webnovel

Marie Can't Stop Flirting With The Boys!!

[TAGLISH] [UPDATES: MON-WED-FRI] DISCLAIMER: K-12 was not yet implemented when this story was written. Marie is an ordinary 3rd year high student who's looking forward to her JS Prom next year. She's into designing, so she has decided to design her own gown for the prom. Five boys will change her outlook in life: the best friend, the class president, the delinquent, the musician, and the sports guy. Apart from her studies, friends, and family, how will she handle all these boy-related problems this school year? -- THE BEST FRIEND “Nasprain mo ba yang ankle mo?” Asher frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah. I pouted my lips as I sat down, “Di ko naman kelangan ng special treatment—“ “Special ka kaya sa akin,” he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. THE CLASS PRESIDENT Rave raised his hand, “As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position.” I rolled my eyes at him. Ano na naman ba ‘to Rave? “Since you owe me something, maybe being the vice president would suffice,” he added. “I know you’re the president of the Arts Club but if you still need some help, I’m always here to guide you.” THE DELINQUENT Nathan placed his thumb on my lips and rubbed it. He cupped my chin and tilted my head to the side. “Nandito pa rin.” “Ang alin?” inalis ko yung kamay niya. “Yung mark na ginawa ko para sa iyo,” he looked me into my eye. “Ma...mark?” Yung hi..hickey ba yun na ginawa niya nung acquaintance party? “Oo,” he looked down to my lips, my neck, and my blouse. “Para malaman nung iba na may nag-mamay ari na sa iyo.” THE MUSICIAN “Sorry sa nangyari kanina kung bigla na lang kita hinila palabas,” Morgan released my hand. “Baka kasi pagkaguluhan tayo, mahirap na.” “Ah okay lang,” I answered. “Unless...gusto mong pagkaguluhan tayo at maging sikat ka na rin,” he was looking at me. Tumingin ako sa kanya, at parang nagtatanong ang mga mata ko kung bakit. “Syempre, may kasama akong babae. They’ll think we’re dating or...you’re my girlfriend.” THE SPORTS GUY I glared at Flynn, “Kung ayaw mo mag-aral sabihin mo kaagad para hindi nasasayang ang oras kong magturo sa katulad mong tamad.” “Tangina, harsh,” he chuckled and covered his mouth. “Ang ganda mo pag nagagalit ka, ate.” Medyo nag-blush ako dun. Maganda pag nagagalit? Weird. “Alam ko nang maganda ako dati pa.” He grinned widely, “Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Okay na?” -- [BOOK COVER: Credits to the owner of the photo. Edited using Canva] AUTHORS (radbffs/besties): iridescentdream (Amega Furoto) AinaWang (Caring for Mr. Mutant)

radbffs · Teen
Not enough ratings
18 Chs

The Delinquent's Comeback (Part 1)

Sabay kaming nag-dinner ni Nathan nung gabing yun after makatulog ni Baby Mavy. Nagtext si Mommy na mauna na daw kaming kumain kasi sobrang traffic at baka 8 pa daw siya makauwi. Sobrang tahimik namin at sobrang awkward ng moment na yun. Kelangan ko ng kapalan ang mukha ko at mag-sabi ng topic para naman di ganto katahimik sa bahay.

"Saan ka pala nameet ni Mommy?"

Uminom siya ng tubig, "Nung nasa supermarket sila. Mukhang nahirapan siya mag-grocery mag-isa kaya tinulungan ko. Di daw kasi siya sinamahan ng panganay niyang anak," sabay tingin sakin.

I faked a cough then smiled a bit. Kakauwi ko lang nun galing sa overnight e. Inaantok pa ako kaya hindi ko na muna siya sinamahan. Okay lang naman daw sabi ni Mommy e.

"Tapos yun. Tinanong ko kung ok lang na mag-baby sitter ako sa kapatid mo. Sabi niya, oo daw kasi naghahanap daw talaga kayo ng baby sitter para kay Mavy. Free food daw kaya pumayag ako. E Mondays to Saturdays ang work ko. "

"Ikaw ang nagtanong at hindi siya?"

"Oo. Kelangan e."

"Kelangan?" masyado na ata akong nagiging nosy pero kelangan ko malaman kung anong meron sa kanya para naman mapabalik ko na siya sa school.

