webnovel

Marie Can't Stop Flirting With The Boys!!

[TAGLISH] [UPDATES: MON-WED-FRI] DISCLAIMER: K-12 was not yet implemented when this story was written. Marie is an ordinary 3rd year high student who's looking forward to her JS Prom next year. She's into designing, so she has decided to design her own gown for the prom. Five boys will change her outlook in life: the best friend, the class president, the delinquent, the musician, and the sports guy. Apart from her studies, friends, and family, how will she handle all these boy-related problems this school year? -- THE BEST FRIEND “Nasprain mo ba yang ankle mo?” Asher frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah. I pouted my lips as I sat down, “Di ko naman kelangan ng special treatment—“ “Special ka kaya sa akin,” he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. THE CLASS PRESIDENT Rave raised his hand, “As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position.” I rolled my eyes at him. Ano na naman ba ‘to Rave? “Since you owe me something, maybe being the vice president would suffice,” he added. “I know you’re the president of the Arts Club but if you still need some help, I’m always here to guide you.” THE DELINQUENT Nathan placed his thumb on my lips and rubbed it. He cupped my chin and tilted my head to the side. “Nandito pa rin.” “Ang alin?” inalis ko yung kamay niya. “Yung mark na ginawa ko para sa iyo,” he looked me into my eye. “Ma...mark?” Yung hi..hickey ba yun na ginawa niya nung acquaintance party? “Oo,” he looked down to my lips, my neck, and my blouse. “Para malaman nung iba na may nag-mamay ari na sa iyo.” THE MUSICIAN “Sorry sa nangyari kanina kung bigla na lang kita hinila palabas,” Morgan released my hand. “Baka kasi pagkaguluhan tayo, mahirap na.” “Ah okay lang,” I answered. “Unless...gusto mong pagkaguluhan tayo at maging sikat ka na rin,” he was looking at me. Tumingin ako sa kanya, at parang nagtatanong ang mga mata ko kung bakit. “Syempre, may kasama akong babae. They’ll think we’re dating or...you’re my girlfriend.” THE SPORTS GUY I glared at Flynn, “Kung ayaw mo mag-aral sabihin mo kaagad para hindi nasasayang ang oras kong magturo sa katulad mong tamad.” “Tangina, harsh,” he chuckled and covered his mouth. “Ang ganda mo pag nagagalit ka, ate.” Medyo nag-blush ako dun. Maganda pag nagagalit? Weird. “Alam ko nang maganda ako dati pa.” He grinned widely, “Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Okay na?” -- [BOOK COVER: Credits to the owner of the photo. Edited using Canva] AUTHORS (radbffs/besties): iridescentdream (Amega Furoto) AinaWang (Caring for Mr. Mutant)

radbffs · Teen
Not enough ratings
18 Chs

Sorry (Part 1)

Last day of June na and it's a Monday, pero mukhang hindi maganda ang simula ng week na 'to for Nathan. Napansin kong may mga bruises siya sa mukha niya nung nakasabay ko siya papunta sa building namin after ng flag ceremony. Hindi ko naman siya natanong kasi nahihiya ako. Parang may idea na naman ako sa nangyari, sana naman okay lang siya.

"Nakita niyo mukha ni Nathan?"

"Di na bago yun, lagi naman siyang may kaaway."

"Basagulero since 1st year high."

Kajirits tong mga classmates namin. Parang ang dami nilang alam tungkol kay Nathan a. Dumating na si Sir Fly pero di pa rin bumabalik si Nathan sa room.

"Good morning, class!" Sir Fly greeted up with so much energy. Nag-good morning rin kami sa kanya. "So are you excited for your acquaintance party?"

Nag-ingay ang mga classmates ko at obvious na obvious naman na excited sila. Excited rin ako syempre pero di pa rin mawala yung worry ko for Nathan e.

"Sir, kelan po ang acquaintance namin?" my classmate asked.

"It's going to be on July 11, Friday at 7 pm!" may kinuha siyang forms sa table. "I'll giving out the consent forms na kelangan niyong ipapirma sa mga parents niyo, orayt? Nakasulat na diyan kung saan ang venue. Hopefully, mabigay niyo ito this Friday. I'm sure naman na everyone's eggzoited and going to attend, diba?" he smiled and after that ay nagdiscuss na siya ng tungkol sa geometry.

