webnovel

Marie Can't Stop Flirting With The Boys!!

[TAGLISH] [UPDATES: MON-WED-FRI] DISCLAIMER: K-12 was not yet implemented when this story was written. Marie is an ordinary 3rd year high student who's looking forward to her JS Prom next year. She's into designing, so she has decided to design her own gown for the prom. Five boys will change her outlook in life: the best friend, the class president, the delinquent, the musician, and the sports guy. Apart from her studies, friends, and family, how will she handle all these boy-related problems this school year? -- THE BEST FRIEND “Nasprain mo ba yang ankle mo?” Asher frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah. I pouted my lips as I sat down, “Di ko naman kelangan ng special treatment—“ “Special ka kaya sa akin,” he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. THE CLASS PRESIDENT Rave raised his hand, “As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position.” I rolled my eyes at him. Ano na naman ba ‘to Rave? “Since you owe me something, maybe being the vice president would suffice,” he added. “I know you’re the president of the Arts Club but if you still need some help, I’m always here to guide you.” THE DELINQUENT Nathan placed his thumb on my lips and rubbed it. He cupped my chin and tilted my head to the side. “Nandito pa rin.” “Ang alin?” inalis ko yung kamay niya. “Yung mark na ginawa ko para sa iyo,” he looked me into my eye. “Ma...mark?” Yung hi..hickey ba yun na ginawa niya nung acquaintance party? “Oo,” he looked down to my lips, my neck, and my blouse. “Para malaman nung iba na may nag-mamay ari na sa iyo.” THE MUSICIAN “Sorry sa nangyari kanina kung bigla na lang kita hinila palabas,” Morgan released my hand. “Baka kasi pagkaguluhan tayo, mahirap na.” “Ah okay lang,” I answered. “Unless...gusto mong pagkaguluhan tayo at maging sikat ka na rin,” he was looking at me. Tumingin ako sa kanya, at parang nagtatanong ang mga mata ko kung bakit. “Syempre, may kasama akong babae. They’ll think we’re dating or...you’re my girlfriend.” THE SPORTS GUY I glared at Flynn, “Kung ayaw mo mag-aral sabihin mo kaagad para hindi nasasayang ang oras kong magturo sa katulad mong tamad.” “Tangina, harsh,” he chuckled and covered his mouth. “Ang ganda mo pag nagagalit ka, ate.” Medyo nag-blush ako dun. Maganda pag nagagalit? Weird. “Alam ko nang maganda ako dati pa.” He grinned widely, “Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Okay na?” -- [BOOK COVER: Credits to the owner of the photo. Edited using Canva] AUTHORS (radbffs/besties): iridescentdream (Amega Furoto) AinaWang (Caring for Mr. Mutant)

radbffs · Teen
Not enough ratings
18 Chs

Sorry (Part 2)

Isa pa tong lalaking 'to, "Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, Rave. Sana naman wag mo nang dagdagan."

"I'm not here to complicate things, Marie Marshall," umuna siyang maglakad tapos bigla akong hinarangan. "I'm here to look after you. Anyway, my point is if you need someone to hear you out, you know I'm always here."

Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Wala akong panahon para makinig sa kung ano pang kadramahan ang meron ka. Papasok na kami sa room nun at nadoon na rin si Ma'am Tiu. Umupo ako sa upuan ko na hindi tumitingin kay Nathan. Hindi na ako nakapagconcentrate sa klase dahil dun. Kajirits talaga. Nung lunch time ko na lang nalaman na partner ko pala si Rave sa scientific investigative project namin. Okay lang naman na siya ang partner ko kasi for sure na sobrang bongga ng project namin pero ang malungkot dun, siguro every weekend kaming gagawa ng project. LOL. Bahala na nga. Matagal pa naman yun.

"Marie," bati sa akin ni Asher habang papalapit siya akin at kasabay niya si Ate Nessa. Tinext ko si Asher na sabay kaming umuwi pero may isasabay pala siyang iba. Gusto ko sanang ikwento yung tungkol sa pag-uugali ni Nathan.

"Uuwi na kayo?" yun na lang ang natanong ko. Nakatambay lang ako sa may gate nun habang hinihintay sina Lucy.

"Hindi pa, sumabay lang sa akin si Nessa papunta dito," he answered.

"Hi, Marie! Ang tagal na nating di nakakapagkwentuhan ah," Nessa said.

"Ay...oo nga po e," I chuckled softly. "Sama na lang po kayo sa amin."

