webnovel

CHAPTER 17

JEWEL

Nagliligpit na ako ng aking mesa. It's only 6:00 pm. Today is one of those rare days na makakauwi ako nang maaga. Lorraine and Joanna left ten minutes ago. Si Ma'am Nora naman ay may sakit pa rin. Two days na siyang nakaconfine sa hospital dahil nagpositive sa dengue. After dito sa office ay dadalaw muna ako sa kanya baka hindi na ako makadalaw kapag magkaroon na naman ako nang sunud-sunod na overtime.

Nakita ko si Sir Yul na lumalabas nang kanyang opisina. Saglit muna akong sumilip sa pintuan upang magpaalam.

"Bye sir," yukod ko habang nakahawak sa pinto ng aming silid.

"Bye. Ikaw anong oras ka uuwi?" kaswal na tugon niya.

"Paalis na rin po. Nag-aayos na lang ng gamit," ngiti ko.

"Okay."

Tiningnan ko siya habang lumalayo. bago lumiko patungong elevator, muli siyang lumingon. "Huwag ka nang magtagal diyan. Umuwi ka na," paalala niya.

"Yes sir. In five minutes alis na po ako. Bye! Ingat po sa pag-uwi," may lambing na saad ko sabay kaway.

He nodded and smiled.

Excited akong bumalik sa mesa ko. Nagretouch ako sandali. Pinulbuson ang medyo oily kung ilong. I am in a very good mood dahil minsan lang mangyari na may magagawa pa ako after office na hindi work related. Ano kaya ang magandang dalhin kay Ma'am Nora? Flowers or fruits?

"Jewel!"

Bumungad si Claire sa pintuan. She's an employee from the marketing team of beauty products department. Humahangos na lumapit siya sa akin.

I quickly closed the compact mirror and gave her my attention. "Bakit Ms Claire?"

"Nakaalis na ba si Sir Yul?"

"Kakaalis lang."

"Naku sayang! May ihahabol sana akong papipirmahan," dismayadong wika niya at pagkuway inilapag ang folder na bitbit sa aking mesa.

"Is it urgent?" tanong ko.

"Medyo pero kung imposible nang mapirmahan ngayon kahit bukas na lang nang maaga."

Mabilisang inilagay ko ang aking mga gamit sa bag. Sinukbit ko ito sabay dampot ng folder. "Try kong habulin sa parking baka maabutan ko pa," ganadong wika ko.

"Naku salamat Jewel! Pwedeng pahatid na lang sa office namin if ever mapirmahan niya rin ngayon?"

"Okay no problem."

"Thank you."

Nagmadali akong lumabas at patakbong nagtungo sa elevator. Laking tuwa ko nang matanaw agad sa parking ang sasakyan ni Sir Yul. Nagkakaway ako habang patakbong lumalapit.

"Sir! Sir! Teka lang!"

Biglang bagsak nang mga balikat ko nang makalapit sa sasakyan. Wala pala ni isang sakay. Asan kaya si Sir? Baka dumaan pa sa ibang departamento. Wala rin si Alfred. Siguro nasa lobby pa. Inakap ko ang folder at kalmadong tumayo sa tabi ng sasakyan. Maghihintay na lang ako baka maya-maya lang ay naririto na sila.

May dumating na kotse. Pumarada iyon sa bakanteng parking na may isang sasakyan lang na pagitan mula sa kotse ni sir. Bumaba ang driver na isang seksi at magandang babae. Galit ang hitsura at pabulagsak na sinarado nito ang pinto. Umikot siya sa sasakyan at tumungo sa kabilang pinto.

"HOW DARE YOU!!! YOU WERE FLIRTING WITH ME THE WHOLE TIME PARA IPAGDRIVE KA LANG PALA PAUWI! YOU INVITED ME TO YOUR PLACE PARA TULUGAN LANG AKO!!! HOY LUIGI GUMISING KA DIYAN!!!"

Nagulat ako sa biglaang pagsisigaw ng babae.

"HEY LUIGI WAKE UP!!!" She slammed the door again.

