webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 207

"Haha...haha....!" Di ko mapigilang matawa.

Huminto si Zaida sa paglalakad at tiningnan ako.

"Joke lang yun!" Simpleng sagot ko.

"Hon, okey lang yun kung yan talaga gusto mong wedding bibigay ko yun sayo wag kang mag-alala kaya yan ni Zaida siya na bahala sa lahat." Pagkukumbinsi ni Martin sa akin.

"Send me the proposal and quotation!" Matigas na utos ni Martin kay Zaida.

"Don't mind him!" Sagot ko naman kasi nga nagkakasukatan na ng tingin yung dalawa na parang walang gustong magpatalo.

"Ano bang uso ngayon?" Tanong ko uli.

"More on garden wedding ngayon ang uso!" Sagot naman ni Zaida na muling umupo sa tabi ko.

"Actually kasi wala pa talaga akong naiisip regarding sa wedding. Okey lang ba hiramin ko muna ito para mapag-aralan?" Tanong ko sabay taas nung magazine.

"Minadali ka ba ni Martin?" Muling tanong ni Zaida.

Syempre di ko pweding sabihing Oo kasi magwawala nanaman yung isa.

"Di naman masyado lang maraming naglalaro sa utak ko na gusto kong mangyari kaya di ako makapag desisyun kagad."

"Ah... okey kala ko kasi pinilit ka lang nito lagi kasi yan pag may gusto dapat nasusunod at bawal kang tumanggi at kapag di mo napagbigyan mag tantrum na parang bata." Paliwanag ni Zaida.

"Manahimik ka nga diyan!" Reklamo ni Martin.

"Totoo naman ganyan ka kaya nga di natuloy yung kasal niyo ni Elena kasi gusto mo ikaw lang laging nasusunod kahit sinabi niya sayo na di pa siya handa kaya nga dumating ka sa point na buntusin siya para lang magpakasal na kayo!" Dirediretsong sabi ni Zaida.

Nakita kong napikon si Martin sa sinabi ni Zaida pero bago niya iyon maipakita agad kong hinawakan yung kamay niya at pinag salop ko yung mga daliri namin para pakalmahin siya at mahina ako nagsalita.

"Kaya siguro di natuloy yung kasal nila kasi kami ang nakatadhanang magpakal." Sabay ngiti..

"Oo nga mabuti na lang kasi mas gusto kita kaysa sa kanya! Basta ha habaan mo lang yung pasensya dito kay Martin medyo possive kasi yan." Payo ni Zaida sa akin.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Alam ko naman na walang ibig sabihin si Zaida sa sinabi niya at totoo naman yung comment niya tungkol kay Martin. Nakikita ko rin na wala siyang intensyong masama gusto lang siguro niyang ipaalala kay Martin na wag masyadong mapilit.

"Tumahimik ka na nga!" Sigaw ni Matin.

"Alam mo Martin papayo ko lang sayo ha, try to restrain your self sa pagcontrol kay Michelle para di siya masakal, ikaw din baka magsisi ka."

"Di ka talaga titigil!" Patayong singhal ni Martin.

"Pahinge nalang ako ng number mo?" Sabay abot sa phone ko kay Zaida.

Tumayo narin ako para takpan si Zaida sa view ni Martin kasi nga parang gusto niya ng kainin yung isa. Inabot ni Zaida yung phone ko at inilagay yung number niya.

"Zai yung pangalan ko dito! Text mo nalang ako once may maisip ka na gusto mo saka natin pag-usapan." Sabay balik sakin yung phone ko.

Pinindot ko yung call para tawagan siya para makuha niya rin yung number ko.

"Yan yung number ko!" Sabi ko nung mag-ring yung phone niya.

"Okey, lagay ko Mitch!" Sagot ni Zaida saka nginitian ako.

"Okey lang!" Pagsang-ayon ko.

"Sige na umalis na kayo at mukang gutom na si Martin." Sabi ni Zaida sabay kindat sa akin.

"Di pa nga kami nag-dinner kaya mauna na kami." Paalam ko.

Hinila ko na palabas si Martin para di na sila magtalo pa ni Zaida.

"Bakit naka simangot ka parin?" Tanong ko kay Martin habang naka sakay na kami sa kotse niya.

"Naiinis parin kasi ako sa pinsan ko na yun kung di ko lang yun pinsan sarap talaga sunugin yung shop niya."

"Nagagalit ka kasi sinabi ni Zaida yung mga flaws mo?"

"Bakit Hon ayaw mo ba talaga pakasal sakin?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo, kaya ko nga ito suot kasi pumayag ako!" Sabay pakita sa kanya yung engagement ring na binigay niya sa akin.

"Hays!" Narinig kong bunting hininga ni Martin.

"Hon di ka naman dapat magalit sa pinsan mo pinapayuhan ka lang niya saka isa pa tama naman siya depende nalang sayo yun kung paano iintindihin."

"Ibig mong sabihin possessive talaga ako sa tingin mo?" Galit niya uling sabi.

"Wala naman akong sinasabi!" Mabilis kong tanggi paano nanlalaki yung singkit niyang mata.

"Kain muna tayo!" Pag-iiba niya ng usapan at agad nagpark sa isang chinesse restaurant sa area.

Halos sabay din kaming bumaba ng sasakyan at agad akong kumapit sa braso niya habang naglalakad kami papasok sa restaurant.

"Table for two!" Sabi ni Martin sa waiter na sumalubong sa amin na kaagad kaming dinala sa isang bakanteng lamesa sa may bandang gilid ng restaurant.

"Siya nga pala di na tayo dumaan sa Pad mo, di ka nagpalit ng damit mo." Paalala ko kay Martin.

Paano kasi kung anong suot niya kanina nung pumunta yun din ang suot niya ngayon at take note naka tsinelas lang siya sabagay kahit naman napaka casual lang ng suot ni Martin sa aura at gawi naman niya makikita mong may kaya. Higit sa lahat yung itsura niya kahit nga yata magsuot ito ng sako guapo parin.

"Bakit masagwa ba?"

"Hindi guapo ka parin!"

Akma niya sana akong hahalikan kaya lang nagsalita yung Waiter.

"Tawagin niyo nalang po ako Sir and Ma'am if may order na po sila."

"Okey!" Sagot ko habang ngumiti.

"Ikaw naman tigilan mo nga yang PDA mo at nakakahiya!" Baling ko kay Martin

"Anong PDA?" Inosenteng tanong niya habang binubuklat yung menu.

"Public Display of Affection!" Sagot ko sa kanya habang binuksan ko na din yung menu sa harap ko.

"Normal lang yun para malaman nila na taken ka na kaya bawal na silang tumingin sayo!"

"Huh? Pati pagtingin sakin bawal na rin?"

"Naman!" Sagot niya sa akin sabay kinabig yung ulo ko papaunta sa kanya para madampian ako ng halik sa labi.

"Ikaw talaga!" Hampas ko sa braso niya nung menu na binabasa ko kanina.

Tumawa lang siya at tinawag na yung waiter. Omorder siya ng toasted chicken, corn soup, plain rice at vegetable na di ko alam kung paano niya yung sinabi na parang ewan.

"May dadagdag ka pa?" Tanong niya sa akin

"Order mo ko iced tea!"

"Orange juice ka nalang mas healthy yun."

"Sige!" Pag-sang ayon ko.