webnovel

Chapter 3

Rhunzel's POV

Kasalukuyan akong nakatingin sa aking imahe sa salamin habang ayos-ayos ang aking pulang biste na may haba hanggang tuhod. Hapit na hapit ito sa aking beywang kagaya sa rainbong damit na suot ko kahapon.

Tinalian ko muna ang aking mahabang buhok saka 'ko lumabas ng aking silid habang dala-dala ang maliit kong pitaka.

"Ang ganda naman ng apo ko" salubong ni MommyLa sa 'kin. Malumanay lamang akong ngumiti rito saka 'ko umupo sa upuan.

"Are we ready?" Tanong ni DaddyLo habang nakatingin sa kanyang wrist watch.

Siguro, siguro nga handa na ako.

"Let's go" mabilis akong tumayo at sumunod kina Mommy pasakay ng kotse.

Tahimik lang ako sa aming biyahe samantalang ang aking pamilya nama'y busy sa pag-uusap hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling resto.

Nakasunod pa rin ako sa aking mga magulang habang kinakabahan. Makikita ko nanaman si Mr. Sungit.

Mabuti na lang at pagkarating nami'y wala pa ang pamilyang Eigenmann. Nakahinga naman ako ng maluwag. Umupo ako malapit sa dulo. Mahaba ang mesa kaya sigurado ako na kakasya kami.

Kinuha ko muna ang aking cellphone saka walang ganang linaro-laro ito.

"O, they're here"

Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang sinabi ni DaddyLo. Napabalingkawas ako ng tayo nang magsimulang tumayo sina Mommy.

Napasulyap ako sa anak ng mga Eigenmann, parang naiirita pa rin ito habang nakikinig sa aming mga magulang na nag-uusap. Bahagya pa akong napangiti nang ngumiti sa akin ang babaeng katabi ni Kajick.

Kapatid niya siguro 'yong babae, magkumkha kasi sila. "Is this your daughter? Maganda pala talaga siya in person. I've only seen her on pictures" sinulyapan ko naman ang ginang na siya siguro ang ina ni Kajick.

Ngumiti ako. "Maraming salamat po" sinulyapan ko ang anak nito. He tsked as he sat on the chair.

"This must be your son and daughter? What a lovely family you have" saad ni DaddyLo sa mag-asawa.

"Oh, thank you señor"

"Please, sit" nauna na akong umupo saka pinatong ang aking pitaka sa aking kandungan.

"Hija, this is Mrs. Eivy Rosales-Eigenmann and Mr. Zarick Azer Eigenmann, along with her beautiful daughter, Kajhaine Vaughn Eigenmann and his handsome son, Kajick Vaughan Eigenmann, kasama rin pala nila ang lola ng mga bata, siya ng pala si Mrs. Nyhlma Rosales" pagpapakilala ni DaddyLo sa akin nong pamilyang Eigenmann.

"Hi po" saad ko at yumuko sa kanilang harapan.

Umupo rin ako ng maayos saka ako tumingin kina Daddy. "Hijo, kilalanin mo muna ang pamilyang ito. They're the Marchenko" saad ni Mr. Zarick.

"Yeah, I know" the son rudely answered kaya nakatanggap ito ng palo mula sa kanyang kapatid.

"Be nice, Vaughan. You're not a kid anymore" suway ng babae kaya tumahimik ang kapatid nito.

Narinig kong tumawa si Daddy. "Oh, your family is wonderful" anito trying to give life to the dying atmosphere.

"Shall we order?" Tanong ni Mrs. Eivy.

"Sure"

Pasulyap-sulyap lang ako sa aking cellphone habang naghihintay sa aming order na pagkain. Hindi ko maggawang tumingin sa mga tao rito sa paligid. Ang weird lang talaga ng atmosphere. You're trying to be more communicable to lift up the atmosphere and to give life to it, but always failing because of some people who always makes the atmosphere fall and letting it die. Lalo na 'yong mga tao ay hindi masyadong talkative. Mabuti na lang at may musikang Jazz. It's good to listen that to talk nonsense.

Hay, how to escape?

"Here's your order, ma'am, sir" nag-angat ako nang tingin nang dumating ang order naming pagkain. Nagugutom na ako kakahintay.

Dahan-dahan lang akong kumain habang nakikinig sa usapan ng matatanda. "We'll, he's an air martial" saad ng ina ko. They are referring to my brother. He's an Air Martial.

"Oh, kaya pala. Bakit hindi niyo siya kasama ngayon? Where is he?"

"Nasa US, hindi ko alam kung makakauwi ba siya sa kasal ngayong linggo" nguya lang ako ng nguya hanggang sa maubos ko ito.