Galit na galit na naglakad patungo sa elevator ang babae. May binato siyang maliit na bagay sa sahig. Nang makasakay siya ng elevator, hindi ko napigilang mang-usisa. Nilapitan ko ang bagay na ibinato niya at dinampot ito. Susi ito ng sasakyan. Lumapit ako sa kotseng pinanggalingan niya. Nakita ko si Sir Luigi na natutulog sa unahang upuan. Mukhang lasing na lasing.

I knocked on the window. Sa una ay dahan-dahan lamang pero nang hindi pa rin siya gumagalaw ay nilakasan ko na. Ayaw magising kahit halos mabasag na ang bintana sa ilang beses na pagkatok ko. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock ito. I used the car key to unlock it.

"Sir Luigi!Sir Luigi gising ho!"

Ang himbing pa rin ng tulog niya. Ibang klase rin talaga ang taong ito. Papagabi pa lang ay langong-lango na agad sa alak. Hindi ba to nagtrabaho ngayon?

"SIR LUIGI!" Niyugyog ko siya.

He still won't respond. Unti-unti na akong kinabahan. I touched the pulse on his neck. May pulso naman. I checked the pulse on his wrist. Meron din. Hinawakan ko ang kanyang dibdib, normal din ang tibok ng puso.

"Uhmmm..."

Natigilan ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay na nakahawak sa kanyang dibdib. He slowly opened his eyes. I feel a huge sigh of relief to confirm that he's completely alive.

"Sir Luigi, okay lang po ba kayo?"

Tumingin siya sa akin nang may namumungay na mga mata. He's really very drank at mukhang di niya ako nakikilala. Binitawan niya ang aking kamay. Lumabas siya ng sasakyan at hinawi ako. Muntik pa akong ma out of balance. Gegewang- gewang siyang naglakad patungo sa elevator. Pero sa halip na sumakay ay naupo siya sa tabi nito at muling natulog.

I put the folder and key in my bag at nilapitan ko ulit siya. Pinindot ko ang up button ng elevator. Muli ko siyang ginising. Nang magbukas ang pinto ng elevator, sinubukan ko siyang buhatin. Buti na lamang ay nagising ulit siya. Kusa siyang tumayo pero hindi na muling gumalaw. I pushed him inside the lift. Sumakay din ako.

I have no idea what floor to press buti na lang pumindot siya. He pressed the 20th floor. Pagkatapos ay muli siyang naupo at natulog. The door opened. Sinubukan ko ulit siyang buhatin. I lifted his shoulders but luckily he stood up on his own again. Lumabas siya ng elevator at sinundan ko ulit siya. Susuray-suray siyang naglakad sa pasilyo. Tumigil siya harap ng pinto ng isang corner unit. He pressed his thumb on a safety lock beside the door. Nagbukas ang pintuan. I am relieved that he found the correct unit. Iiwanan ko na sana siya pero laking gulat ko nang bigla siyang nahiga sa sahig. Kalahati ng katawan niya ang nakalabas sa pintuan. Nagtatalo ang isip ko kung hahayaan ko na lang ba siyang nakaganoon na lamang tutal nasa unit niya naman siya. Hindi pa rin ako nakatiis. The floor is cold, paano kung magkasakit siya?

Lakas loob akong pumasok sa pintuan niya. It was a huge unit. Nakita ko agad ang malaking higaan. Yung mismong unit ay mistulang isang napakalaking kuwarto na. Hinawakan ko ang mga balikat niya at hinila siya patungo sa kama. Sobrang hirap na hirap ako dahil napakabigat niya. Sa tingin ko ay di ko kakayaning hilahin siya hanggang sa kama.

Binitawan ko siya. Suko na ako. At least umabot na sa may carpet ang katawan niya kaya siguro ay pwede na siyang matulog dito. I'm about to leave pero bigla siyang bumangon. Pumunta sa CR leaving the door open. Umakap siya sa bowl at walang humpay na nagsusuka.

Nataranta ako. Wala sa sariling sinundan ko na naman siya sa banyo.

"Sir Luigi are you alright?" I keep tapping his back. Ano bang ininom niya para malasing siya nang ganito? He won't stop vomiting. Feeling ko ay ako na ang nasasaktan para sa sikmura niya. Tumawag na kaya ako ng doktor? Tawagan ko na kaya si Sir Yul?

