Pa magpapabuntis na lang ako para magka-apo ka na!"

"Subukan mo kung di kita lumpuhin!" sigaw ni Mama na kararating lang. Kung mamalasin ka nga naman, binibiro kolang si Papa para matawa nahuli pa.

"Binibiro ko lang si Papa!" sabi ko sabay alis ko baka mamaya mahampas pa ko. Bumalik ako sa lamesa para ipagpatuloy yung pagkain ko.

"Binibiro?" sagot ni Mama na duda sa akin.

"Oo 'Ma, binibiro ko lang siya sabi ko pa nga kay Papa di na ko mag-aasawa para alagaan ko nalang kayo hanggang sa tumanda na kayo."

"Di ka mag-aasawa eh paano ka nalang kapag tumanda ka, sino mag-aalaga sayo?" taas kilay na tanong ni Mama sakin.

"Eh di si Mike!" sagot ko ng makita kong papasok na si Mike ng bahay na may pasan-pasan na sako malamang yun yung mga gulay na iiuwi namin.

"Di kita aalagaan, ang tigas ng ulo mo!" sagot ni Mike sakin.

"Ano ka ba diba nga nag-usap tayo na di tayo mag-aasawang dalawa?"

"Wag mo kong damay kung ayaw mong mag-asawa wag pero ako mag-aasawa ako!"

"Subukan mo lang mauna sakin mag-asawa, sinasabi ko sayo lulumbuhin kita." pagbabanta ko.

"So problema ko pa kung di ka makapag-asawa?"

"Syempre!"

"Yaan mo reregister k ona yung pangalan mo sa dating app na alam ko."

"Subukan mo!"

"Register kita Tinder!"

"Tado di ako desperada!"

"Sige sa Spicy nalang!"

"Tarantado ka!" sabi ko. Balak ko sanang batuhin ng tasa buti nalang nakapasok siya kagad sa kwarto niya kundi babatuhin ko talaga.

"Ano ba yung spicy?' inosenteng tanong ni Mama.

"Lesbian dating app!" malungkot kong sabi. Kahit wala akong ganang makipagdate sa lalaki kahit kailan di pumasok sa isip ko na pumatol sa kapwa ko babae. Isa pa nag-iinit pa naman yung katawan ko tuwing hinahalikan ako ni Martin kaya sigurado ako lalaki parin ang type ko.

After namin mag-lunch ay tumulak na kami pabalik sa Bulacan.

"Good afternoon Ma'am Michelle!" bati sakin ni Yago ng sagutin ko yung tawag niya. Kadarating lang namin nun sa bahay.

"Napatawag ka Sir?"

"Naku Ma'am Yago nalang po!"

"Bakit kita susundin eh ayaw mo nga akong tawagin Michelle!" pagtataray ko.

"Si Ma'am naman!"

"Bakit ka nga pala napatawag, may problema ba?" tanong ko kasi Lingo ngayon kaya nagtataka ako bakit tumatawag si Yago sakin.

"Wala naman Ma'am, yung sa biyahe mo bukas pa Subic."

"Ah oo nga pala ano yung tungkol dun?"

"Wag na po kayong pumunta dito sa office, dadaanan nalang po kayo ng service diyan sa bahay niyo."

"Kaya lang yung mga documents ko andiyan pa sa opisina."

"Papadala ko nalang po, paki text nalang sakin yung mag kakailanganin mo para maisama ko sa pagpapadala." magalang na sabi ni Yago sakin.

"Okay, mas pabor sakin yun!"

"Sige po Ma'am hintayin ko nalang po yung text mo!"

"Okay sige, siya nga pala bigay mo nalang yung number ko sa magsusundo sakin ha!"

"Opo Ma'am,"

"Ingat, bye!" ibaba ko na sana yung phone ng magsaslita uli si Yago.

"Ma'am nasa Bulacan na po ba kayo ngayon?"

"Oo, kararating lang namin! Bakit mo natanong?"

"Wala naman po, sige Ma'am bye na po baka nakaka-istorbo na ko."

"Di naman pero sige bye na!" sagot ko bago ko ibinaba yung tawag.