webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Breathless

"Go on, go on, Leave me breathless, Come on! Hey, yeah!" Si Anna muna yung kumanta ng panimula. Sumunod ako na pero parang hirap yung boses ko. Nangangati kasi yung lalamunan ko. Isa pa parang nahagip ng mata ko si Martin kaya parang natigilan ako ng unahan ng kanta pero sa huli di ko naman siya nakita, kaya baka namalik-mata lang ako kaya muli ko ng pinagpatuloy yung pagkanta.

"The daylight's fading slowly

But time with you is standing still

I'm waiting for you only

The slightest touch and I feel weak

I can not lie

From you, I can not hide

And I'm losing the will to try

Can't hide it (can't hide it)

Can't fight it (can't fight it)

So go on, go on

Come on, leave me breathless" Tuloy-tuloy na kanta ko kahit di na talaga maganda yung pakiramdam ko sa lalamunan ko pero natapos ko naman kahit papano.

"Okay ka lang?" Tanong ni Anna sakin habang nagpalakpakan yung lahat.

"Thank you!" pasasalamat ko. Ipapatong ko na sana yung mic ng sumigaw yung mga tao.

"One More! One more!" senesyasan ko si Anna na di ko na kaya kasi nga yung lalamunan ko.

"Sorry ha, masakit na yung lalamunan nung vocalist natin. Next time na lang! Thank you." sabi ni Anna kaya nagsimula na kaming umalis sa stage.

"Miss, isa pa ako na bahala sa alak niyo!" Sigaw ng isang lalaki habang hinarang kami sa pagbaba.

Napalingon ako kay Anna na para bang nagtatanong ako paano gagawin namin.

"Sorry Sir medyo masakit na kasi lalamunan ng kaibigan ko!" explain ni Anna.

"Eh isa lang naman eh!" muling sagot ng lalaki na halatang lasing na.

"Oo isa lang!" Sigaw din ng iba pang lalaki na nasa lamesa na sa tingin ko na kasama ng lalaking nasa tapat ko.

"Sige isa na lang ha!" Pagsang-ayon ko kasi nga mukang di talaga papayag ang mga ito pag di nabigyan kaya wala akong nagawa kundi bumalik at muling hawakan yung mic.

"Sana, yung kantahin mo!" sigaw uli ng lalaki habang bumabalik na sa mga grupo niya.

"Talagang sinulit ah at nagrequest pa!" sabi ni Anna na napapa-iling.

"Buti na nga lang yung nirequest di masakit sa ngala-ngala!" sagot ko at nagsimula na kong kumanta.

"Umuwi nang tila bang lahat nagbago na

Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata

Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi

Kahit na magdamag na tayong magkatabi

Bakit ka nag-iba?

Mayro'n na bang iba?

Sana sinabi mo

Para 'di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Hahayaan naman kitang sumaya't umalis

Sana sinabi mo

Para 'di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Hahayaan naman kitang umalis...."

Pagtapos nun ay muli silang nagpalakpakan pero wala na kong paki at dumiretso na ko sa pagbaba. Kailangan ko ng uminom ng tubig, buti na lang bago pa ko makapag request ay lumapit na sakin yung water at inabutan ako ng maligamgam na tubig.

"Salamat!" sabi ko at mabilis na tinungga yung laman nun.

"Okay ka lang?" tanong ni Nina sakin.

"Okay na! sabi ko, kasi nga naka inom na ko ng tubig.

"Wag ka munang uminom ng alak!" Paalala ni Analyn sakin. Sasagot pa sana ako ng lumapit samin yung dalawang waiter na may dalang tatlong bucket ng beer.

"Omorder ka?" Tanong ko kay Anna na parating galing banyo.

"Hindi!" mabilis naman nitong tanggi.

"Pinabibigay po nung nasa table na iyon!" sabay turo sa grupo ng lalaking nagrequest kanina ng kanta. Puro sila lalaki dun na may mga edad na at puro malalaki yung tiyan. Sa tantiya ko nasa mga 40's na sila at halatang may mga kaya. Nung makita nilang naka tingin kaming apat sa kanila agad silang kumaway samin at tanging tango lang ang ginanti namin.

"Dami nating alak!" sabi ko habang tinitingnan yung mga beer na nasa lamesa.

"Talagang madami yan lalo pa nga at di niyo sinisimulang inumin." sabi ni Anna at nagsimula ng magbukas ng bote at pinaglalagyan na kami sa harap.

"Diba sabi mo wag muna ako uminom, ikaw na uminom nito!" sabay bigay ko kay Analyn ng bote ko.

"Hindi, pwedi ka!" sagot nito sakin at muling ibinalik yung bote sakin.

"Haha...haha... ayos!" tanging nasabi ko nalang at nagsimula na kong uminom.

Naubos na namin yung dalawang bucket na binigay ng mga lalaki kaya medyo tippsy na kaming apat. Naging wild na rin yung ibang mga taong nasa bar. Marami ng nagsasayawan sa may dance floor at yung iba naman ay nag make-out na sa kanikanilang upuan.

"Order ako ng fruit platter!" sabi ko para sana may pambalanse man lang sa iniinom ko. Feeling ko kasi napaka pait na ng dighay ko pero bago pa ko makatayo ay lumapit samin yung lalaking nagrequest ng kanta kanina.

"Hi girls!" masayang bati nito.

"Hello po!" sagot ni Nina.

"Ubos na ba yung alak niyo?"

"Paubos na po, salamat sa pagbibigay!" sagot ni Annalyn.

"Ah walang ano man yun lalo pa nga at pinagbigyan ako kanina ng magandang dilag na ito sa request kong kanta!" sabay hawak sa braso ko. Dahil nga naka sleeveless ako ramdam na ramdam ko yung magaspang niyang kamay. Napakunot ako ng noo kasi di ko gusto yung ginawa niyang paghawak kaya agad kong iniwas yung braso ko para bitiwan niya pero sa halip na bitawan niya ay lalo niya akong hinawakan ng mahigpit. Tiningnan ko siya ng masakit pero nginitian niya lang ako na parang nakaka loko.

"Sayaw tayo!" sabi niya sakin sabay hila sakin papunta sa gitna. Mabilis sumunod sakin si Anna.

"Sorry Kuya pero mag-CR muna kami, hanap ka nalang muna ng pwedi mong sayaw!" sabay tanggal niya sa kamay ng lalaki sa braso at mabilis akong hinila papuntang banyo.

"Mukang kailangan na nating bumaba!" sabi ko kay Anna habang nag-aayos kami sa harap ng salamin.

"Oo nga eh!" Pagsang-ayon ni Anna. Itinali na niya yung mahaba niyang buhok, kagaya ko naka sleeveless din ang suot niya ang pinagkaiba lang namin is naka skirt siya at naka high cut boots.

Nung masigurado naming okay na yung itsura namin ay mabilis narin kaming lumabas ng banyo. Malapit na kami sa table namin nung mapansin namin na yung lalaki kanina ay naka upo na sa table namin ang masaklap pa kasama na niya yung mga kasama niya. Bale nasa anim silang lahat na nasa table.