"OMG! Sorry!" tumayo ako bigla at napaupo ulit sa lap niya. Ugh ang sakit! Naku napilay yata ako!
"Aray naman," napapikit ata siya sa biglaang pagkakaupo ko sa kanya. Nakakahiya to. Feeling ko ang bigat bigat ko. "You've hurt your ankle and you're still trying to show off?" and he just suddenly lifted me up.
Rave: consistent honor student, Vice President ng Student Council this term, Secretary ng Student Council last year, Freshman representative nung 1st year high at representative last year sa Student Leaders Conference sa Sydney, Australia at marami pang iba. He's a total geek, ngayon ko lang siya naging classmate at hindi ko pa siya nakakausap ever since.
"Do you trust me?" he looked at me, straight into my eyes.
Di ako makasagot. Parang nakakatakot naman 'tong tanong at taong 'to.
He chuckled and fixed his glasses, "Ang cute mo, alam mo ba yun? Wala si nurse kayo ako na ang maglalagay ng benda sa paa mo." Lumuhod siya sa harapan ko at binendahan ang left foot ko. Kumuha rin siya ng packed ice and damped it on my sore ankle. "Have we met before?"
"Matagal na kitang nakikita sa school pero never pa kitang naging classmate," medyo nawawala na ang sakit ng paa ko. Salamat naman.
"Kung nagkita na ba tayo somewhere else bukod dito sa school," he let me hold the packed ice at umupo siya sa kabilang bed. "For example, sa mall...restaurant...or sa isang party?"
"Wala naman akong natatandaang nakasama kita -"
He removed his glasses and rubbed his eyes, "Oh really?"
Then I noticed na may dugo sa likod niya pagkatingin ko sa mirror, nakatalikod kasi siya dun. "Ui sorry! Nasugatan ata likod mo dahil sa akin." I tried to stand up...again.
"Oh, magpapakitang gilas ka na naman?" he smirked as he looked at the mirror. "Oo nga noh. Baka gasgas lang to. No worries," he flashed a smile.
"Eh pero-"
Rave unbuttoned his polo and removed it. Lumapit siya at tumalikod sa akin. "Told you. Gasgas lang to, malayo to sa bituka. Hindi naman ako magkakasakit or magkakaroon ng infection dahil dito."
"Pe-"
"Mga bata lang ang pinagsasabihan ng ganyan. Mukha ba akong bata para sa iyo?" he looked over his shoulder then someone faked a cough.
"Sana hindi kayo nagcu-cutting classes sa 1st day, Rave. Remember, you're the VP of the student council at sana maging role model ka for other students," Nicole said. Shocks. Siya ang president ng student council! Sana naman hindi ako ang maging dahilan ng pagkainis niya or what.
"Don't tell me what I need to do, Ms. Nicole Pinkerton," sinuot na ulit niya ang polo niya. "I-
"Nasprain ko po yung ankle ko. Si Rave po ang tumulong sa akin kaya dinala niya ako dito sa clinic. Babalik na po kami sa room-"
"Do I look like I'm talking to you?" Nicole scoffed.
Wow. Bitch mode ka ngayon teh? Naku, kung wala lang akong pilay nasipa na kita ng bonggang bongga. Ako na nga ang nageexplain, ako na ang nasaktan, ikaw pa ang mainit ang ulo. "Sinasabi ko lang naman-"
"Don't mind her. May PMS yan ngayon," Rave laughed as he assisted me outside the clinic. I looked back and saw her reaction. Mukhang nagseselos siya, sobrang taas ng kilay e. We went back to our classroom at nandoon na ang adviser namin. After akong ihatid ni Rave sa upuan ko, dumiretso siya sa adviser namin at sinabi niya ata yung nangyari. Kung ano man ang sinabi niya sa adviser namin, mukhang okay lang sa kanya na late kami because of the reaction on his face. Tiningnan naman ako kaagad nina Kayla at Lucy at sumenyas naman ako sakanila na okay lang ako.
"Sa mga ngayon lang nakarating, I'm Franco Lytte. You can call me Sir Franky! Sir Frank or Sir Lytte. Pwede rin naman Sir FLy! So I'm the head unicorn of this class and I'm really eggzoited to meet all the foals!" he was grinning and clapping his hands. Sir FLy is so perky as in magigising ka pag narinig mo boses niya. Marami rin siyang gestures pero di naman siya nakaka-annoy. Last year lang siya nagturo sa school pero andami na niyang naging achievements at gustong gusto rin siya ng mga students. Im happy na siya ang naging adviser namin kasi parang laging good vibes pag siya kasama e.
"Anyways, nameet ko na silang lahat kayong dalawa na lang ang hindi pa. Pati si Nathan. Is he here now?" he asked while we peeked around the room.
"Diba sabi ni Nathan papasok daw siya ngayon?" narinig ko kay classmate sa likod na nagsabi.
"Oo nga, tol. Anyare kaya dun? Text mo kaya, baka nalate lang," sagot naman nung isa.
"Tinext ko na kanina. Wala atang load. La ring kwenta yun, boi."
"Let's not expect, guys. Shall we proceed sa nomination ng officers, Ma'am/Sir?," Rave chimed in nung papaupo na siya sa seat niya.
Wala buong maghapon si Nathan. Hindi ko rin siya kilala personally pero from what I've heard, delinquent nga daw talaga siya. As expected, si Rave ang president ng class namin. Nanalo rin si Lucy bilang sergeant at arms. Si Kayla naman ang nanalong secretary. May bago rin akong seatmate, si Viola and she's really nice and friendly. Muse rin siya ng class namin.I asked her kung magkapatid sila ni Morgan but she said no. Baka magkaepliyo nga lang sila. At ako nga pala si Marie, hinihintay ko pa yung nominations sa art club pero wish ko talaga na ako ang manalong president! Marami akong naiisip na projects para sa art club e at since first year pa ako member nun. Hopefully, manalo nga ako.