webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 287

"Pwedi naman, alam mo naman na yung messanger ko, yung number ko message ko sayo mamaya!" Di ko kasi dinala yung phone ko, nung magising kasi ako kanina low bat na pala kaya iniwan ko yung mga yun na naka charge sa bahay para mamaya pag-alis ko fully charged silang dalawa.

"Salamat kung ganun!" natuwang sabi ni Don sakin.

"Kaya lang friendship lang ang kaya kong offer sayo!" diretso ko ng sabi sa kanya kasi nga ayaw ko siyang paasahin.

"Alam ko naman yun at okay lang sakin!"

"Talaga?" nagulat kong sabi.

"Nung kumakanta ka kanina feeling ko may pinaghuhugutan ka na para bang hanggang ngayon mahal mo parin siya." diretsong sabi ni Don sakin. Wala akong nagawa kundi ngumiti lang ayaw ko kasing aminin sa kanya na ganun na nga pero ayaw ko din namang itangi na mali yung sinabi niya.

"Michelle, tandaan mo ha, may lalaking handa kang mahalin kung ayaw niya sayo!" sabi ni Don sakin ng bigla niya kong akbayan. Akbay na walng malisya parang ini-encourage niya lang ako na wag kong gugulin yung pagmamahal ko sa taong di naman ako mahal.

"Salamat!" tangin nasabi ko, pagkasabi ko nun ay mabilis din naman niya kong binitawan.

"Basta ha, message-message tayo! Wag mo kong seen zone!"

"Oo!" sagot ko sa kanya.

"Ingat ka!"

"Ikaw din!" sagot ko kay Don bago ako pumasok sa bahay namin pagkatapos ko siyang kawayan.

Tulog na sila Mama at Papa paguwi ko,may dala lang akong spare key para di ko na sila maistorbo. Sa halip na matulog na ko dahil nga medyo umiikot yung paningin ko, wala akong nagawa kundi ligpitin yung mga gamit ko na dadalhin ko bukas.

Pagkahiga ko di naman ako dinalaw ng antok kaya binuksan ko yung phone ko para sana magpalipas ng oras pero laking gulat ko ng may text message sakin galing kay staker. Yun yung bansag na binigay ko sa nagtetext sakin at tumatawag na ayaw magpakilala.

"MUkang enjoy na enjoy ka sa ka-duet mo ah!" laman ng text. Bigla kong naalala yung kanta namin ni Don, na-post ba yun sa FB tanong ko sa sarili ko kaya agad kong binuksan yung FB account ko sa old phone ko at ganun nga andun yun, si Roger ang nagpost.

"Ganda ko dun noh?" reply ko sa nagtext sakin.

"Super pero sana wala kang kasamang lalaki."

"Ganun talaga pag maganda dinudumog ng lalaki" pagyayabang ko.

"Enjoyin mo lang yan kasi malapit ng walang lalaking umaligid sayo."

"Talaga?"

"Oo!"

"Eh pano ba yan may date ako sa Lunes!" Reply ko kasi nga naalala ko na may date kami ni Christopher bukas.

"Subukan mo!"

"Gagawin ko talaga!"

"Subukan mo lang talaga MIchelle!"

"Talagang... talaga!" reply ko kasi para sakin kailangan ko na talagang magmove on kay Martin kaya need ko ng makipagdate sa ibang mga lalaki para tuluyan ko siyang makalimutan.

"Tingnan natin!" sagot ni Staker na para bang sigurado siyang di ko yun magagawa.

"Ewan ko sayo!" sa huli yun nalang yung naisagot ko. Sabay hagis ko sa phone ko sa sahig para sana kahit papano ay makakuha ako ng tulog at maaga pa nga ako bukas.

"Hays!" buntong hininga ko sabay mulat ng mata. Naka tingin ako sa kisame, paano kasi sa Casa Milan Corp. yung meeting bukas. "Paano kung makita ko si Martin dun?" tanong ko sa sarli ko.

"Eh di mag hi ka!" sagot ko rin sa sarili ko. "Bwisit!" tanging nasabi ko sabay dapa at isinubsob ko yung muka ko sa may unan paano ba naman andun parin yung na-eexite ako na makita siya at maka usap at the same time takot kasi naalala ko yung tingin niya sakin na para bang di ako kilala at kinalimutan na niya ako ng tuluyan.

Maka lipas ng ilang minuto di ko na napigilang mapa luha kasi masakit nanaman yung puso ko habang pinapayapa ng utak ko na nagsasabi na wala ka naman dapat sisihin kundi sarili mo lang kasi ikaw naman ang nagdesisyun nun at di siya kaya wala kang karapang magreklamo kung tratuhin ka niyang ganun.

Dumating yung oras na kailangan ko ng tumayo at aalis na kami kaya kahit mabigat yung loob ko at maga yung mata ko at bumangon ako. Alam kong napansin ni Mama yung mata ko pero di nalang siya kumibo at hinayaan nalang muna ako.

Dinaanan ako ng sasakyan eksaktong alas dos ng madaling araw. Napa tingin ako sa dala-dala kong sako, paano pinadalhan ako ni Mama ng gulay pagkain daw namin ni Mike, ewan ko nalang kung may oras kaming lutuin yun.

Dahil nga di ako naka tulog kanina, ay naka tulog ako sa biyahe. Ginising nalang ako ni Tito ng nasa Bulacan na kami kaya gad kong tinawagan si Mike para sunduin ako sa labasan at agad naman itong sumunod kaya pagdating ko dun, andun na siya nag-aabang sakin.

Napaliwanag ko na kay Mike yung sitwasyon nung tinawagan ko siya kahapon kaya wala na siyang tanong. Pagdating sa bahay nagluto lang ako ng almusal naming dalawa, tinapay lang at pritong itlog ang ginawa ko kasi nga kapos na kami sa oras at may meeting daw siya ng eight ng umaga sa Cavite kaya need naming umalis na kagad.

Eksaktong seven nasa Casa Milan Corp na ko at dahil nga eight pa yung pasok ng mga empleyado halos iilan lang yung tao sa kumpanya. Dahil nga kilala naman nila si Mike pinapasok ako ng guard sa lobby para dun na maghintay.

Dahil nga kunti lang yung tinulog ko, naisip ko munang ipikit yung mata ko habang naka sandal ako sa couch ng lobby.

"Ma'am!" narinig kong may tumawag sakin kaya nagmulat ako ng mata. Nakita ko si Yago yung assitant ni Martin.

"Oh Yago, Kamusta?" masaya kong bati.

"Okay naman Mam, ikaw po kamusta?" masayang bai rin nito sakin.

"Mabuti din, bakit?" natanong ko kasi di naman siguro ako lalapitan lang ni Yago para makipagkamustahan.

"Sa taas ka na lang maghintay Mam!" magalang na sabi nito sakin pero napa kunot ako ng noo.

"Ha, hindi okay lang ako dito. Hinihintay ko lang si Boss Helen may meeting kasi kami sa Legal niyo!" paliwanag ko para maisip niya na official business ang pagpunta ko dun at wala akong ibang motibo.

"Alam ko po iyon Mam kaya nga po dun na kayo sa taas maghintay."

"Hindi, okay na ko dito!" tangi ko kay Yago

"Sige na Mam, dun ka na po maghintay!" pagpupumulit ni Yago na para bang kailagan niya kong mapaalis sa lugar na iyon.

Please add my other work

"Let's Start Again!"

please...........

Thanks!

pumirangcreators' thoughts