"Kelangan ko ng pera."

"Pera para?" I was staring at him.

"Para mabuhay," he looked at me, natapos na siyang kumain.

Napakamot ako ng ulo. Kelangan naman talaga ng pera e. I want a deeper answer. "Err...alam ko naman. Pero bakit ikaw ang nagtatrabaho?" kumunot ang noo ko.

"Mahabang kwento," uminom ulit siya ng tubig at tumingin sa phone niya.

"Kwento mo, text mo parents mo na malalate ka ng uwi," I chuckled softly. "Joke lang."

Tumingin siya ng masama sa akin at hinawi ang plato. Pinatong ang kamay sa lamesa at tumayo. Shit. Bubugbugin na niya ata ako.

"Ako nang maghuhugas ng plato pagkatapos mong kumain," nilagay na niya yung soiled dishes sa sink. Sumandal sa sa counter at sinuot ulit ang cap niya. "Kamusta school?"

Napatingin ako sa kanya. Interested pa rin siyang pumasok? "Okay lang naman. Namimiss ka."

Nathan hissed, "Dami mong alam."

"Kailan ka ba ulit papasok sa school?" inubos ko na yung food ko at uminom ng tubig. Kinuha niya yung plato, naghugas ng pinggan at di ako sinagot.

I poked his back. Shet. Muscles. Siguro ang dami na niyang naging trabaho, "Kelan ba ulit? Sasabayan kitang pumasok," I grinned.

"Ewan."

Dumating na rin si Mommy at mukhang napagod siya sa pagbabyahe pero nakangiti pa rin siya nung nakita niya kami. Pinaghanda ko siya ng food at kumain na rin siya. Nagkwento siya kung anong meron sa bago niyang workplace at kung gaano katraffic ngayong gabi. Maya-maya lang ay nagpaalam na rin si Nathan at hinatid ko siya sa may gate.

"Hintayin kita ha. Sana pumasok ka na bukas, or sa Wednesday or sa Thursday! Wag Friday!" talagang inemphasize ko na wag Friday. "Basta ngayong week, wag Friday!"

Nathan shrugged, "Katamad," he turned his back and walked away.

Hayyy. Mukhang mahihirapan akong pilitin siyang pumasok ulit sa school a. Kelangan before Friday pumasok na siya or baka tanggalin na siya sa class list at iexpel na siya sa school. Dapat kaya tanungin ko yung mga previous classmates niya? Ah tama! May classmates kami na naging classmate niya before. Ako na rin naghugas ng pinagkainan ni Mommy para makapagpahinga na siya. At around 10 pm, may kumatok sa may door papunta sa balcony and guess what, it's Morgan! Binuksan ko yung pintuan at pinapasok siya.

"Sorry, ngayon lang ulit ako nakabisita. Marie, right?" Morgan smiled.

"Anong ginagawa mo dito? Late na a," nilock ko ang door ng kwarto ko. "Saka ba't dito ka sa balcony dumaan, pwede naman dun sa gate diba?" pinaupo ko siya dun sa upuan.

"Medyo busy sa school e at sa org activities. May mga gigs pa kaya ngayon lang ulit ako nakabalik," he looked around at sinuot ang jacket niya. "May gig ulit kami mayang 11. May nanghiram nung isa kong gitara kaya kinuha ko ito."

"Next time, sa gate ka na dumaan. Baka mapagkamalan kang magnanakaw e."

He laughed. "Bata. So Marie, kailan ka ba free para naman matreat kita ng lunch or dinner? Kahit snacks?"

Parang nag-init yung cheeks ko. Ang tagal ko bago nakasagot.

"Ah, bawal pa ba? Sige, mag-papaalam ako sa mama mo para naman formal," he flashed a smile.

I shook my hands, "Ah! Hindi naman sa ganon! Hindi mo naman kailangang magpaalam—"

"So...yes?" he was grinning.

"Ah...oo na lang ako," I smiled sheepishly.

"Silly," he chuckled. "I'll get to know you more when I meet you this Friday night? Sa park na lang muna tayo magkita at 6 pm? May mga dadaanan pa ako kaya kailangan ko ng umalis. See you!"

"Bye bye," I smiled at him pero di pa siya umaalis.

"Can I get your number? Baka bigla mo akong indyanin e," he snickered and took out his phone.