webnovel

CHAPTER 23

YUL

Humalik ako nang marahan sa noo ni Stella. Hinahaplos- haplos ko ang kanyang mahabang buhok habang tinititigan ang mukhang mahimbing na natutulog. I was looking forward for one steamy lovemaking tonight pero eto't tinulugan ako ng girlfriend ko.

Nagsisisi ako kung bakit sumang-ayon ako sa idea niyang magbarbecue dinner ang grupo sa tabi ng pool. Nagkasarapan ng kwentuhan at inuman. Nakaubos siya nang isa't kalahating bote ng wine. Although sanay siyang uminom ng wine pero kontrolado lagi. Ngayon lang siya uminom nang ganun kadami. Kinailangan ko pa siyang buhatin hanggang kwarto dahil sa matinding kalasingan.

Lahat ay maraming nainom maliban kay Jewel. Siya kasi ang naging abala sa pagba-barbecue. Hindi ko malaman kung sadyang sinisipag siya o umiiwas lang talaga sa alak. Nakaubos lang siya ng isa o dalawang baso ng wine. Sa tatlong sekretarya siya lang ang bumalik sa kwartong tuwid maglakad. Si Luigi ay parang hindi naman tinamaan palibhasa sanay na sanay na ang katawan sa alak. Ako naman ay medyo nahilo lang nang ilang sandali but after drinking a bottle of water, medyo normal na ulit ang mga paningin ko.

Ilang sandali ko pang tinitigan ang aking girlfriend. Hindi pa rin ako nagsasawa sa ganda niya. Wala sa tamang katinuan ang lalaking titingin pa sa iba kung may girlfriend ng katulad niya. Natutuwa ako lately na hindi na siya gaanong nagiging selosa. Marahil ay kumpiyansa na rin siyang hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino. Naging palangiti at madaldal na rin. May mga pagkakataong hindi na siya masyadong concious sa poise niya. Gaya kanina wala siyang ginawa kundi tumawa lang ng tumawa kahit sa mga mababaw na jokes nina Jewel at Luigi.

Maingat akong bumangon sa kama at kinumutan siya. Hindi pa ako inaantok kaya nagbukas ako ng laptop para basahin ang speech ko para bukas. Ngayon ko pa lang ito pag-aaralan at eedit kung kinakailangan. Mabuti pa nga ang sekretarya ko at mukhang saulado na sapagkat habang nagbabarbecue ay naririnig kong nagrerecite nang mahina kanina. Pag may nagustuhan talaga yung gawin ay sineseryoso at pinaninindigan.

May narinig akong katok. Dali-dali akong tumayo bago pa maistorbo ang pagtulog ni Stella. Wala akong naging reaksiyon nang bumungad sa akin si Luigi. He's holding two glasses and a bottle of whiskey in his hands.

"Nabitin ako sa inom natin kanina. 'Wanna join me?" ngisi niya.

Nilingon ko ang natutulog kong kasama. "Stella is sleeping. I can't leave her alone."

"Come on! Hindi na siya bata para bantayan mo pa habang natutulog."

"I can't," tanggi ko pa rin.

May nakikiusap na mga matang tiningnan niya ako. "Tol, ngayon lang tayo mag-iinuman nang tayong dalawa lang. For good old times sake, huwag mo naman akong tanggihan."

Napaisip ako. I'm surprised to hear na may halaga rin pala sa kanya kahit papaano ang good old times na tinutukoy niya.

"Okay," I sighed. Siguro ay magandang pagkakataon na rin ito upang magkausap kami nang seryoso.

Nag-inuman kami sa balkonahe kung saan may preskong hangin at tanaw namin ang payapang swimming pool. He is the one who poured first to my glass and in return, sinalinan ko rin ng alak ang baso niya.

"Cheers," taas niya sa baso.

"Cheers," sagot ko.

We both emptied the glass in one shot. At sabay rin kaming napabuga ng hinga.

"Kumusta ang pagbisita mo kanina sa venue ng event?" I asked.

"Okay naman. May mga pinabago lang akong minor details. Over all the whole concept is impressive. Magaling ang mga organizers natin dito."

Naninibago pa rin ang tenga ko na makarinig nang makabuluhang sagot mula sa kanya. "Let me ask you one last time. Are you really taking your job seriously this time."

He poured alcohol in his glass. Uminom siya at tumingin nang diretso sa mga mata ko.

"Yes," ubod nang seryosong anas niya.

Kahit matagal naging malayo ang loob namin sa isa't isa, I can still tell whether he's lying or not. At sa pagkakataong ito, nagsasabi siya nang totoo.

