webnovel

Marie Can't Stop Flirting With The Boys!!

[TAGLISH] [UPDATES: MON-WED-FRI] DISCLAIMER: K-12 was not yet implemented when this story was written. Marie is an ordinary 3rd year high student who's looking forward to her JS Prom next year. She's into designing, so she has decided to design her own gown for the prom. Five boys will change her outlook in life: the best friend, the class president, the delinquent, the musician, and the sports guy. Apart from her studies, friends, and family, how will she handle all these boy-related problems this school year? -- THE BEST FRIEND “Nasprain mo ba yang ankle mo?” Asher frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah. I pouted my lips as I sat down, “Di ko naman kelangan ng special treatment—“ “Special ka kaya sa akin,” he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. THE CLASS PRESIDENT Rave raised his hand, “As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position.” I rolled my eyes at him. Ano na naman ba ‘to Rave? “Since you owe me something, maybe being the vice president would suffice,” he added. “I know you’re the president of the Arts Club but if you still need some help, I’m always here to guide you.” THE DELINQUENT Nathan placed his thumb on my lips and rubbed it. He cupped my chin and tilted my head to the side. “Nandito pa rin.” “Ang alin?” inalis ko yung kamay niya. “Yung mark na ginawa ko para sa iyo,” he looked me into my eye. “Ma...mark?” Yung hi..hickey ba yun na ginawa niya nung acquaintance party? “Oo,” he looked down to my lips, my neck, and my blouse. “Para malaman nung iba na may nag-mamay ari na sa iyo.” THE MUSICIAN “Sorry sa nangyari kanina kung bigla na lang kita hinila palabas,” Morgan released my hand. “Baka kasi pagkaguluhan tayo, mahirap na.” “Ah okay lang,” I answered. “Unless...gusto mong pagkaguluhan tayo at maging sikat ka na rin,” he was looking at me. Tumingin ako sa kanya, at parang nagtatanong ang mga mata ko kung bakit. “Syempre, may kasama akong babae. They’ll think we’re dating or...you’re my girlfriend.” THE SPORTS GUY I glared at Flynn, “Kung ayaw mo mag-aral sabihin mo kaagad para hindi nasasayang ang oras kong magturo sa katulad mong tamad.” “Tangina, harsh,” he chuckled and covered his mouth. “Ang ganda mo pag nagagalit ka, ate.” Medyo nag-blush ako dun. Maganda pag nagagalit? Weird. “Alam ko nang maganda ako dati pa.” He grinned widely, “Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Okay na?” -- [BOOK COVER: Credits to the owner of the photo. Edited using Canva] AUTHORS (radbffs/besties): iridescentdream (Amega Furoto) AinaWang (Caring for Mr. Mutant)

radbffs · Teen
Not enough ratings
18 Chs

Babysitter (Part 2)

"Ngayon ko lang napansin na di na kayo gaano nagkakasabay ng best friend mo umuwi after...how many years?" she tried counting it on her fingers.

"Mommy?" I looked at her, para bang pinapahiwatig na wag na siya mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa di namin pagkakasabay ni best friend umuwi.

"Okay, okay," she chuckled softly. "Titingnan ko lang si Mavy sa kwarto, baka gising na siya."

Mommy stood up at binati siya ni Asher pagkapasok niya sa bahay. She left us sa sala, ang walang kamatayang hangout place namin, habang kumuha ako ng chips at cola sa kitchen. Asher was smiling, mukhang wala namang problema.

"Nasprain mo ba yang ankle mo?" he frowned at kinuha kaagad yung chips at cola sa akin. Tapos inassist ako papunta sa couch. Para naman sobrang nabalian ako ng paa nito ah.

I pouted my lips as I sat down, "Di ko naman kelangan ng special treatment—"

"Special ka kaya sa akin," he sat on my left at kinuha yung nasprain kong paa. He removed the bandage and examined it. "Masakit pa ba?"

"Hindi na masyado," kumain ako ng chips. He carefully massaged it for a few seconds at binendahan na ulit.

Asher chuckled lightly, "Natatakot ako, baka mamaya matuluyan yang pagkabali ng paa mo pag lalo ko pang minasahe. Ba't di mo ako tinext kanina na nasprain ka pala para naman napuntahan kita nung lunch time at nakasabay kita pauwi?"

"Eh bakit di mo ako nireplyan kanina?" I raised my eyebrow.

"Ikaw nga nakareply pagtapos ng limang texts e," he sipped on his cola.

I rolled my eyes pero nag-pacute at nag-sorry sa kanya. Hindi naman siya nagtanong kung sino yung kasabay kong umuwi, ang text ko lang kasi kanina sa kanya na pauwi na ako at magkita na lang kami sa bahay. Nagkwentuhan lang kami sa kung anong nangyari nung araw na iyon at nung mga nakaraang araw. Buti na lang hindi na niya ako tinanong about sa nangyari kaninang umaga. I'm saved! Pero parang nakakaguilty, he's my best friend. Halos alam niya lahat ng tungkol sa akin. Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Hindi rin naman kami laging nagkekwentuhan at tumatambay pag magkasabay umuwi kasi may kanya kanya rin naman kaming mga buhay.

