webnovel

Chapter 213

Patakbo akong lumapit sa biometrics para mag-in para sa afternoon duty.

"Late?" Tanong ni Dina sa akin habang naka nakatawa. Malamang natatawa siya sa itsura ko paano ba naman pawisan ako.

"Buzzer beater!" Masaya kong sagot kasi kahit papano worth in yung tinakbo ko.

"Saan ka ba kasi nangaling? Saka nagkita ba kayo ni Martin? Dumating siya sakto namang pagkaalis mo mukang nagkasalisihan kayong dalawa."

"Diyan lang ako sa tabi-tabi galing! Oo, nagkita kami."

"Mabuti naman! Mukang madaling madali din yun kanina lalo na ng di ka nakita."

"Pasok na ko, dami ko pang gagawin." Paalam ko kay Dina. Di ko na din sinagot yung comment niya tungkol kay Martin.

Tinanguan niya lang ako bilang pagsang-ayon na iwan ko na siya.

Kumakalam yung sikmura ko at sinubukan kong magkalkal sa drawer ko kung may pwedi bang makain dun pero wala ng natira sa supplies ko malamang nakalkal din yun nung wala ako at di pweding bale walain yung gutom ko kasi walang pumapasok sa utak ko at pag ganito wala akong matatapos.

"Sana man lang pinatapos muna nila akong pinakain bago sila nag-away." Comment ko habang hinahaplos ko yung tiyan ko.

Akma na sana akong tatayo para magtanong sa labas kung sino ang may biscuit ng tumunog yung telephone ko sa ibabaw ng lamesa.

"Hello!" Mahina kong sagot.

"May delivery ka dito, kunin mo!" Sabi ni Dina sa akin.

"Wala naman akong inorder ah!" Takang tanong ko kasi wala naman talaga akong naalalang inorder online kahit ano.

"Kapag di ka pa pumunta dito ako na kakain nito." Pagbabanta ni Dina.

"Pagkain? Papunta na!" Agad bumilog yung mata ko ng marinig ko yung pagkain kaya dali-dali kong ibinababa ang phone at pumunta sa labas.

Dinatnan ko dun yung food delivery na may bit-bit na Kenny Roger.

"Sakin po yan?" Masaya kong tanong.

"Ay hindi sa akin." Pang-asar ni Dina.

"Di kita bibigyan!" Pagbabanta ko sa kanya inilabas ko pa yung dila ko para asarin siya lalo.

"Ms. Michelle de Vera?" Tanong ng delivery sa akin.

"Yup! By the way bayad na ba ito?" Bigla kong tanong mamaya di pa pala bayad eh wala akong ibayad.

"Opo Ma'am bayad na po!"

"Ah, okey!" Sabay kuha ko sa pagkaing inaabot niya.

"Bigyan mo ng tip si Kuya bilis hahatian kita." Utos ko kay Dina.

"Sabi mo yan ah!" Sabay bunot ng one hundred pesos sa wallet niya at ibinigay sa delivery.

"Thank you po!" Pasasalamat ng delivery bago umalis.

"Tara kain tayo!" Yaya ko kay Dina.

"Tirhan mo nalang ako! Di pa ko pweding umalis dito sa pwesto ko, maaga pa kaya."

Doon ko lang nakita one thirty palang pala.

"Sige dun nalang ako kakain sa table ko! Hatiin na natin."

Pagbalik ko sa table ko agad akong kumain dahil wala naman ako kasama dun sa pwesto namin nakakain ako ng maayos. Lahat kasi ng kasama ko lumabas na at dahil nga pinagbawalan ako ng Lolo (AKA Martin) kong lumabas ako ang taong bahay.

Speaking of Martin, tumatawag siya.

"Hello!"

"Mukang dumating na yung pagkaing inorder ko sayo ah!" Sabi niya sa akin paano puno pa yung bibig ko ng sinagot ko yung phone ko.

"Buti nga naisip mong padalhan ako. Gutom na gutom kaya ako!" Pagmamaktol ko.

Di ko lang masabi kung di mo kasi sinuntok si Christopher di sana nakakain ako ng maayos ng tanghalian.

"Kaya nga naisip kong padalhan ka kasi nakaka dalawang subo ka palang ata kanina kaya alam ko gugutumun ka talaga."

"Alam mo palang gugutumin ako bakit kasi sinuntok mo siya ng di pa tayo tapos kumain. Nagsayang ka lang ng pera." Sermon ko.

"Pinadalhan na nga kita ng pagkain para makabawi ako sa pagkakamali ko tapos sinesermunan mo pa ko." malungkot niyang sagot.

"Kulang pa ito sa ginawa mo kanina." Matigas kong sabi.

"Sige lilibre kita sa mas masarap na pagkain mamayang dinner." Offer niya sa akin.

"Hindi yan ang gusto ko."

"Anong gusto mo?"

"Di ako matutulog sa bahay mo ng isang buwan."

"Ano? Di pwedi noh! Malapit na birthday ko saka magpapasko pa dapat kasama kita nun."

"Magkasama naman tayo nun ah di lang ako matutulog sa place mo."

"Di pwedi dapat sakin ka matutulog kasi gusto ko kayakap kita ng buong magdamag sa special occasion na iyon."

"Sige wag nalang tayo magpakasal."

"Michelle naman!" Malakas na sigaw niya sa pangalan ko.

"Mamili ka!" Pagmamatigas ko.

Pero sa akin biro lang iyon inaasar ko lang talaga siya. Ang cute kaya ni Martin pag ginaganyan mo yun lang naman kasi yung kinakatakot niya ang di na ko matulog sa place niya or pa-move ko yung kasal namin.

"Payag ako wag kang matulog sa bahay this coming Friday."

""Ngayong week lang?"

"Hon naman! Next week birthday ko na. Tapos next nun is Christmas then New year. Matitiis mo ba na di ako makasama nun? Ako kasi di ko kaya!" Malungkot niyang sabi na para bang nagpapaawa.

"Sige ngayong week lang ang parusa mo pero kapag naulit pa yung ganitog senario one month na ha!" Pagbabanta ko.

"Opo Ma'am!" Masaya niyang sagot.

"By the way kumain ka na?" Tanong ko nung maalala ko na wala din siyang kinain.

"Kumakain narin ako."

"Kain muna tayo! Usap na lang tayo mamaya!"

"Sige!"

"Bye!" Paalam ko.

Ang hirap din kasing kumain habang hawak mo sa isang kamay mo yung phone mo. Di ko naman kasi pweding loud speaker kasi di naman sound proof yung pwesto namin nakakahiya baka mamaya may makarinig.

"Sunduin kita mamaya!" Paalala niya.

"Opo hintayin kita! I love you."

"I love you too!" Tuluyan ng naputol ang pag-uusap namin kaya muli na kong kumain.

Talagang binilisan ko na yung pagsubo para matapos na ko kagad kasi may need akong tapusin at ayaw ko naman mag overtime lalo pa nga at may naghihintay sa akin di gaya dati kahit anong oras ako bumaba okey lang.

Bigla kong naiisip na iba na talaga yung sitwasyon ko ngayon. Madami ng bawal at madami ng dapat consider di gaya dati kahit ano pwedi.

"Paano pa kaya kapag nag-asawa na kami mas marami kaya siyang ipagbabawal sakin?" Tanong ko sa sarili ko. Agad kong iginalaw yung ulo ko para tanggalin yung ganung isipin dahil tiyak nakakatakot yun kapag yun ang nangyari.

Next chapter