"May I know the reason why?"

He laughed briefly. "Hindi ko rin alam. I just woke up one day and I realized na sawa na ako sa gimik, babae at lakwatsa. I want to treat life differently this time. Sabi ko sa sarili ko bakit hindi ko naman subukang gawin ulit ang mga bagay na matagal ko nang iniiwasang gawin."

Dinampot ko ang bote at nagsalin sa aking baso. "Ginagawa mo ba yan para sa sarili mo o dahil may outside factor na nag-uudyok sayong gawin yan?"

"Both." Nagsindi siya ng sigarilyo. Humitit at iniwas ang pagbuga ng usok sa akin.

Natigilan ako at ilang sandali muna bago ko nailapag ang whiskey. My intuition is working. "Ano ang factor na yun?" seryosong tanong ko.

"You won't get angry?"

"I won't as long as you're being honest with me now."

Humitit muna siya saka inapakan ang upos ng sigarilyo. "It's Jewel."

"Why her?"Tiim bagang tugon ko. Hindi na ako nasurpresa sa sagot niya. "Sa dinami-dami ng mga babaeng nakilala mo, bakit siya pa?"

"I can't explain everything. Basta akala ko nung una, it's just a mere attraction. But the more I interact with her, the more na nagiging seryoso ang nararamdaman ko sa kanya. She's the right person I've been waiting my whole life. Ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Nung gabing inalagaan niya ako dahil sa sobrang kalasingan ko, I realized that she the type of woman who won't leave your side even at your worst time."

Medyo nasaktan dun ang pride ko. She'll stay even at his worst when she left me at my best? Napataqa na lang ako sa aking sarili. I grabbed the cigarette pack at wala sa oras na napasindi ako ng sigarilyo.

"I'm already in love with her," he added.

Muli akong uminom. "How can you say that so carelessly? Hindi mo pa nga kilala ang buong pagkatao niya."

"Darating din ako diyan. I'm not in a hurry. Ang importante ay unti-unti ko siyang nakikilala sa bawat sandaling nakakasama ko siya."

Reality suddenly hits me. Paano pag nalaman niya ang tungkol sa sekreto namin? I'm beginning to feel the fear I'm feeling the same way with Stella. "Can you wait a little more time? Maybe six months or perhaps a year?" kumbinsi ko. "Let's see if until then ay ganyan pa rin ang nararamdaman mo sa kanya, ako mismo ang tutulong sayo sa sekretarya ko."

Tumawa lang siya. "Hindi rin naman ako nagmamadali but I don't have time table too. I'm planning to take things one at a time. Hindi ang nararamdaman ko ang importante ngayon kundi kung ano ang nararamdaman ni Jewel. She's not ready yet kaya pinipili kong sarilinin muna ang lahat. As of now I want to be a good person she can be proud of. I want to earn her love so badly kaya lahat ay gagawin ko para mahalin niya rin ako."

Hindi ako nakaimik. His sincerity is making me speechless. Pinatay ko ang sigarilyo matapos ang tatlong hithit. I'm not really a smoker. Uminom ulit ako to remove the nicotine in my tastebuds.

"Magpapaalam na ako in advance sayo. Sooner or later liligawan ko na nang seryoso ang sekretarya mo," he chuckled.

Tumawa ako nang mahina. "Basta hindi sa oras ng trabaho."

A part of myself is still objecting pero palalampasin ko pa ba ang napakatagal na pagkakataong hinintay ko? Ang pagbabalik ng dating Luigi na nakilala ko. Kung si Jewel ang kasagutan para bumalik ang bestfriend ko then so be it. Huwag lang sanang mangyari ang kinatatakutan ko na may masasaktan sa bandang dulo. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad kay Jewel for sacrificing her for the sake of my cousin.

"Paano pag may nalaman kang hindi maganda sa nakaraan niya? Tatanggapin ko mo pa rin ba siya?" I asked.

"Tatanggapin ko siya kahit ano pa siya dati. Kahit may anak siya o nagkaasawa na."

Natulala ako sa sagot niya. Mukhang tinamaan na nga ang loko.

"Cheers," ako naman ang nagtaas ng baso.

"Cheers."

Pagkababa ng baso. Sabay kaming bumuntong hininga nang malalim. Lumingon ako sa pool. Bigla akong hindi nakakibo nang matanaw ang isang babaeng nakatayo sa tabi nito.

She's wearing a two piece black bikini that reveals a perfectly curved body. Hindi siya palasuot ng hapit kaya nagulat ako sa katawang nakikita ko. She raised her arms and the shape of her well-rounded bosom were emphasized. She untied her hair and waved her long hair into the air. She plunged into the water and even the splash creates seductive sound to my ear.