Kailan kaya uuwi si Kuya?

Bumuntong-hininga na lamag ako at tumayo. "Excuse me, may I urinate?" tumango lang ang mga ito. Bago pa man ako nakahakbang paalis, sinulyapan ko muna si Kajick. Nakatingin ito sa aking ngayon kaya dumeretso na ako sa CR.

Nang makapasok ako sa CR bumuntong-hininga ako saka ko hinugasan ang aking mga kamay. I'm not really going to urinate.

Pagkatapos kong hugasan ang aking mga kamay, I wiped it with the hand towel.

"Aray!"

Napadaing naman ako nang maramdaman kong may humila sa aking braso papasok sa isang cubicle. Nagulat na lamang ako nang lingunin ko ito.

"What the hell are you doing here?!" Inis kong sigaw at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang hilain nito ang aking balikat kaya mabilis akong napaharap sa kanya. "May kailangan ka? Why are you in the lady's bathroom? What do you want, huh?" Tanong ko kay Kajick. Seryoso lang ang mukha nito.

Hindi ito nagsasalita. "Wala kang sasabihin? Aalis na ako" saad ko at pataray ko itong tinalikuran. Nang makalabas ako sa bakanteng cubicle inayos ko ang aking damit.

Kakainis, bigla-bigla na lang manghihila, eh wala namang sasabihin.

"Wait"

Umangat ang aking kilay saka ako umikot upang harapin ito. He's really annoying as hell.

"What? Wala ka nanamang sasabihin? Stop wasting my time, will you?" Inis kong tanong rito saka ko pinagkrus ang aking mga braso.

"Bakit ka pumayag? We are fair that day" Bakas ang pagkainis sa boses nito.

"Wow, gano'n ka rin naman hindi ba? Pareho lang tayo. Sumunod lang naman tayo sa gusto nila" inis ko ring sagot rito.

"Oh, so where's the Spoiled Rhunzel? Nagtago ba? Is she afraid of your family? Tch" I gritted my teeth to hold my anger raising from nowhere.

"Yeah, yeah. So how about you? Pumayag ka rin naman hindi ba? Bakit? Nakatanggi ka ba gusto ng pamilya mo? Iyang nararamdaman mo ay 'yon ang siyang nararamdaman ko. Masyadong mataas 'yong pride mo to blame me this. Maski ako naghahanap rin ako ng paraan para hindi matuloy ang pisteng kasal na 'to. I would rather be poor than to marry a fvcking asshole like you!" Tumalikod na ako saka ako naglakad upang buksan ang pintuan. Bago pa man ako makalabas hinarap ko muna ito. "Not really LIKE you, but it's really YOU" diniinan ko yong dalawang salita saka ko ito iniwan na kung anong reaksyon sa mukha nito.

Wala na akong pake sa nararamdaman nito. Am I to blame? Napapansin kong high ang pride ng lalaking 'yon.

Bumuntong-hininga muna ako saka inayos ang aking sarili bago ako bumalik sa aming mesa. Ngumiti ako na parang walang nangyari at agad na umupo. "Where's my son? Hindi mo ba siya nakita nong lumabas ka mula sa banyo, hija?" Umiling-iling naman ako.

Iyong anak niyo po? He's annoying me, he's really a damn bastard prick!

"Mom, pwede na ba tayong umuwi?"

Sinulyapan ko ang kakarating lang na anak nito. Sinulyapan niya rin ako saka inayos ang kanyang suot na coat.

"Ahh, so. We're done discussing about this, Señor. We'll continue it tomorrow" saad ni Mr. Zarick at tumayo. Sumunod naman kami sa pagtayo at humarap sa pamilyang Eigenmann.

"Okay, pumunta na lang kayo sa kompanya ko kung may kailangan kayo, you can call me too. Pwede ring, tawagan niyo na lang 'tong mga anak ko" saad ni DaddyLo sabay turo kina mommy at daddy.

"Sure, Señor, we are glad to do that. Shall we head outside?"

Sabay kaming naglakad palabas ng resto. "Maraming salamat, Mr. and Mrs. Eigenmann, also to you Mrs. Rosales. Thank you for spending the night with us" sabat ni Daddy rito.

Ngumiti lang ako sa kanila, nangangawit na ang mga paa ko, gusto ko nang umupo o hindi kaya'y matulog.

"Sige, maraming salamat rin sa inyo" sagot naman ni Mrs. Eivy.

Palihim akong napabuntong-hininga at lumingon-lingon muna kung saan-saan. "Sige, saka na lang tayo mag-usap. Maraming salamat" nagsimula nanaman kaming maglakad patungo sa parking lot.