Tumigil din ang pagsusuka niya. Nagawa niya pa ngang i-flush ang inidoro. Nakaupong sumandal siya sa dingding nang nanghihina at nanunuyo ang mga labi. Lumabas ako ng banyo at ikinuha siya nang tubig.

"Sir inom po muna kayo," maingat na sabi ko.

Uminom naman siya ngunit ilang segundo lamang ay nakatulog ulit. Inusisa kong maiigi ang hitsura niya. He's too wasted pero sa tingin ko ay pwede ko na talaga siyang iwan. Lumabas ako ng banyo at inilapag sa nasa gilid na table top ang baso. Mabilisang iginala ko muna ang aking mga paningin bago lumabas. Nakita ko ang tatlong picture frames sa console table. Walang ingay ang mga paang lumapit ako dito. Isa sa mga larawan ay kuha nila ni Sir Yul nung teenagers pa lamang sila. Magkaakbay at parehas may malalapad na mga ngiti. Close pala sila nung mga kabataan nila. Ano kayang nangyari at naging magkaaway silang mortal ngayon? Nakuha rin ang atensiyon ko ng isang family pictures. Sir Luigi is also an only child like me.

YUL

I changed into my casual clothes before going to the hospital. May oras pa naman kaya nagbihis ako kesa naka suit pa akong dadalaw kay Nora. I calmly closed my door. Pagharap ko sa katapat na unit , di makapaniwala ang mga mata ko sa nakikita. Lumalabas dito si Jewel. She is slowly closing the door while tip toeing.

Nagtagpo agad ang aking mga kilay. Mabilis akong lumapit at pinigilan ng isang kamay ang pagsasara ng pintuan. Napaiktad si Jewel.

"Ay Sir Yul! Ikaw pala yan? Bat andito kayo?"

Tinaasan ko siya ng kilay at tinitigan siya nang may nangangalit na mga panga. Sa halip na pansinin niya ang galit na reaksiyon ko ay napapatangang tumingin siya sa pinto ng aking unit at pagkuway tumingin sa pinto ni Luigi.

"Magkatapat lang ho ba ang unit niyo?" natural na wika niya.

I ignored her question. "What were you doing in Luigi's unit?" I asked instead.

"Ah inalalayan ko lang po si Sir Luigi kasi lasing na lasing. Nakita ko siya kanina na natutulog sa may parking lot. Sinundan ko sana kayo kanina sa parking dahil may papipirmahan po ako. Ah andito dala ko pa-"

I pushed the door. Walang pag-aalinlangang pumasok ako sa unit ng aking pinsan. I'm dying to confirm if she's telling the truth.

I see Luigi on his bed sleeping soundly with open arms. I'm about to believe Jewel but I began doubting her again when I notice the unbuttoned long sleeve shirt of my cousin.

"Huh bat andiyan na si Sir Luigi? Kanina nasa CR lang siya. Kakaiba po pala siya pag nalalasing, natutulog na lang basta- basta tapos nagigising din nang basta-basta."

Napangisi ako. She entered the place again without hesitation. I took a deep breath and faced her.

"Sir pwede pong papirma?" kaswal na abot niya sa akin ng folder at ballpen.

Tinanggap ko ito pero sa halip na pirmahan ay itinapon ko yun sa kama. Nagulat siya sa aking ginawa.

"S-Sir Yul?"

Natatawa ako sa nagmamang-maangang reaksiyon niya. "Anong klase kang babae na basta-basta na lang pumapasok sa condo unit ng isang lalaki?" galit na tono ko.

"Ho?"

"Tell me the truth. Is there something going on with you and my cousin already?"

"Sir pinag-iisipan niyo ho ba ako ng masama? Sinabi ko naman sa inyo na tinulungan ko lang si Sir Luigi kasi lasing na lasing siya. Alangan naman hong hayaan ko siyang matulog kung saan-saan na lang?"

"Porke't lasing sasamahan mo na sa unit niya? Why didn't you bother to call the guards?!"

"Hindi ko na ho naisip yun. Nataranta na ako. Ang gusto ko lang naman ay matiyak na makauwi siya nang maayos."

