webnovel

MAY ERASER KA BA? (ONE-SHOT)

_OTACOOL_ · Realistic
Not enough ratings
1 Chs

May eraser ka ba?

Hi guys! Ito ang comeback one-shot story ko. And hopefully, makaka-update na rin ako sa iba ko pang mga kwento. HAHA. Enjoy!

*

Mikki's Point Of View

"Excuse me, may eraser ka ba?"

"Wala. Pasensya na"

"Salamat nalang po"

Sinundan ko naman ng tingin 'yung babaeng kanina pa humihiram ng eraser. Pumunta siya sa isa pang table saka tumanong ulit.

"Ano, may eraser ka po ba?"

"Wala"

"Ah. Osige, salamat nalang po"

Natawa nalang ako dahil nang nakalayo na siya dun sa bago niya lang tinanungan, nag-stomp siya ng paa saka nag-pout.

Actually, hindi ko kilala ang babaeng 'yan pero madalas kaming pinagtatagpo ng tadhana. I mean, madalas siyang pinapakita sa akin ng tadhana. Hindi man sinasadya ay nalaman kong ampon siya at nakita ko pa kung paano siya alilain ng pamilyang umampon sakanya. Medyo malapit ang sakayan papunta bahay namin ang bahay nila eh.

Simula ata nang malaman kong ganun ang pinagdadaanan niya, I imagined myself being the Knight in shining armor who's going to protect the princess, which is her. Haha. Maisip ko palang ang ideyang 'yon, natatawa na ako. Nakakabading pala kapag magkaroon ka ng crush.

"Hello earth to Mikki? Hello? Buhay pa ba ang katawang lupa ng aking kababatang si Mikki na napaka-anti-social at super suplado?" Natauhan naman ako nang sipain ako bigla ni Alden.

Kanina ko pa pala sinusundang tingin 'yung babae. Haha

"Ah. Pasensya na tol. I felt tired reading and all" sinilip ko ulit 'yung babae pero nung hindi ko na siya mahanapan ay bumalik na ako sa pagbabasa

Ang babaeng 'yon, matagal ko nang hinahangaan. She's actually a scholar and is one of the students who are in the dean's list. It's quite impressive really. Nabalance niya lahat, from her painful situation at home, to her scholar work up to her grades.

Hindi ko rin maipagkakailang konti nalang ay mamahalin ko na siya. Siya nga ang dahilan kung bakit parati kong pinipilit 'tong si Alden na sumama sa akin sa library eh. Ang sipag niya kasing mag-aral at napagalaman ko sa mga nagtsi-tsismisan na magaling daw siyang mag-drawing ng mga anime characters at mga hero sa dota kaya naman napakalaking turn on din nun sakin! Haha

Simple. 'Yan ang epitome niya. Hindi siya ganun ka flashy at hindi rin ganun ka-famous. Hindi siya 'yung tipong masasabi mong isa sa mga cool kids o isa man sa mga nerd at geeks ng school. She's just simple. Simple pero napakaganda niya para sa akin.

And she's not just beautiful, she's also cute, charming and diligent. At talagang napaka-adorable niya. Lalo na kapag nakikita ko ang mga reactions niya tuwing walang siyang nahihiram na eraser.

"Adik. Tired daw pero grabi ang ngisi at talagang tumatawa tawa pa ng mag isa. Nasiraan ka na ba?"

"Shut up. Magbasa ka nalang or else, mababagsak ka nanaman"

"Gago. Hindi ako nabagsak, sadyang mahirap lang talaga"

"Yeah. Whatever bro"

-

"Alden Fuentes" tumawa na si Alden saka kinuha ang test paper niya

"19. Syet" bulong ni Alden kaya naman natawa ako na nagging dahilan ng pagsiko niya sa akin

19 over 80. Wow. Wala na talagang mas cool sa bro ko! AHAHA

"Mikki Ordon," kinuha ko naman 'yung paper ko saka bumalik sa upuan

"E-eighteen"

One point nalang ang kulang para pantay kami ni Alden. -.-

"Mwahahaha! So nabagsak ka nga! So much for teasing someone else huh? AHAHAHAHA" hindi ko nalang siya pinansin

"What a joke. Hindi ako nabagsak, mahirap lang talaga. Tss"

Nang matapos ang klase, pinastay kami ni Sir para kausapin. Anim kami na hindi nakapasa at in-asign kami na magcooperate sa tutoring lessons na ginagawa ng mga nagvolunteer sa first section.

"Mr. Fuentes, si Nathalie sayo. Habang sayo naman Mr. Ordon, si Aria. Magkikita kita kayo bukas ng hapon sa harap ng faculty at kayo na ang bahalang mag usap kung saan at kalian magaganap ang tutoring"

Tss. Hindi naman ganun kahirap eh. Alam ko ngang sagutan ang iba. Sadyang kadalasan sa mga sagot ko ay "Eraser" kaya naman hindi ko talaga maipagkakailang ako ang may kasalanan kung bakit ako nabagsak sa test. Ang dami ko kasing iniisip eh.