"I'll be heading first" paalam ko sa kanila saka ako tumakbo pasakay ng sasakyan kahit na nakasuot ako ng sapatos na may takong.

Inalis ko ang aking suot na sapatos at pianlitan ko ito ng tsinelas. Nakita ko naman ang aking pamilya na naglalakad papalapit sa aming sasakyan.

"Hija, bakit ang bilis mong umalis?" I bit my lower lips saka ako deretsong tumingin sa mga mata ni Mommy.

"Sadyang pagod lang po talaga ako. Inaantok na rin po ako" I answered as I faked my yawn.

Gumana naman 'yong pagpapanggap ko, narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni DaddyLo saka ito sumakay sa kotse.

Umidlip muna ako habang hinihintay kung kailan kami dadating sa aming bahay. Naramdaman kong huminto ang aming sasakyan kaya unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nandito na pala kami sa bahay. Walang emosyon akong lumabas ng sasakyan at dumeretso sa aking kama. Inaantok na talaga ako.

Nagbihis muna ako saka rin ako humiga ng kama.

Kajick's POV

Habang nasa biyahe kami, my mind is really occupied. I keep on thinking of what Rhunzel just told me earlier. She's right, I'm really an asshole.

I sighed as I drove my own car. Pinaun ko na ang aking mga magulang sa bahay. I'm going to the nearest bar with my friends.

Dumeretso na ako sa bar. I heard a very loud noises as a walk through the corridor. Pumasok na ako rito and I saw my friends with girls on their right arm. Pwera na lang kay Sky, Trayon and Wren. Sila lang naman 'yong hindi babaero.

"Dude!" Sigaw ni Treyton at halatang nandidiri sa babaeng katabi nito. He stood up and went on my way.

Tumango lang ako habang nasa aking bulsa ang isa kong kamay. Marami nang mga babae na sumalubong sa akin pero hindi ko ito pinansin. Tss, flirts.

"Dito!" Tawag ni Aziel while he was kissing the neck of the girl beside hide.

I feel gross. He can't even stick to one girl. Mabuti na lang at hindi niya ikakama ang mga babaeng 'yon.

Umupo ako at ininom 'yong alak na nakasalin sa kopita. Girls are all over me. "Ladies, I don't need you. Please go" kalma kong saad. Umalis rin naman ang mga babaeng 'yon.

"Sky, why don't you table some girls?" I heard Sky tsked as if he was annoyed. "Pare-pareho lang talaga kayo ni Trayon. Don't mention, Wren. He's already taken" natatawang saad ni Aziel.

"I don't need someone to flirt with me. I adore someone who can be my baby" seryosong sagot ni Sky at uminom ng alak.

Malokong tumawa naman si Treyton. "Sino ba 'yan? Maganda ba?" Nakakaloko pa itong ngumiti.

"Don't ask me that" sagot ni Sky.

"Bwahaha, hula ko. Panget 'yang nagustohan mo" humalakhak pa ng tawa si Treyton pero hindi na nag-abala pang sumagot si Sky.

"Hi, baby. I'm August" kumandong sa akin ang isang babae na pandak. She's not that short tho, hanggang balikat lang ata.

Uminom ako ng alak. "Please go away" nagmamatigas naman ito kaya tumayo ako dahilan nang bumagsak ito sa sahig.

Nagpipigil namang matawa ang aking mga kaibigan sa nakita nila ngayon. "Aray, baby naman eh" pagpapacute nito at tumayo saka kumandong nanaman ulit sa akin nang makaupo ako.

She's really hard-headed. What a flirty fling.

"Go away, okay? I don't need a fvcking clingy bitch!" Inis kong saad pero nagmamatigas nanaman ito kaya inis akong tumingin sa entablado. Maraming mga taong sumasayaw roon kaya tumingin ako sa babaeng nakakandong sa 'kin.

"Baby naman, eh. We can make love tonight. I'm free, I'm also ready to mingle" saad nito habang nakakagat sa kanyang labi saka niya naman ito dinilaan.

"No thanks. How can I make love with you, when I don't even love you" I smirked as I messed my hair.

"Prangka!"

"Boom, kawawa naman"

"Sapol!"

Saad ng mga kaibigan ko. Ininom ko ang aking alak saka ko nanaman ito muling sinalinan. Nakita ko kung paano mag-iba ang mukha ng August na 'to.

"Ang sakit no'n ha" nakanguso nitong saad.