Buti na lang recess namin before mag-Chemistry class, dapat makita ko na siya before pa nun kasi may important announcement daw si Ma'am Isabelle Tiu, ang chemistry teacher namin. Nagpatulong ako kina Lucy at Viola para hanapin siya at buti na lang pumayag sila. Chineck ko na ang mga club rooms, conference room, chemistry lab, home econ lab, at maging ang student council rooms pero wala siya doon. Pumunta ako sa 4th floor para tingnan ang multipurpose area pero wala akong Nathan na nakita.

"Hay, nasan ba kasi yun?" I sighed at tumingin pa rin sa paligid ng roof top. Then I noticed na may nakahiga sa may bench dun sa sulok. I sneaked to check that person out and at last, nakita ko na rin siya. He was sleeping at mukhang sobrang himbing ng tulog niya. Ang himbing ng tulog e ang init-init dito sa may roof top. I knelt down and watched him closely. Ang cute niyang matulog. Hahaha! Nakaunbutton pa ang polo niya. Ipo-poke ko na dapat ang cheeks niya pero bigla na lang niya hinawakan kamay ko..

"Anong ginagawa mo dito?" he murmured. Kala ko naman tulog siya.

"Ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan e," I responded. "Ikaw nga 'tong hindi pumasok sa Homeroom e. Tara na, balik na tayo sa room. Magche-chem na."

Nathan opened his eyes and stared blankly. Napatingin ako bigla dun sa mga pasa niya sa mukha, "Ugh, ano..."

"Nakakatamad pumasok, ibalita mo na lang sakin kung anong nangyari," he closed his eyes again.

I sighed. Hindi ko pa rin matanong kung san niya nakuha yung mga pasang iyon.

"Kung namomroblema ka sa mga pasa ko sa mukha, pwes 'wag mo nang problemahin," hala. Nababasa niya ang isipan ko?

"Ah...e...syempre, nag-aalala rin naman ako sa iyo," I looked at him.

Tiningnan lang niya ako at naglakad na siya paalis.

"Teka! Hintayin mo naman ako," sinabayan ko siyang maglakad. "San mo ba nakuha yang mga pasa sa mukha mo? Nakipagaway ka ba?"

Nathan suddenly pushed me hard and pinned my hand on the wall. My eyes widened. Anong nangyayari? Bakit biglang ganto na lang ang kinikilos niya?

"Lumayo ka na sa akin," he said sternly at sobrang higpit na ng pagkakahawak niya sa wrist ko.

"A...ano? Hindi...hindi kita maintindihan. May...ginawa ba akong mali?" tumingin ako sa kanya at maluluha na ata ako sa sakit ng pagkakahawak niya.

Rave appeared out of nowhere, "You know what, dude, consider yourself lucky. Yung mga katulad mo kasi, hindi talaga bagay dito sa school e," and pushed Nathan away. Tiningnan ko yung wrist ko at nakabakat na kaagad yung kamay ni Nathan sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. "Okay ka lang?"

I looked at Nathan instead. My eyes were asking why. He was also looking at me but then he chose to walk away. Grabe naman? Ano naman bang kadramahan 'tong nangyayari? Wala naman akong ginawang masama diba? Masama bang maging concerned? Hindi niya ba alam na naiinis ako sa mga taong nang babackstab sa kanya. Ugh...naiinis na rin tuloy ako kay Nathan.

"What were you two doing?" Rave asked as he took my hand.

"Hinanap ko lang siya para sabihin na malapit na mag next—"

"Hindi ka dapat sumasama sa kanya e," he reprimanded. "Alam mo namang basagulero yung gagong yun, diba? Gusto mo bang masabihan na delinkwente rin?"

I rolled my eyes, "Hindi—"

"Pinagtatanggol mo pa e ikaw na 'tong sinaktan?" he raised a brow.

"Hay, ano ka ba?" Ugh, naguguluhan na rin ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nauna na akong maglakad, syempre nakasunod siya sa akin.

"Stay away from him," he said.