Ayan na. Naniniwala na siya. Ang dami ng tanong e. "The night bago magpasukan. Yung sinundo mo ako at naabutan mong nakalock ang pintuan. Yun yun. Nasa kwarto ko siya nun kaya nakalock. Ngayon ko lang naikwento sa iyo kasi nahihiya ako, hindi ko alam kung anong magiging reaction mo. Baka itakwil mo na ako kasi—"
"Hindi mangyayari yun," he murmured. "Kahit na may iba nang nakahalik sa iyo. Di kita iiwan."
I blinked my eyes and stared at him. Seryoso? Ganon lang yung magiging reaction niya? Hindi siya magagalit sa akin or anything? "Di ka galit?"
"Bakit naman ako magagalit?" he glanced at me.
"Kasi...di ko sinabi sa iyo kaagad?"
"Ano naman kung ngayon mo lang sinabi sa akin? At least naging open ka pa rin sa akin diba?" he smiled.
"Kaya kita best friend e!" I giggled and hugged him. "Salamat ha. Sa iyo ko lang 'to sinabi, secret lang natin ha."
Asher hugged me as well, "Oo naman. Basta...wag mo akong...iiwan ng...basta basta," medyo hoarse yung boses niya.
I looked at him, "Okay ka lang? Ba't parang—"
"Ang kati lang ng lalamunan ko dahil dito sa popcorn," he chuckled lightly and sipped his juice once more.
I released him and drank my juice. Kinuwentuhan ko rin siya tungkol sa date namin ni Morgan at mukhang okay naman siya dun kahit marami pa rin siyang tanong about sa details nun. Ever since open talaga ako kay Asher at lagi siyang nakikinig sa akin kahit na minsan nga na kadramahan sa buhay, nakikinig pa rin siya sa akin e. Hahaha.
"Regalo ko pala?" he suddenly asked.
OMG! May naprepare akong regalo pero apparently, naiwanan ko sa bahay!
"Ano namang pagmumukha yan, Marie?" he guffawed. "Oh, nasan na?"
"Naiwanan ko sa bahay..." I sighed.
"Let's make a deal then," he suggested, nag-pplay pa rin yung movie pero parang hindi na kami nanunuod.
"Ano namang deal yan?" I glanced at him.
"Arm wrestiling, bibigyan mo ako ng kiss pag ako ang nanalo. Pag ikaw nanalo, I'll give you a kiss," he grinned as he folded the sleeve of his shirt.
"UNFAIR!" I frowned. "Grabe, nasabi ko lang na may first kiss na ako tapos ngayon nanghihingi ka na ng kiss.," I smirked.
Asher laughed, "Birthday ko."
Shit. Patay ako dito. "Gusto mo lang ng first kiss e!" di ako magpapadaig sa mga sagot mo. Kala mo ha.
"Eh ano naman? Birthday ko," he smirked at nilinis yung center table. He knelt opposite of me.
"Ang sama nito," I pouted my lips. "For sure panalo ka na!"
"Sige na best friend, ngayon lang naman e. Birthday—"
"Birthday mo nung Thursday, hindi na Thursday ngayon for your information," I crossed my arms.
"Dali na, ang dami mong arte e. Sa cheeks lang naman," he snickered.
"Oo na, sige na," di ako makatanggi. Ba't kasi nakalimutan ko pa yung regalo ko sa kanya e. Pinatong ko yung elbow ko sa table. Hinawakan niya ang kamay ko pagkapatong ng elbow niya sa table. His grip was tight parang magcu-crush na yung buto sa kamay ko pero focus Marie, wag kang papatalo dito kay Asher.
"Ready ka na?" his eyes were piercing. "In..3...2...1..."
Nagstart na ang arm wrestling namin. Ano ba namang panama ko dito, konti na lang at matatalo na ako but NO! Siya pa ang natalo! NAPAKADAYA TALAGA NITONG LALAKING 'TO. I pouted my lips again, my arms crossed.
"Ano, ba't nakanguso ka diyan?" he leaned closer, his hands were on top of the table. "Gusto mo ng kiss sa lips?" he chuckled.
"Gago, hindi!" I smirked.
"Gago na kung gago," he held my face, pero parang pinepress yung cheeks ko at nakanguso na ako.
"Aray naman," I gibbered. Tumingin ako kay Asher and he was staring at me. Papalapit siya ng papalapit sa akin, seryoso ba talaga siya dun sa kiss? Sa lips ba o sa cheeks? Okay lang ba na magkiss ang mag-best friends? Di ba maapektuhan ang friendship namin pag kiniss niya ako?
Asher was an inch close to my lips pero biglang pumasok si Tito. Hindi pa rin niya binibitawan yung face ko pero nakalayo na siya sa akin. Napatawa si Tito pero nagpaalam lang siya na aalis na siya kasi may emergency daw hospital. That was close pero bumilis ang tibok ng puso ko dun ah. Lumayo na si Asher sakin and he was shaking his head.
"Oh bakit?" I raised a brow.
"Singit si Daddy," he guffawed. "Jinojoke lang rin naman kita. Okay lang sakin kung wala kang regalo. Ikaw pa lang, sapat na."
I smiled at him at nanuod na ulit kami ng movie. Nakatatlong movie kami nung araw na iyon at puro romantic movies pa ang pinanuod namin. Ako lang talaga ang mahilig sa mga ganong movies, pinagbibigyan lang siguro niya ako. LOL. Hinatid niya ulit ako pabalik sa amin at around 6 pm.
Nagcheck ako ng FB bago matulog and I received a message from Lisa. She said that Alec's inviting me sa post-birthday party niya. OMG!! Alec did? Di ako mapakaniwalang iinvite niya ako e hindi naman kami close. Pwede ko rin daw isama yung mga friends ko sa party this Saturday. Pool party yun, ano kayang isusuot ko? Mag-swim suit ba ako o ano? Ugh, bahala na nga. May one week pa naman ako para magprepare. I'm so excited!