"Masakit ba? Nasaan ang sugat?" Sabat naman ni Trayon habang nakatingin sa amin kaya napahalakhak ang aming mga kaibigan. Napailing na lamang ako and I chuckled.

"Miss August, kung ayaw mong pagtawanan ka ng mga kaibigan ko, please don't push yourself to me. Hindi ko gustong magtaksil" paliwanag ko rito.

Yumuko ako nang marinig ko ang sinabi ko. I already did.

"Bakit? Masama bang magkagusto sa taong kagaya mo?" Inis ko naman itong tinulak papalayo sa akin saka ko hinugot ang wallet ko.

"You want my money, right? You want this? There, you can leave" linahad ko rito ang makapal na pera.

They worked as a prostitute to gain money. Iyan, binigay ko na sa kanya ang kanyang gusto. I don't want to have s*x with her.

- - - -

Rhunzel's POV

"Bakla, bar tayo" saad ko kay Vincenzo. Kasalukuyan itong nagbukas sa kanyang shop.

Masyado pang maaga kaya dito muna ako makakape ngayon.

"Bar? Shokla, nahihibang ka na ba? Ang aga-aga, bar kaagad ang pumasok sa isipan mo?" Gulat nitong tanong saka niya pinasok sa kanyang bulsa ang susi ng café.

"Sinabi ko bang bar? Ang ibig kong sabihin ay BBQ" kumunot naman ang noo nito.

"O-Oo nga, 'yon nga rin ang ibig kong sabihin" nakasimangot naman akong pumasok sa café. Pabagsak akong umupo sa upuan na nasa harapan ng counter.

"Tara na, kain tayo ng BBQ. Nagugutom na ako" nakanguso kong saad saka uminom ng kape na binigay nito sa 'kin.

"Ano?! Hindi ka pala kumain sa bahay niyo? Kaloka, ang yaman-yaman, tapos hindi kumakain"

Napairap naman ako. "Bilisan mo na, kung ayaw mong ipapasara ko 'tong café mo" I blackmailed him. Hindi ko naman talaga 'yon gagawin sa kanya.

"Oo, ito na nga. Kaloka ka, shokla" nag-iinarte naman ito kaya padabog akong tumayo at nauna nang lumabas mula sa café nito.

"Tara na, maglalakad lang tayo" saad ko and I threw my keys inside my car na nasa garage ng café. Dalawang kotse lang ang makakasya sa garaheng 'to, iyong isang sasakyan ay kay Bakla at 'yong isa nama'y sa 'kin.

We always shared things. Except na nga lang sa mga bagay na gagamiting pampersonal, like undies. Hindi naman siya nagsusuot ng panties.

Kahit bakla 'yon, hindi niya kayang magsuot ng mga pambabae. I'm his supporter. Palagi ko siyang sinusuportahan sa kung ano mang magandang desisyon ng baklang 'yon.

Minsan nama'y nagiging provider na rin ako sa mga bagay na kailangan niya. He's really one of a kind.

"Shokla, ang init-init tapos napagisipan mo pang maglakad?" Reklamo nito at ginamit na pamaypay ang kanang kamay nito habang sapo-sapo ang kanyang noo gamit ang isa pang kamay nito.

"Huwag kang OA, hindi ka naman matutunaw" sagot ko rito.

"Ang init. Sayang 'yong Ph Care na ginamit ko" napatingin pa ito sa kanyang namumulang balat.

"Ano?! Ph Care ang ginamit mong lotion?!"

Putragis na bakla...

"Oo, bakit? Diba lotion naman talaga 'yong Ph Care?" Nakangiti nitong saad habang haplos-haplos ang namumulang balat nito.

"Jusmiyo marimar, nawa'y patawarin ka sanang bakla ka. Kailan pa naging lotion ang Ph Care?" Pinipigilan ko ang aking sarili na matawa sa kahibangan na ginawa ng baklang ito. Kaya pala nangangamoy Ph Care

"Kailan naging lotion? Hindi ko matandaan eh. Kailan nga ba?" Natampal ko naman ang aking noo.

Jusmiyo marimar, patawarin niyo si bakla. Makasalanan man ang baklang ito, huwag niyo muna siyang kunin mundong ito.

"Pfft, bahala ka na sa buhay mo. Hahaba talaga 'yang balahibo sa buong katawan mo"

"Bakit? Para saan ba 'yang Ph Care? Diba lotion 'yon?" I don't know what to say. Natatameme ako sa gagong baklang ito.

"Para 'yan sa ilalim ng babae" saad ko rito.

"Ilalim? Patingin nga, may ilalim pala kayo? Saan?" Saad nito yuyuko na sana ito, bigla ko namang hinila ang buhok nito paharap sa 'kin.