"Next time na lang. May pupuntahan pa kasi ako e," she smiled and waved goodbye. "Bye, Asher. See you tomorrow."

May gusto talaga 'tong si Ate Nessa kay best friend. May gusto rin kaya siya kay ate? Asher waved his hand and looked at me, "Okay ka lang?"

I smiled at him, "Oo naman."

He messed my hair, "Sinungaling."

Asher knows me well. Hay, ba't ba kasi ako masyadong nagwoworry kay Nathan. Ugh. Buti na lang at dumating na sina Lucy at Kayla at naiba na rin ang mood namin. Kumain kami sa Mcdo at na-open up ni Kayla yung about sa invitation ni Lisa. Apparently, nasabi na rin pala sa kanila party pero wala naman silang nabanggit na si Alec ang nagyaya sa kanila.

"Despedida party ba 'to ni Lisa? For reals na talaga?" Lucy asked. Sasabihin ko ba na post birthday party yun ni Alec?

"Pupunta ka?" Asher asked me.

"Oo, ininvite rin naman ako e. Kaw, gusto mo sumama? Sabi naman niya pwede daw mag-invite ng friends e," kumuha ako ng fries at dinip yun sa ice cream ko.

"Punta ka na, Asher. I'm sure you're going to enjoy," Kayla grinned.

I cocked a brow. I smell something fishy. LOL.

"Kelan ba?" he looked at Kayla. Kaming dalawa ni best friend ang magkatabi nun.

"This Saturday! 7 pm pa naman ang start" she giggled.

Asher scratched his temple, "Hindi ko sure e. Kelangan mag-review para sa entrance exam."

"Wow! Kaw na!" Lucy laughed. "Oo nga pala, malapit na ang entrance exams. Anong course ang kukunin mo?���

"Magme-med ako e," he smiled.

"That's so cool," Kayla smiled back at him.

"Si Viola rin pala invite natin!" Lucy said.

"Kayo ba, anong kukunin niyong course?" Asher asked.

"Business management," Kayla tucked her hair behind her ear and smiled.

"Ako...ewan. Bahala na. Matagal pa naman yun e," Lucy laughed. Parang walang patutunguhan 'tong buhay ni Lucy a. Hahaha! Alam ko naman makakapili rin siya ng gusto niyang course soon.

"Alam kong gusto pumasok nitong si Marie sa isang fashion school e," Asher smiled at me.

"That's so sweet. Sana may best friend rin ako kagaya mo, Asher," Kayla sighed. "Sana talaga makapunta ka kahit medyo late na? Overnight party naman yun e."

Asher just chuckled. Lucy nagged her arms, "Pwede namang best friend na babae a? Andito naman ako, si Marie at si Viola," and laughed. Kayla rolled her eyes at nagtawanan naman kami. After kumain ay umuwi na rin kami ni best friend. Habang naglalakad ay Inopen up ko na sa kanya yung nangyari saming dalawa ni Nathan.

"Wait, sino si Nathan?" Asher asked, his head tilted.

"OMG! Di ko ba nasabi sa iyo na siya rin yung baby sitter ni Mavy?" I blinked my eyes tapos napatakip ako sa bibig ko.

"Wala kang sinasabi sa akin," he pinched my cheeks.

"Akala ko alam mo," I sighed. "Wala bang alam ang mga seniors tungkol kay Nathan?"

"Bali-balita na nga na delinkwente siya pero wala naman ako sa lugar para husgasan siya, diba? I'm just surprised na ang delinkwenteng sinasabi mo ay ang baby sitter rin ni Mavy," he shrugged.

"OMG, sorry di ko nasabi. Ugh, at ngayon nalaman mo pang baby sitter si Nathan," I frowned.

"Medyo contradicting yung mga arguments na ginagawa mo, Marie," he chuckled lightly. "You're sorry kasi di mo nasabi, but at the same time you're sorry kasi nalaman ko na baby sitter siya ni Mavy? Parang ngayon lang kitang nakita na ganyan mamroblema sa isang lalaki a. In love ka ba?"

I hit him on his shoulder and looked away. Bumilis yung tibok ng puso ko nun, I don't know why. The thought na wala ngang nagkakagusto sa akin parang di kapanipaniwala, ang ma-in love pa kaya? "Hindi ah! Nag-aalala lang ako masyado sa mga nangyayari ngayon."

Asher snickered, "Ba't defensive ka masyado?"

"Hindi naman e," I hit him on his shoulder again.

"Nacurious tuloy ako, wala ka bang nagugustuhan?" he looked at me.