Di makapaniwalang natawa ako sa katwiran niya. "Ganyan ka ba sa bawat lasing na nakikita mo? Hinahatid mo sa kani-kanilang bahay?"

She pouted. "Siya lang naman ang nakita kong ganyan kalasing sa tanang buhay ko," anas niya. "Bakit ho ba kayo nagagalit? Kasalanan bang magmalasakit ako sa taong nangangailan ng tulong?"

"Hindi kasalanang magmalasakit. Ang mali ay yung pumapasok ka sa kwarto ng lalaking hindi mo naman kaano-ano. What if may ibang nakakita sayo aside from me? I'm sure you'll be the topic of whole CGC? Sa tingin mo matutuwa ako na pinagtsitsismisan ng mga empleyado ang isa sa mga sekretarya ko."

Tumungo siya. "Sorry po. Hindi na ho mauulit. But to tell you honestly, I don't care what people say about me as long na alam kong wala akong ginagawang mali."

"But I care what they'll say about my staff! You're working under my wing so your image also represents me. Look around you. Are you comfortable being alone with a half naked man?"

Tumingin siya kay Luigi. Her brows furrowed. Instead of remorsing tumitig pa siya lalo sa katawan ng aking pinsan. Hindi pa nakuntento at nilapitan pa. Palagay ko ay walang saysay ang mga sinabi ko. May tinatago pa rin talaga siyang katigasan ng ulo hanggang ngayon. She touched his chest with her fingertip. "Sir bakit may peklat dito si Sir Luigi?"

Inalis ko ang daliri niya sa katawan ng aking pinsan. "If you're that curious, ask him when he wakes up."

"Should I? Kung ganoon I'll stay here and wait for him to wake up." Naupo siya sa kama.

"Seriously? Are you teasing me?"napipikong sabi ko.

Ngumiti siya. "Nagbibiro lang po ako. Kasi naman chill out lang kayo. Hindi bagay sa inyo ang nagagalit sa ganitong mababaw na bagay," tatawa-tawang wika niya. "Alam ko po ang ginagawa ko. I can always handle myself well when I'm with men. Hindi ho ako aabot sa ganitong edad nang hindi pa nagkakaboyfriend if I'm a careless woman."

Panadaliang di ako nakaimik. I can sense assurance in her voice. The no boyfriend thing that they said about her, I didn't totally believe it. I thought it's just one of her strategies in creating tough image in the office. But now that I heard it from her own mouth, mukhang nagsasabi nga siya ng totoo. At mukhang wala rin dapat akong ipagalala na baka nabola na siya ng babaero kong pinsan because I can't see any hint of attractions in her eyes when she looks at him.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Kukurap-kurap na ngumiti habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. "Sir tutal nandito na rin lang naman tayo bakit hindi na natin lubus-lubusin?"

"Ang alin?" bahagyang kumabog ang aking dibdib.

"Yung pagtulong kay Sir Luigi. Palitan niyo ho ang shirt niya. Madumi na yan dahil kung saan-saan siya nahiga kanina saka nagsuka rin siya nang nagsuka."

I cringed at her suggestion. "Why would I help him? Idadamay mo pa ako."

"Sige na please," she begged.

"It's your idea, so you do it," matigas na saad ko.

"Sige na nga. Can I open his closet?" malumanay na tanong niya.

I chuckled. "Kusa ka ngang pumasok sa kwarto niya. Magdadalawang-isip ka pa bang buksan ang closet niya?"

She ignored my sarcasm. Tahimik lang na kumuha siya ng isang T-shirt. I watch her approach him in the bed. Nang inumpisahan niya nang tanggalin ang damit ni Luigi, I can't stand the ridiculous sight.

I approached them and pushed her away from him. "Ako na."

"Thank you sir. Sabi ko na nga ba hindi mo rin matitiis si Sir Luigi," may lambing na tono niya at binigyan pa ako nang matamis na ngiti.

Labag na labag sa kaloobang hinubaran at binihisan ko ng t-shirt ang lasenggo kong pinsan. Jewel removed his shoes and socks. I want to punch his face. What did this jerk do to deserve all this glory today?