"Gusto mo malaman kung saan ang ilalim na tinutukoy ko? Iyong basket ng mga babae" mas lalong kumunot ang noo nito kaya napabuntong-hininga ako.

"Basket? Saan 'yan? Patingin na nga lang kasi" pagpupumilit pa nito.

Aba, bastos rin ang bakla...

"Iyong ring sa basketball, doon i-sho-shoot ang bola"

"Ring sa basketball? May ring ng basketball diyan sa ibaba mo?" Tanong nito at binaling-baling ang kanyang tingin sa akin at sa ilalim na kung saan-saan ito tumitingin.

"Kung saan ka lumabas. Doon dapat iyon hinuhugas" parang nakuha naman nito ang aking ibig sabihin kaya tumango-tango ito. "Gora na" ani ko rito.

"Beh, ang init. Iitim ako"

"Hindi ka naman maputi" nauna na akong maglakad rito kahit na tirik na tirik ang araw. Mabuti na lang at sumunod ang bakla sa akin.

Masyadong maalikabok kaya sinuot ko muna ang dala kong sunglasses at mask.

"Hoy, babae. Kaya pala gusto mong maglakad dahil may face mask ka" mahina naman akong natawa.

"Bakit? Kakalimutan ba kita?" Kinuha ko 'yong isa ko pang face mask saka ko ito linahad sa kanya.

"Ay, girl scout ang peg" ngumiti lang ako.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa dumating kami sa tindahan ng BBQ.

Wahh, BBQ here I come!

"Ate, pabili po. Sampong isaw saka ito pong pork, sampo rin po 'yong pork" nakangiti kong saad kay Manang Jaya.

"Hija, mabuti naman at bumisita kayo ulit rito. Pasensya ka na, ubus na ang isaw" bigla naman ako nakaramdam ng lungkot.

Kaya nga ako pumunta rito dahil sa isaw na 'yan eh.

"Bakit po?"

"Naubus na ng mga lalaki kanina" tumango na lamang ako.

"Bente na lang po 'yong pork" saad ko at tumakbo patungo sa bakanteng upuan. Sumunod naman sa akin si Bakla.

"Kaloka, ang init-init. Ano raw sabi ni Manang Jaya?" Inayos ko muna ang buhok ni Vincenzo dahil madyo naging messy ito.

"Ubus na ang isaw" sagot ko. I comb his hair with my fingers. "There you go. Maayos na" ani ko.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid. Dumako ang aking tingin sa isang grupo ng mga lalaki.

Holy BBQ!..

Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka tumingin na lamang sa aking kaharap. Nandyan pala ang lalaking iyan.

"Anong nangyari, shokla?" Tanong nito.

Lumapit ako sa tenga nito. "Nandyan sila" bulong ko.

"Sinong sila?" I secretly pointed the group of men's kaya lumingon rin siya doon.

"Oh my gosh! Ang mga papi ko!" Mahinang tili nito habang namumula ang mukha sa kilig na kanyang nararamdaman.

"Tahimik ka lang" bulong ko rito.

"Nasaan si Baby Sky ko?" Tanong nito. Nagkibit-balikat naman ako.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Tanongin mo sila" saad ko pa.

"Nasaan ang papangasawahin mo?" I secretly pointed again the man who was facing our direction.

Oo, nakatingin siya sa gawi namin, nakita ko pa ang pagkunot ng noo nito.

"Ang gwapo, ang hot niya ha. Yummy" nandidiri naman ako habang nakikinig sa sinasabi ni bakla.

Hindi ako umimik at tinalikuran ko sila habang nakaupo. Jusmiyo, kinakabahan ako. Akalain mo, dito pala kami magkikita.

"Beh, tignan mo, nakatingin sa atin si papi Kajick. Ang hot niya ha, ang init" kinikilig nitong saad pero hindi ko pa rin iyo pinapansin.

Ayaw ko, nandito rin pala ang mga kaibigan nito. "Kilabutan ka naman, bakla" inis kong suway rito at mahinang hinampas ang mesa. "Huwag kang tumingin sa kanila" bulong ko.

"Bakit?"

"Just don't!" Napalakas ang pagkasabi ko niyon kaya napapansin kong nakatingin sa amin ang mga tao.

Palihim kong sinulyapan ang gawi nina Kajick. Pati na rin ang mga kaibigan nito ay napatingin sa amin, mabuti na lang at mabilis rin itong nag-iwas ng tingin maliban na nga lang kay Kajick na kanina pa nakatingin sa amin. Wrong move, Rhunzel.

Wrong MOVE!