webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 288

"Bawal ba dito?" nahihiya kong tanong habang napatingin ako sa paligid. Doon ko lang napansin na pinagtitinginan ako ng mga empleyado na nagsisimula ng magsipagdatingan, sabagay marami ring nakakakilala sakin at alam nila na may dati kaming relasyon ni Martin. Marahil para maiwasan na magkaroon ng issue at baka marating kay Elena kaya gusto akong paalisin ni Yago sa lobby. Kaya mabilis kong dinampot yung bag ko at coat para sana lumabas. Doon nalang ako maghitay kina Boss Helen.

Naka sleeveless lang kasi akong damit na kulay mint green at naka pencil skirt akong black na hanggang ibabaw ng tuhod ko ang haba na pinaresan ko ng open toe sandals na kulay itim din na may taas na three inches. Napa professional ng look ko at kahit sinong makakakita ay iisiping andun ako para magtrabaho at di para kung sa anong bagay.

"Hindi po Ma'am!" mabilis na sabi ni Yago at hinawakan pa ko sa braso para pigilan ako sa pag-alis. Napa tingin ako sa kamay ni Yago na naka hawak sakin kaya mabilis niya kong binitawan na para bang napaso.

"Im sorry Ma'am!" magalang na sabi niya uli. Pinagmasdan kong mabuti si Yago kasi pinagpapawisan niya na para bang kinakabahan kaya pati yung kamay na dumapi sakin ay malamig at nanginging.

"May problema ba?" concern kong tanong.

"Naku Ma'am wala po, samahan ko na po kayo sa taas!" sagot ni Yago sakin at pinipilit na ngumiti.

"Sige!" pagsang-ayon ko nalang kasi nga feeling ko na kapag di pa ko pumayag ay iiyak na siya.

Sumunod ako sa kanya paakyat sa taas gamit namin yung private elevator ni Martin pero di ko na yung binigyang pansin kasi nga personal assitant ni Martin si Yago kaya may karapatang din siyang gamitin iyon.

Dinala niya ko sa top floor, akala ko sa one of conferrence room niya ko dadalhin pero laging gulat ko ng buksan niya yung office ni Martin pero di ako pumasok kasi iniisip ko baka may kukunin lang siya dun bago ako ihatid sa conference room.

"Pasok ka na Ma'am!" sabi ni Yago matapos niyang buksan yung aircon at ilaw.

"Huh?" takang tanong ko.

"Pasok na po!" sabi uli ni Yago habang naka ngiti na.

"Baka magalit yung Boss mo?" gulat na sabi ko.

"Okay lang yun Mam, dito naman po gaganapin yung meeting mamaya kaya okay lang na dito ka maghintay!"

"Ganun ba?" alanganin ko parin sabi

"Opo, kaya pasok ka na!" Dahil nga sa pagsisigurado ni Yago na okay lang pumasok na ko.

"Gusto niyo pong kape, juice, pagkain or anything you want Ma'am?"

"Okay na ko salamat!" ackward kong sabi. Dati kasi ganun din yung treat niya sakin pero sakin normal lang yung kasi nga girlfriend ako ng Boss kaya need niya sakin maging mabuti pero ngayon parang di naman tama kasi nga wala naman na siyang mapapala sakin.

"Kung ganun po, iwan ko muna kayo! Nasa labas lang ako if ever may kailangan po kayo tawagin niyo lang ako!" sabi ni Yago bago tuluyang lumabas pagkatapos ko siyang tanguan at magpasalamat.

Paglabas ni Yago bahagya kong pinagmasdan yung opisina ni Martin, di naman ito nagbago halos ganun parin kahit dalawang taon ng nakakalipas.

"Hays!" butonghininga ko paano kasi napansin ko yung picture frame na naka patong sa office table ni Martin. Naka talikot ito at tanging yung naka upo lang sa office chair ang nakakakita nun, dati nung kami pa picture ko yung nadun ngayon ewan ko kung akin parin yung nakalagay pero malamang hindi na. Naupo lang ako sa mahabang sofa na naroon at di nangahas na magikot-ikot o maki alam sa mga bagay kasi nga bisita lang ako dun.

Dahil sa sobrang tahimik plus pa yung lamig ng aircon at puyat di ko akalaing makakatulog ako. Nagising nalang ako ng may marinig akong kumatok sa may pintuan kaya mabilis akong nagmulat ng mata at tumingin sa dereksyon ng pinto.

"Come in!" narinig kong may nagsalita kaya agad akong bumaling sa pinanggalingan nun at laking gulat ko ng makita ko si Martin na naka upo na sa kanyang executive chair. Nagkatinginan kaming dalawa at di ko alam kung anong sasabihin ko buti nalang pumasok na yung kumatok at si Yago yun.

"Sir?" tanong nito, mukang pinatawag ni Martin.

"Papasukin mo na sila!" sabi ni Martin at muling tumingin sakin.

Doon lang ako natauhan kaya mabilis akong umupo ng tuwid at inayos yung buhok ko na nagulo. Chineck ko narin yung muka ko sa salamin baka may muta or laway na natuyo sa bibig nung masigurado kong okay naman agad kong sinuot yung coat ko at inayos yung buhok ko.

Mabilis akong tumayo ng may muling kumatok sa may pintuan at sunod-sunod na pumasok yung mga lalaki na parang nagulat nung makita ako dun.

"Uy Michelle, andito ka na pala!" sabi ni Boss Helen ng makita ako.

"Opo!" nahihiya kong sagot.

"Kanina pa kita tinatawagan pero di ka sumasagot kaya parang kinakabahan ako baka kako di ka naka uwi galing Bataan." sabi uli ni Boss Helen habang hinawakan ako sa braso para umupo kami sa mahabang mesa kung saan umupo rin yung mga lalaking naunang dumating.

Maya-maya lang ay umupo narin dun si Martin sa pinaka head ng upuan kung saan siya nababagay kasi nga siya yung President ng company.

"Let's start!" full of authority niyang sabi.

"Siya ba yung tinutukoy mong Engineer na sasama sa investigation na gagawin sa Casa Milan Subic?" tanong ng isang lalaki na nasa 50's na yung edad na sa pagpapakilala ni Yaho ay head ng Finance.

"Yes, she is Michelle De Vera graduate siya ng Electrical Engineering sa may UP." pagpapakilala sakin ni Boss Helen.

"Good Morning po!" kiming pagbati ko sa lahat.

"So scholar ng bayan!" sagot uli ng lalaki na halatang may pang-iinsulto sa boses.

"Yes, I am!" taas noo kong sagot.

"So ano naman yung maitutulong mo sa pag-iimbestiga?" tanong pa ng isang pang director na head naman ng security na halos kasing edad lang din ng naunang lalaking nagsalita.

"Actually kasi di masyadong na discuss sakin ni Boss Helen yung pinaka sitwasyon at tanging nasabi lang niya is nagkaroon daw sa pagkakamali ng design ng kuryente kaya nagkaroon ng pagsabog which is not yet proven."

"Paanong di pa proven eh yun naman talaga ang sabi nung mga inbestigador at Burue of fire nung imbestigahan nila yung pangyayari kaya nga kailangang magbayad nga Web security ng five Million at dapat makulong yung Engineer na nagdesign nun. Ewan ko ba dito kay President Martin at ayaw pang magsampa kami ng kaso ng matapos na." sagot ng lalaki na head naman ng Legal.