For example, kung paano ko malalaman ang pangalan nung babae, kung anong year niya, anong section at kung paano ko ibibigay sakanya 'yung binili kong eraser.

I don't know anymore. I just can't stop thinking about her.

-

"Dokidoki. Maganda kaya 'yung magtu-tutor sa akin?"

"Gago. Tuturuan nila tayo hindi sila makikipaglandian sa atin"

"Eh. Wala naman akong sinabi eh. May balak ka ba?" binatukan ko nalang si Alden sa kagaguhan niya

"Wah! Hoo. Hoo. Sorry we're late. Hihi" napatingin naman kami dun sa mga babaeng lumapit sa amin

Natigilan ako kaagad ng Makita ko 'yung babaeng humihiram ng eraser.

"Hi, I'm Nathalie. Grade 12 na ako actually, nagkamali lang si Sir ng sinabi. Si Alden ang tuturuan ko. Sino sa inyo ang batang Alden?" tinignan naman ako ni Alden

Natawa nalang ako ng patago dahil hindi siya makakapag trip ngayon. Ate eh. Hindi madaling idaan sa jamming jamming.

"Ako po," sagot ni Alden

"Anong grade ka?"

"Grade 11 po" marespetong sagot ni Alden at nag usap naman na sila don

Nakatingin naman sa akin si Miss Eraser. Hindi ko na napigilan at lumapit na sakanya.

"Hi, I'm Mikki. Mikki Ordon" sabay about ng kamay ko kaya kinuha niya naman 'yun

"Arie, Arie Sales. Uhh. Nagkita na ba tayo?" tanong niya at babawiin na sana ang kamay niya pero hinila ko na ito kaagad

Kinuha ko 'yung eraser ko sa bulsa saka nilagay sa kamay niya.

"Matagal ko na 'yang tinatago" nabigla man siya ay pinabayaan niya lang ako

Kung hindi ko pa man nabanggit ay babanggitin ko na ngayon. Isa ako sa mga varsity ng baseball team sa school. Since anti-social ako at suplado tulad ng sabi ni Alden, I haven't got the courage to talk to other people. At alam ng lahat na si Alden lang 'yung nag iisa kong kaibigan.

Kaya naman kung ma-weirdo'han siya sa akin, wala na akong pakealam.

I'm betting everything for this girl right in front of me.

"Nalaman ko 'yung tungkol sa pamilyang umampon sayo at alam kong gusto mong kalimutan ang lahat ng sakit at sama nang loob na binigay nila sayo. I flunked my exams and I'm really not that friendly, pero will you let me be your eraser who will help you erase all your painful memories?"

Napa-bit siya ng lip niya at mukhang nagpro-process pa lang kaya naman natawa ako ng bahagya.

"Alam kong weird 'to since this is the very first time that we've talked pero I hope na you could let me stay by your side and well, get to know you better. I may not be that perfect since gwapo lang naman ako at mayaman.." natawa naman siya na dahilan ng pag ngiti ko

"Hindi man ako ganun katalino pero sana naman.. sana" bago pa man matapos ang sasabihin ko ay kinuha niya na ang kamay niya saka tinago ang eraser ko at saka ako nginitian.

"I really did saw you. The famous mysterious and the handsome MVP in the baseball team. Nakita kita sa labas ng bahay at pati narin sa library. Hindi nga ako nagkamali. Tinatawanan mo pa nga ako kaya naman nahiya akong humiram ng eraser sayo. And about what you said earlier, I know that you're not that friendly and all. Pero you didn't flunk your exams, sadyang mahirap lang talaga" natawa naman ako dun dahil nakikinig pala siya sa mga pinag uusapan namin ni Alden

"And yes, you can start being my friend.. and well, my eraser"

Ito ang simula ng pagkakamabutihan naming. Lalaki man ako, hindi ko parin maide-deny na kinikilig ako sa mga nangyayari sa amin. She's still tutoring me at the subject I'm worst in. But now, I'm the best in it. Just having her beside me, kept me more motivated than ever.

The moment I looked into her eyes, I already knew I had to make her mine. Alam kong hindi ganun ka-romantic ang simula ng love story naming pero ang Makita siyang humiram ng eraser? Kumabog nang parang walang bukas ang puso ko.

Love comes in the most unexpected way really. At hindi ko alam na dahil sa hindi ako nakapasa ay magkakaroon ako ng pag asa na ibigay ang eraser ko at mas lubusan siyang makilala.

Nakapagdesisyon na akong maging eraser niya. Hindi ko lang buburahin ang mga masasama at masasakit niyang mga alalaa sa ngayon, bibigyan at bibigyan ko din siya ng masasayang mga alaala mayaya, bukas at sa mga susunod pang mga araw.

After all, nag simulag maipon ang special feeling na 'to para sakanya nang Makita ko siyang lumalapit sa iba't ibang mga estudyante at tumatanong ng

"May eraser ka ba?"