webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 313

"Meryenda tayo!" yaya ni Martin sakin nung pumasok siya sa may pintuan. Lumabas siya kanina pero di ko naman tinanong kung saan siya nagpunta pero pagbalik niya may dala na siyang pizza at nagyaya ng kumain kami kaya sumunod ako sa kanya. Di na ko nahihiya sa kanya kaya pag-upo ko ay agad akong dumampot ng pagkain.

"Kain tayo sa labas mamaya!" yaya niya sakin habang kumakain narin siya.

"Di pwedi," diretso kong sagot.

"Bakit, may date ka?"

"Wala naman kailangan ko lang umuwi ng bahay bago ako isumbong ni Mike kay Mama!"

"Hatid kita!" offer ni Martin.

"Mahal ko pa yung buhok ko kaya salamat na lang," mabilis kong tanggi. Ano nalang mangyayari sakin kapag hinatid niya ko sa bahay. Biglang natahimik si Martin na parang nag-iisip ng dapat niyang gawin.

"Kahit bayaran kita ng other one million?" offer niya habang naka ngiti.

"Kahit gawin mo pang two million yun parin sagot ko." masungit kong sabi.

"Gusto ko lang sana makasama ka bago ako umalis," malungkot niyang sabi.

"Magkasama na nga tayo buong araw, Dusko di ka ba nagsasawa?"

"Hindi!" diretsong sagot ni Martin.

"Ewan ko sayo!" tanging nasabi ko di ko na kinakaya yung pagiging shameless ni Martin.

"Maaga pa naman dun nalang muna tayo sa kwarto," sabi ni Martin na may halong malisya.

Tiningnan ko siya na parang ewan parang gusto ko ng buksan yung utak niya para malaman kung ano bang iniisip niya at anong gusto niyang mangyari.

"Marami pa kong gagawin!" tanging sinabi ko bago ako tumayo at bumalik sa table ko. Ayaw ko ng makipag-usap kay Martin lalo lang akong mababaliw.

Buti nalang di na nagpumilit si Martin kaya nung five na ay nag-umpisa na kong magligpit ng gamit ko. Magpapalam na sana ako sa kanya na aalis na ko pero di ako makapagsalita paano ba naman naka tingin siya sakin na para bang ang lungkot-lungkot niya. Di ko tuloy maiwasang magtanong, "Anong yari sayo?"

"Ayaw mo kong samahang mag-dinner eh tapos ayaw mo din akong samahang matulog!" salaysay niya habang naka pout pa, para talagang bata.

"Di sayo bagay!" natatawa kong sabi sabay dampot ng bag ko pero nung tangka kong buksan yung pinto para makalabas ay di yun bumukas kaya muli akong lumingon kay Martin at tanging ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Buksan mo yung pinto." utos ko.

"Ayaw!"

"Martin!" gritted teeth kong sabi.

"Kunin mo rito yung susi!" pang-aasar niya sakin kaya wala akong nagawa kundi lumapit sa kanya. Balak kong sabunutan siya saka paghahampasin pero bago ko pa magawa yun ay naunahan na niyang hawakan yung dalawang kamay ko at hinila niya ko sa kwarto.

"Bitawan mo ko hinihintay ako ni Mike sa baba!" sigaw ko.

"Sinabihan ko si Secretary Xandra na di ka sasabay kasi may tatapusin pa tayo kasi nga aalis ako bukas kaya ipapahatid na lang kita mamaya!"

"Martin naman!" reklamo ko pero wala na kong nagawa kasi nga naka ibabaw na sakin si Martin at sinakop na niya yung labi ko.

"Kaasar ka talaga!" sabi ko sa kanya habang kinagat ko yung kanang balikat niya. Sinamantala ko yun habang naka subsob siya sa leeg ko at hinahalikan iyon.

"Pagbigyan mo na ko, aalis naman ako bukas!" bulong niya sakin at muli akong hinawakan sa labi.

"Yun na nga aalis ka na, nang mamanyak ka pa!"

"Haha...haha...!" tawa ni Martin, tuwang-tuwa talaga siya kapag asar na asar ako sa kanya.

"Kain na lang tayo sa labas!" sa huli nasabi ko nung maramdaman ko na tinatanggal na ni Martin yung suot kong bra.

"Gutom ka na?" tanong niya sakin habang inaangat niya yung suot kong damit.

"Ang bilis talaga ng mokong na ito," nasabi ko sa isip ko kasi nga andun na siya sa dibdib ko at pinaglalaruan na yung dalawa kong malulusog na dibdib.

"Oo," mahina kong sagot kasi nga nakakaramdam na ko ng arousal sa ginagawa niya.

"Give me more minutes," sabi ni Martin with his raspy voice alam kong tinutupok narin siya ng init ng katawan kasi grabe na yung bukol ng nasa pagitan ng hita niya.

"Mas mahihirapan ka niyan mamaya!" sabi ko habang sinusuklay ko yung bukog niya ng daliri ko.

"Ahhhhh!" sigaw ni Martin sabay tayo. Dumiretso siya sa banyo at maya-maya ay narinig ko na nagbukas siya ng shower, malamang para mawala ang init ng katawan.

Mabilis akong bumangon at inayos yung suot kong damit para paglabas niya ay naka ayos na ko.

Bilang compensation sa kanya pinaghanda ko na siya ng damit. Pumili ako ng pantalon na maong at polo shirt na blue para casual lang ang porma niya at ipinatong ko yun sa kama kung saan nanatili akong naka upo.

Paglabas ni Martin ay dumiretso siya sakin kasi nga nakita niya na andun na yung damit niya. Di na talaga siya nahiyang magbihis sa harap ko kahit expose pa niya yung lamit sa pagitan ng dalawang binti niya, ako nalang yung nahiya kaya umiwas ako ng tingin.

Habang nagsusuot siya ng pantalon ay tumayo ako at pinunasan ko yung buhok niya na tumutulo at dahil nga mas matangkad siya sakin bahagya siyang yumuko.

"Suot mo muna yung damit mo para blower ko yung buhok mo!" sabi ko habang isinasampay ko yung tuwalyang ginamit niya. Pagbalik ko tapos na siyang magbihis at naka upo na siya sa may tokador at naisaksak narin niya yung blower kaya inumpisahan ko ng tuyuin yung buhok niya.

"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Marin sakin habang pinagmamasdan niya ko sa salamin.

"Gusto ko ng wanton," sagot ko.

"Sige, chinese restaurant nalang tayo!"

"Ang haba na ng buhok mo, damat magpagupit ka na!"

"Mas gusto mo ba yung dati kong buhok?"

"Oo mas bagay yun sayo!" sabi ko kay Martin. Di na sumagot si Martin sakin pero makikita ko sa muka niya na masaya siya di ko alam kung dahil sa comment ko o dahil nasunod siya. Paglabas namin ng building halos wala ng tao. Mag-seseven na din kasi ng gabi kaya dumiretso na kami ni Martin sa parking lot. Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya ko sa sa bahay pero di ko na siya pinapasok sa kalye namin para iwas tsismis.

"Good night!" sabi ko, hawak ko na yung pinto ng bigla akong hilain ni Martin at siilin ng halik wala man lang talaga siyang paki kahit asa driver seat si Mang Kanor, ang taong talagang 'to.

"Good night!" mahina niyang sabi ng bitawan yung labi ko.

"Hmp!" tanging sagot ko pero di ko kinalimutang sipain siya sa paa, makaganti man lang bago ako lumabas ng sasakyan.