webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Chapter 181

"By the way sa roof top ka naglalaba?"

"Oo sa rooftop, Bakit?" Mabilis kong sagot pero agad ko siyang tinanong parang may iba kasi sa boses niya.

"Walang nakakakita sayong iba?" Seryosong tanong niya bigla tuloy akong na contious kaya agad akong tumingin sa paligid namin. Medyo mataas naman yung bakod ng taas namin kaya di naman ako tanaw at wala din naman sobrang taas na bahay sa paligid kaya malabong may maka kita saakin.

"Wala naman Hon!" Pag-aasure ko sa kanya.

"Mabuti kung ganun kasi ayaw kong may makakita sayong ibang tao lalo na lalaki sa ganyang ayos."

"Anong bang ayos ko?" Takag tanong ko.

"Bakit di mo tingnan yung dibdib mo!" Dahil sa sinabi niya doon ko lang nga napansin na basa na pala yung suot kong t-shirt at bakat na bakat na yung suot kong Bra. Napaka erotic ng itsura ko kaya bahagya akong nag side view kay Martin para di lumantad yung dibdib ko sa kanya.

"Bastos!" Usal ko.

"Kanina manyak ngayon bastos naman! Ang dami mo ng bansag sakin ah!"

"Yun ka naman kasi!"

"Ganun, humanda ka sakin bukas at mamanyakin kita at babastusin!" Pagbabanta niya saakin.

"Ikaw naman di ka na mabiro!" Lambing ko sa kanya.

"By the way wag ka palang magbaon ng mga short ha puro leggings and pantalon lang dalhin mo.

Sa pang itaas wag kang magdala ng sleeve less or spaghettis straps more on t-shirt ka lang na round neck wag yung V-shape yung tabas."

"Wait...wait.. bakit mo dinidikta yung mga damit na dadalhin ko? Saka hello... beach kaya pupuntahan natin tapos naka pantalon at leggings ako ano naman itsura ko nun?"

"Bakit mo iisipin itsura mo ang importante sa kahit anong suot mo maganda ka sa paningin ko!"

Di ko alam kung matutawa ako o maiiyak sa sagot niya pero sumagot parin ako.

"Paano naman apag nagswimming tayo?"

"Mag-suot ka ng rashguard tapos leggings ang pang ibaba." Mabilis niyang sagot.

"Wala akong rashguard!" Mabilis kong sagot. Sa totoo lang di ko naisip yung rush guard more on one piece swim wear ako or short at spagetti ang suot ko kapag nagpupunta ako ng beach.

"Bibilhan kita!" Final say niya dahil dun di na ko nakasagot at pinagpatuloy ko nalang ang ginawa ko. Ayaw ko na siyang patulan baka magtalo nanaman kami.

"Sunduin kita bukas ng seven ng umaga." Sabi niya sa akin nung di na ko sumagot sa kanya.

"Anong oras ba yung flight natin?"

"Ten ng umaga kaya lang baka kasi ma traffic tayo, alam mo naman Monday bukas malamag full pack nanaman ang Edsa o kaya kung gusto mo sunduin na kita ngayon para mas malapit." Offer niya sa akin.

"Hindi bukas mo na ko sunduin marami pa kong gagawin, okey na yung seven!"

"Ano pa bang gagawin mo?"

"Una, naglalaba pa ko malamang abutin ako nito ng gabi lalo pa nga at may makulit akong kausap. Pangalawa di pa ko nag-iimpake at malamang aabutin din ako ng gabi kasi magkakalkal pa ko ng mga damit ko na round collar, pantalon and leggings. Pangatlo gagawa pa ko ng itirenary natin at malamang sa malamang di ko yun magagawa kung diyan ako sa Pad mo matutulog"

"Sige... isang gabi na lang naman yung titiisin ko kaya pagbibigyan na kita. If ever mahirapan kang maghanap ng damit mo okey lang bibili na lang tayo sa Palawan kaya don't stress your self." Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya paano ba naman pinagyayabang nanaman niya yung pera niya sa akin.

"Honey!" Tawag niya sa akin nung di na ko nagsalita at nagfocus na lang ako sa paglalaba.

"Hon!" Muling tawag niya.

"Michelle!" Tawag niya sa pangalan ko kaya napilitan akong lingunin siya pero nanatiling kipot ang bibig ko.

"Galit ka?"

"Hindi!" Matipid kong sagot at muli akong nagbanlaw.

"Ayaw ko lang kasing tingnan ng mga kalalakihan yung legs at clevage mo. Di ko kasing mapigilang magalit lalo pa nga kapag nakita ko sa mga mata nila na pinagnanasaan ka nila!"

"Martin, di naman lahat ng lalaki kagaya ni Mr. De Jesus, saka isa pa kasama naman kita wala naman sigurong mangyayaring ganun."

"Ayoko lang mag-invite ng mga unnecessary event. Kaya sana maintindihan mo ko!"

"Okey fine pero wag naman sana na dumating tayo sa point na gawin mo kong suman."

"Di na nga kaya nga pumayag ako mag t-shirt ka kasi kung pwedi lang sana mag long sleeve ka lang eh, pero dahil alam ko naman na mainit ang climate dito sa Pinas kaya pumayag na ko pero yung short it is a big NO...NO...!" Sabay gesture pa ng hintuturo niya para iparating na talagang bawal yun.

"Ewan ko sayo!" Tanging nasagot ko para sakin di naman dapat dumating sa point na ganun pero naiintindihan ko naman siya kasi alam ko para sakin yun.

"Pwedi ka pa rin naman mag short at magsuot ng mga sleeve less or spagetti straps kahit mag Bra at panty ka lang basta sa loob lang ng kwarto at ako lang ang kasama mo kahit maghubad ka pa okey lang sa akin." Alam ko naman yung sasabihin niya kaya di ko na binigyan ng importansiya yung pinag sasabi niya.

"Naiintindihan mo naman ako diba Honey!" Sabi niya sa akin na may halong paki usap.

"Okey fine susundin ko na yung gusto mo para makapante ka na! Pero sana naman wag over-over ha yung tama lang!" Pagbabanta ko sa kanya ayaw ko naman umabot kami na para na siyang paranoid sa pagbabantay ng mga isusuot ko.

"Okey promise yung tama lang!" Pangako naman niya sa akin.

"Sige na, bye-bye na muna para matapos na ko!"

"Sige na nga tawagan na lang kita uli mamaya!"

"Wag mo na kong tawagan ako na tatawag sayo once okey na ko!"

"Tatawag ka talaga? Baka mamaya makalimutan mo nanaman ako!"

"Tatawagan kita, promise!" Pero nasa muka ni Martin na di parin siya kumbinsedo. Paano kapag na-immerse ako sa ginagawa ko nakakalimutan ko na siya maliban nalang talaga kung mag-text siya sa akin or tatawag.

"Okey, if nine ng gabi di pa ko tumawag sayo, ikaw na tumawag sa akin." Malamang tapos na ko sa gagawin ko nun. Kailangan ko parin kasi maglinis ng kwarto ko maliban pa sa pag-iimpake at paggawa ni iterinary namin naisip ko.

"Sige!" Payag niya, kaya nakahinga na ko at nag end na yung video call namin.