webnovel

Chapter 209

"Okey ka lang?" Tanong niya sa akin habang pinupunsan yung pawis ko ng face towel.

"Sakit ng kamay ko!" Raklamo ko habang nakayakap ako sa baywang niya tapos yung ulo ko ay nasa dibdib niya.

"Mukang di na nakukuntento yung alaga ko sa kamay mo Hon." Comment ni Martin habang pinupunasan yung mga daliri ko.

"Anong gusto mong gawin natin?" Irap ko sakanya.

Inilayo ko na yung katawan ko sakanya at humiga na ko ng maayos sa kama kung saan nakalapat yung likod ko. Humiga na rin siya sa tabi ko nung matapos niyang ibalik yung face towel sa banyo.

"Dapat madaliin na talaga natin yung kasal natin Hon para di na mapagod yung kamay mo." Sagot niya habang minamasahe yung braso ko.

Sa sobrang pagod ko di ko na siya sinagot kasi ang gusto ko lang matulog na lalo pa nga may pasok na ko bukas. Nag-aagaw na yung antok ko at yung ulirat ko ng magsalita si Martin malapit sa tenga ko.

"Kaya lang aabutin pa tayo ng six months bago tayo makasal pero okey lang sana yun Hon kung papayag kang advance ko na yung Honeymoon natin?"Abot tenga niyang ngiti habang naka patong yung ulo niya sa leeg ko at yung kamay niya ay naka yakap sa baywang ko.

Sa halip na sagutin siya minabuti ko nalang talikuran siya kasi nga antok na antok na talaga ako. Ewan ko ba sa lalaking ito sa halip na mapagod sa pinaggagawa niya lalong naging energetic parang lakas ko lang yung inuubos niya.

"Hon!" Tawag niya sabay kagat sa tenga ko.

"Sige unahin mo sa pwet!" Masungit kong sagot sabay dapa para makita niya yung kaumbukan ng pwet ko.

"Ayaw ko diyan!" Galit niyang sabi sabay hampas sa pwetan ko.

"Aray!" Reklamo ko.

"Pero kung gusto mo diyan pwedi naman!" Sabay patong sa akin.

"Hoy....hoy... siraulo ka talaga!" Siagw ko sakanya habang tumayo ako para makalayo sa kanya.

"Haha....hah... kala ko gusto mo diyan!"

"Letche ka....!" Sigaw ko.

"Haha... haha....!" Halakhak niya habang inaabot uli ako para mayakap ako.

"Ikaw tigilan mo na ko kasi pagod na pagod na ko ha!" Pagbabanta ko sakanya.

"Opo papakabait na!" Sagot niya sa akin habang yakap yakap ako.

Tinatapik-tapik niya yung likod ko na parang hinehele niya ko kaya di nagtagal ay naka tulog na ko.

Six ng umaga ako nagising at wala na sa tabi ko si Martin kaya bumangon narin ako at dumiretso na sa banyo.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Martin na nagaayos ng pagkain sa dining table.

"Morning!" Bati ko sa kanya.

"Morning Hon, Tara na kain na tayo!" Yaya niya sa akin.

Mabilis nama akong lumapit kasi nga anong oras na baka ma late ako pero nasa muka ko parin yung pagod.

"Okey ka lang?" Tanong niya sa akin na puno ng pag-aalala habang inaabot sakin yung kape ko.

"Tanong ka pa eh di mo talaga ako pinatawad kagabi kahit pa alam mo na pagot ako sa paglalaba!" Singhal ko sa kanya.

"Haha....haha.... sorry Hon alam mo namang miss na miss kita eh!"

"Miss na miss eh magkasama lang tayo nung nakaraang araw." Muli kong reklamo habang umiinom ako ng kape para kahit papano mabuhay yung katawan ko.

"Diba sabi ko naman sayo mawala ka lang sa paningin ko miss na kita kagad." Pambobola ni Martin sa akin pero nilalagyan niya ng pagkain yung plato ko.

"Siya nga pala yung mga sulat na kinuha mo sa bahay ibalik mo ha pagkatapos mong basahin." Sita ko kay Martin habang sumusubo ako ng pagkain.

Muli ko kasing nakita yung ecobag na dala niya kahapon galing sa bahay na nasa gilid ng pinto ng kwarto niya kanina. Out of curiosity sinilip ko yun at doon nga bumungad sa akin yung mga love letter sa akin ni Christopher.

"Tatapon ko na yun!"

"Ibalik mo yun sa bahay!" Ulit ko.

"Bakit may nararamdaman ka pa ba sa Ex mo?"

"Wala!" Mabilis kong sagot.

"Di tatapon ka na yung mga yun!"

"Hays!" Buntong hininga ko.

Di na ko sumagot at kumain na lang dahil ayaw ko pang magtalo kami first thing in the morning. Pero makikita sa muka ko na di ako natutuwa sa kanya kasi nga naka simangot ako.

Di ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan pa niyang paki alamanan yung mga ganung bagay. Sa akin lang naman is kahit papano ina-appreciate ko yung effort nung mga lalaking nagbigay sakin pero wala naman yun sa point na gusto ko na sila or may nararamdaman ako para sa kanila. Isa pa yung mga sulat kasi na yun is my confidence booster.

"Yaan mo na nga lang!" Sabi ko sa isip ko habang isinubo yung huling kanin sa pinggan ko.

"May lakad ka mamaya?" Tanong niya sa akin ng di na ko sumagot.

"Wala naman, diba nga sabi mo sakin bawal na ko makipag meeting sa labas sa mga client namin!" Paliwanag ko sa kanya.

"Di naman meeting sa trabaho sa personal."

"Personal, parang wala naman!" Sabi ko sakanya.

"Yung phone call kahapon." Paalala niya sa akin.

"Yung phone call... Ah si Anna!"

"Hmmm....!" Pagsang ayon niya. Naka yuko siya na parang ayaw niya sa aking humarap na para bang may gusto siya pero nahihiyang magsabi.

"Ah, di ko pa yun sure di pa tumatawag sakin si Christopher kaya di ko ala kung tuloy ba o hindi." Sagot ko sa kanya habang tumayo na ko dahil nga tapos na ko kumain.

Sa totoo lang nawala rin talaga yun sa isip ko kaya di ko talaga naalala.

"Si Christopher yung Ex mo diba?" Tanong ni Martin habang tumayo narin at binitbit yung plato niya sa lababo.

"Oo!" Mahina kong sagot habang binitbit ko narin yung kinainan ko.

"Text mo ko kapag natuloy kayo ha!" Sabi niya sa akin habang naka tingin sa akin.

"Sige!" Pagsang ayon ko.

Sabay tulak sa kanya palayo sa lababo kasi mukang balak pa niyang siya ang maghugas ng pinggan. Nakaka tuwa lang kay Martin simula nung naging kami kahit papano natututo na siya ng gawaing bahay.

"Ligo ka na, ako na magliligpit!" Utos ko sa kanya kasi nga medyo late na kami.

Next chapter