She gently swims and does a beautiful breaststroke. Kumurap ako. Nilingon ko ang aking kasama na nakatitig rin pala sa swimming pool.

I cleared my throat. Nagkatinginan kami ni Luigi at nagpakiramdaman. Balak kong sabihing lumipat kami ng pwesto. If she knew we could see her, she'll definitely get out of the water and go back to her room right away. I want her to enjoy her private moment.

"Lipat tayo. Tiyak na titigil yan kapag nalamang nakikita natin siya," Luigi said. Di na ako nakapagsalita. Pati ba naman sa iniisip ko ay nauunahan niya na ako.

JEWEL

"Jewel halika na!" Lorraine shouted.

"Kayo na lang! Okay na ako dito!" sagot ko.

Umayos ako ng higa sa poolside bench. Nagsuot ako ng sunglasses at pumikit. Everyone is enjoying the water habang ako naman ay ineenjoy lang ang fresh air and morning sun in my white off-should romper shorts.

They can enjoy swimming as much as they can basta ako nagsawa na sa kakalangoy kagabi. Buti na lang lasing silang lahat kaya finally nagkaroon ako ng moment mapag-isa. Isa pa naliligo din ngayon sina Sir Yul at Sir Luigi. I'm not comfortable wearing bikini when there's men around.

Sir Luigi suddenly blocked my sun. "Hindi ka ba talaga maliligo? Ito na yung huling oras natin para mag-enjoy.Mamaya busy na ulit para sa party at bukas nang maaga ay pabalik na tayong Manila."

Hinubad ko ang sunglasses at naupo. He walks in front of me, making me avert my eyes momentarily to his half naked body. Ano bang meron sa genes nila at parang lahat may mga nakaukit na pandesal sa tiyan? Naupo siya sa katabing bench. He grabbed a towel and briefly wiped his dripping hair.

"Siguro di ka marunong lumangoy kaya takot kang maligo," dagdag niya.

Pinamilugan ko siya ng mga mata. "Naku ha! Sir marunong akong lumangoy," depensa ko.

"Eh kung ganun ba't hindi pa kita nakikitang naligo simula nang dumating tayo dito?"

Napalunok ako. "Ah ano kasi..." nakita ko ang papel ng speech. "Nagsasaulo pa ako!"

Tatawa-tawang itinukod niya ang kamay sa bench and slightly leaned backward. "Puro ka na lang trabaho baka mamaya maunahan mo pa akong mapromote," sambit niya.

Di sinasadyang napatingin ako sa peklat niya sa dibdib. Medyo nakungkot ako dahila naalala ko na naman ang kinuwento ni Sir Yul. "Does it still hurt?" seryosong tanong ko.

"Alin?" Napansin niyang nakatingin ako sa dibdib niya. Humawak siya dito. "Hindi na. Nasasaktan lang to kapag hindi mo pinagbibigyan ang mga kahilingan ko. Gaya ngayon. Aray ang sakit!" kunway ngumiwi siya.

"Sir puro ka naman biro eh!"

Kumunot ang noo niya at bahagyang nagseryoso. "Did you happen to hear about my story too?"

Marahang tumango ako. "Naikuwento ho sa akin ni Sir Yul."

"That's strange. He's not the type of boss who will talk about family matter to his employees." He gave me a suspicious look. "Don't tell me may tinatago kayong relasyon ng pinsan ko?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Sir sobra ka ha! Hindi totoo yan!"

Tumawa siya. "Siyempre hindi mangyayari yun dahil mahal na mahal nun si Stella."

"Kaya nga! Huwag niyo na hong sasabihin ulit yun baka may makarinig sa inyo."

"I'm just kidding. Nakakapagtaka lang naman na parang pagdating sayo ay laging may nilalabag na prinsipyo yang pinsan ko."

"Eh kaya lang naman siya napakwento dahil dun sa nakita kong picture niyo sa unit mo sa CGC. Nagtataka ako kung bakit parang close na close kayo dati tapos ngayon naman ay parang lagi kayong nagbabangayan."

Tumawa lang siya sabay bumaling ng tingin sa ibang direksiyon.

"Eh sir bakit nga ba malaki ang pinagbago niyo? Sabi ni Sir Yul mas matino ka pa raw sa kanya dati." Sa wakas naitanong ko na rin ang bagay na madalas kong pinagtatakhan.

