webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 320

"Pahinge tissue!" sigaw ko kay Analyn kasi nakita ko na meron siya kaya hinagis naman niya ito sakin na mablis kong nasalo.

"Thanks!" sabi ko habang kumuha ako para magpunas ng pawis. Pamis na pawis kasi ako dahil nga sa kasasayaw kanina. Pinunasan ko yung muka ko at saka leeg, pati likod ko basa din.

"Talikod ka!" Nagulat ako nung marinig ko iyon si Martin na pala yung katabi ko. Di ko namalayan busy kasi ako sa pagkanta kanina ang alam ko kasi si Zaida ang naka upo sa tabi ko di ko namalayan na umalis pala ito at si Martin na yung tumabi sakin.

"Talikod!" muling utos niya, dahil di nga ako kumilos bahagya niyang ipinaling yung balikat ko para makatalikod ako sa kanya.

"Pati damit mo basa!" sabi ni Martin habang pinupunasan ng tissue yung likod ko pagkatapos nilagyan niya yung ng panyo na sa tingin ko ay pag-aari niya.

Di ako nakapag salita maging yung kasama namin sa booth naka tingin samin di ko alam kung anong sasabihin ko or paano ako magrereact pero nag-init yung mukha ko lalo pa nga nararamdaman ko yung mga daliri ni Martin na dumidikit sa balat ko sa likod.

"Tapos na!" sabi niya habang inaayos yung damit ko. Dahan-dahan ko siyang tiningnan habang yung mukha ko ay puro question mark. Gusto ko sanang itanong, "Ano sa tingin mo yung ginawa mo?" pero di ko yun masabi kasi nga yung muka ni Martin parang normal lang yung ginawa at walang mali dun. Sabagay normal naman na talaga sa mokong na ito na hawak-hawakan ako kapag kaming dalawa lang pero ang masaklap kasi maraming naka kita at di ko alam kung paano magpapaliwanag specially sa kapatid ko na titig na titig sakin.

"Sakit sa brain!" sabi ko sa sarili ko habang inabot ko yung basong puno ng beer at tinunga iyon. Di ko alintana yung pait nun basta ang alam ko lang gusto kong malamigan pati yung utak ko gusto kong lamigin.

"Sayaw tayo Michelle!" yaya ni Cristopher sakin nung ibaba ko yung basong walang laman.

Di muna ako sumagot, tumingin muna ako sa labas sa may dance floor. Sweet yung music kaya halos na nasa gitna puro couple para matapos yung pagduda nila sa relasyon namin ni Martin ay tinanggap ko yung imbitasyon ni Christopher.

"Nagbalikan na ba kayo?" tanong kagad sakin ni Christopher pag dating namin sa gitna.

"Hindi!" diretso kong sagot habang inilalagay ko yung kamay ko sa balikat niya samantalang yung kamay naman niya ay nasa baywang ko.

"Eh bakit...,"

"Wag mo yung pansinin!" mabilis kong sabi para di na matapos yung sasabihin ni Christopher kasi maging ako di ko na maintindihan si Martin.

"Kala ko talaga nakipagbalikan ka na sa kanya!"

"Wag kang mag-alala kasi kung sakaling nakipagbalikan ako sa kanya malamang di mo na ko maisayaw kasi susuntukin ka na nun!"

"Oo nga eh, niyaya lang kitang maglunch last time sinuntok na ko, tapos nung nag duet lang tayo sa kanya gusto na ko uli bugbugin. Napaka seloso, kaya wag ka ng makipagbalikan sa kanya!"

"Mukha mo, ikaw din ganyan ka nung tayo pa eh. May tumingin lang sakin parang gusto mo ng sapukin."

"Gusto ko lang sapukin pero di ko tinitotoo pero siya tinutotoo."

"Mukang nagka phoebia ka ah!" pagbibiro ko kay Christopher.

"Di naman kaya ko naman makipagsabayan kay Martin, ikaw lang talaga inaalala ko!" sabu ni Cristopher habang hinawi yung buhok na nasa pisngi ko at inipit sa tenga ko.

Natigilan ako dahil sa ginawa ni Christopher, di ko talaga akalain na gagawin niya yun. Papagalitan ko sana siya ng may magsalita sa gilid namin.

"Pwedi ako naman ung magsasayaw sa kanya?" sabi ng Martin na naka tingin kay Christoper. Naramdaman ko yung hesitant kay Chistopher kasi lalong humigpit yung pagkakahawak niya sa kamay at baywang ko.

"Di mo ba nakikita na di pa tapos yung kanta!" masungit na sabi ni Christopher. Bahagya niya kong hinila sa kanang kamay ko para mailayo kay Martin pero hinawakan ni Martin yung kaliwang braso ko habang kay Christopher parin naka tingin.

"Tapos na!" matigas na sabi ni Martin na sakto din sa pagtapos ng kanta pero di bumitaw si Christopher at nakipagtitigan kay Martin.

"Kapag di kayo tumigil dalawa kayo pagsasayawin ko!" sabi ko.

Kung galit yung mga boses nila mas galit yung akin para malaman nila na di ako nagbibiro. Sabay silang tumingin sakin na para bang pinapapili ako kung sino sa kanila yung sasamahan ko.

"Si Martin naman!" sabi ko kay Christopher makalipas ng ilang segundo kong pag-iisip. Di dahil sa pabor ako kay Martin naka dalawang music narin naman kasi kami ni Christopher and sa tingin ko napagbigyan ko na siya.

Pagkarinig ni Martin ng sinabi ko mabilis niyang tinanggal yung kamay ni Christopher na naka hawak sa kanang kamay ko at mabilis akong hinila papalapit sa kanya.

"Aray ko!" sabi ko kay Martin sabay hampas sa braso niya paano bigla niya ko hinila kaya sumubsob ako sa dibdib niya. Okay lang sana kung mataba siya eh kaya lang ma-muscle kaya ang tigas.

"Sorry!" sabi niya sabay pulupot ng dalawang kamay niya sa baywang ko kaya bahagya akong tumukod sa dibdib niya para di magdikit ng tuluyan yung katawan namin.

"Umayos ka naman!" reklamo ko kasi sa halip na magsayaw kami eh mas mukha kaming nagyayakapan sa gitna ng dance floor.

"Umaayos naman!"

"Anong maayos di ako makagalaw!"

"Di wag kang gumalaw!"

"Bakit di na lang tayo umupo at dun nalang magyakapan mas comfortable pa yun," asar na asar na nanaman ako.

"Tara!" mabilis na sagot ni Martin habang naka ngiti. Sarap sapukin kung pwedi lang.

Pinilit kong itukod yung braso ko sa dibdib niya para kahit papano di magdikit yug dibdib naming dalawa pero tinanggal yun ni Martin at inilagay sa leeg niya medyo niluwagan niya na rin yung pagkakahawak sakin kaya kahit papano ay nakakapas sway na kami ng maayos.

Ewan ko ba sa lalaking ito gustong-gusto akong inaasar. Di yata makukumpleto yung araw niya kapag di ako nabwibiset.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Umiinom!"

"Di ka naman dito umiinom, sa pagkakatanda ko lagi ka sa Makati area!"

"Maiba lang yung environment!"

"Baka sinusundan mo ko?" paratang ko kasi every time na lumalabas ako halos lagi siyang naroroon. Di ko lang alam kung paano niya nalalaman it is either may nagsasabi or binabantayan niya ko.