He sighed and twitched his lips. "Matino lang ako nun dahil takot ako sa mga magulang ko at lalong-lalo na sa sasabihin ng lolo ko. But after my near death experience, I realized that death could come to you anytime so why not live your life to the fullest. I got out of my comfort zone and explored things I might enjoy more. Gusto kong maging malaya so I broke my family rules and I even sacrificed my friendship with him." He looked at his cousin na nagbababad rin sa tubig katabi ng girlfriend. "But now I can tell I explored and enjoyed enough the freedom I wanted. I think it's time for me to become more responsible man while still enjoying life at the same time."

"Agree ako diyan sir!" napapathumbs up na wika ko. Kung totoo nga ang sinabi niya, natutuwa ako para kay Sir Yul. Sa wakas mababawasan na siya ng isang malaking isipin.

"Isa pa nagsasawa na rin ang tenga ko sa sermon ni Yul. Kahit panay away niyan sa akin, alam ko namang mahal na mahal ako niyan eh," ngingiti-ngiting pahayag niya.

"Tama kayo diyan sir!"

Muli niya akong nilingon. "Ano hindi ka ba talaga maliligo?"

"Hindi po talaga sir," mabilis na sagot ko.

"Okay sige balik na ako sa kanila. I want to enjoy this moment because later on I'll be a responsible department head already," may pagmamalaking tono niya.

"Sige sir enjoy." I waved.

Tumayo siya at kalmadong naglakad pabalik ng pool. Ako naman ay nahiga ulit nang may mas magaang pakiramdam. I'm about to close my eyes pero nakita kong bumabalik papunta sa akin si Sir Luigi. Mabilis ang kanyang mga hakbang. Ngumisi siya at sa di alam na kadahilan ay unti-unti akong kinabahan. Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat sa kanyang mga braso nang wala man lang pasabi.

"Sir bitawan niyo ako!" palag ko.

Tatawa-tawa lang siya.

"Sir ano ba! Ibaba niyo ako please!" Sinuntok ko siya sa dibdib.

Hindi siya nakinig. Walang pag-aalinlangang itinapon niya ako nang malakas sa tubig.

Lumubog ako nang ilang segundo. Sisinghap-singhap akong tumayo. "I hate you Sir Luigi!" pikon na pikong sigaw ko habang nagtatawanan silang lahat.

Tumalon sa tubig si Sir Luigi. Hindi pa nakuntento sa ginawa at aba'y walang tigil pa akong sinasabuyan ng tubig. "SIR ANOOO BA!"

Dinig na dinig ko ang mga hagikhik nina Lorraine at Gina. Hindi pwede ito kailangang makaganti ako! Sa kabila nang walang tigil na pagwisik sa akin ng tubig, pinilit kong magmulat ng mga mata. Gigil na gigil akong lumapit kay Sir Luigi. Pumunta ako sa likuran niya at hinawakan ang kanyang mga balikat. I put all my effort to push him down kahit pa sakyan na ng mga hita ko ang balikat niya.

Tuwang-tuwa ako nang nailubog ko din pati ulo niya. I didn't want to stop not until I realize Sir Yul is watching us. Dali- dali akong umalis sa pagkakasakay sa balikat ni Sir Luigi. Siya naman ngayon ang sisinghap-singhap. I quickly splashed water to his face hanggang sa natatawa na ako.

Akala ko sasamaan naman ako ng tingin ni Sir Yul pero di inaasahang nakita ko rin siyang tumatawa. His laughter is a sign that he's allowing me to have fun. Dahil dito ay binalak kong makipagsabuyan pa ng tubig kay Sir Luigi pero nataranta ako nang makita siyang papalapit sa akin.

"You're dead!"

Nagpapanik na tumakbo ako sa tubig papalayo sa kanya habang tumatawa. When I reached the edge of the pool, mabilis akong umahon sabay nagtatakbo sa gilid. "Ayoko na! Ayoko na!" tawang-tawang sigaw ko.

Nasa gilid ng pool sina Sir Yul at tumatawa rin habang tinitingnan ang pagtakbo ko. Nang mapadaan ako sa kanya bigla niyang hinawakan ang isa kong paa sabay hablot sa aking kamay at walang awang hinila ako pabalik ng tubig.

Lumubog na naman ako ng ilang sandali."Suko na ako! Suko na!" sigaw ko pagkaangat sa tubig. Naubo ako dahil nakainom ako ng rubig. "Ang daya dapat walang kampihan! Walang pinsan-pinsan!"medyo pikon na ulit na sigaw ko.

Tinaktak ko ang aking tenga at tiningnan nang ubod nang sama si Sir Yul. Ngunit sa halip na makonsensiya ay humagalpak pa siya ng tawa. Magpinsan nga sila! Parehas magaling mang-asar!