Ininform naman ako ni Mommy after dinner na kukuha na siya ng baby sitter para kay Mavy kasi na-assign siya sa mas malayong workplace at past 7 or 8 pm na raw siya makakauwi. Kahit Saturday mag-oovertime siya. Niresearch ko rin after nun si Morgan. Wala masyadong info about sa kanya, puro tungkol lang sa Scream of Poseidon lang. Sikat pala talaga sila at nakakasama na rin sa mga concerts sa different places sa country. Metal tinutugtog nila, di ko alam kung makakayanan pakinggan ng tenga ko yun pero I tried.

Di pa ulit nag-paramdam si Morgan after a week. Siguro marami siyang gigs at busy rin sa school. I wonder kung kelan niya babalikan yung gitara o dapat bang umattend ako sa isang gig nila kasama si Lucy para naman makita na niya ang crush niya personally? Tinanong naman ako ni Lucy kung gusto ko ba daw mag-overnight sa kanila and I said yes. Friday nun at wala pa naman masyadong requirements. She showed me some of Morgan's videos, wala talaga siyang kasawa kasawa. Hahaha. Nanood rin kami ng movie at pinakita niya sa akin yung mga designs ng gowns na gusto niya para sa JS Prom. At around 11 pm, we decided to buy some ice cream sa 7/11. Alam kong masyado ng late pero di naman ganon kalayo yung convenience store sa kanila, walking distance lang naman.

"MARRIIEEEE!" someone called out sa may labasan ng 7/11. Di ko pa siya nakikilala pero lumapit kaagad siya sa amin at hinug kaming dalawa ni Lucy.

"Lisa?" I asked. "Akala ko bumalik ka na ng Canada?"

"Na-ah!" she chuckled, may hawak hawak pa siyang bote ng vodka. I looked around, may malapit nga palang club dito. "I decided to stay a bit longer! Nauna nang bumalik sa Canada parents ko, si ate na lang ang kasama ko dito!"

"Lasing ka na ba?" Lucy chuckled as well, "Kanina ka pa sumisigaw, wala naman tayo sa bar."

"My bad! Nasanay na akong ganto e. Friends pa rin naman tayo diba?" she laughed and drank on her botttle. "Let's go and parteeeeh!

"Bibili lang kami ng ice cream—"

Di man lang ako pinatapos sa pagsasalita as Lisa pulled someone beside her, "By the way, meet Alec! My party buddy!"

I glanced at him and he was already looking at me. He flashed a smile afterwards.

"And my friends, Marie and Lucy!"

"Hey, sup?" he reached out his hand at nakipagshake hands naman si Lucy. I just smiled at him.

"Parang nakita na kita," Lucy stared at him, "parang...."

"Sorry but I don't remember you," he smiled at her.

"Parang sa ano e..." titig pa rin sakanya si Lucy at napansin kong nailang na si Alec at medyo nagtago sa likod ni Lisa.

"Ano na? Tara na. Sumama na kayo samin ni Alec! It's fuuuun~" pinipilit pa rin kami ni Lisa.

"Next time na lang, di kami prepared," I chortled at hinila papasok sa store si Lucy. "Bye!"

Lisa waved goodbye and they stayed outside 7/11 for awhile bago umalis. Kami naman ni Lucy, bumili na ng ice cream.

"Parang may kamukha si Alec," sabi ni Lucy habang nagbabayad.

"Who?"

"Iniisip ko pa kung sino pero parang...parang nakita ko na siya somewhere," she glanced at me. "Parang nakita ko siya sa party ni Lisa dati! Yung swimming party!"

"WHHHAAATT?" my jaws dropped. "Don't tell me siya yung guy na nag-alaga sa akin nung lasing ako?"

"Ohhhh hell yeah," she chuckled. "Nakakatawa ka nun pero ang sweet niya sa iyo. Alagang-alaga ka kaya."

We went oustide and I gazed around but there's no sign of Lisa or Alec.

"Di mo kaagad sinabi sa akin. Di man lang ako nakapag-thank you—"

"Hinila mo kaya ako papasok. Sasabihin ko na dapat e," she stuck her tongue out. "Ano tara sa club?" she laughed.

"Gaga. Wag na. Ipapasabi ko na lang kay Lisa na pasabi thank you."

Sayang ang pagkakataon. Ugh, if I only knew. I sent Lisa a message na yun nga, pasabi thank you kay Alec. And she just said, okay. Madaldal si Lisa pag kaharap mo pero pag sa text or sa FB or sa mail, naku sobrang onti ng reply. Wala naman siyang sinabi kung may pinapasabi si Alec or what. The week after that night...

"Class, it's just the start of the week but I have a bad news already. Huhubels," Sir Fly sighed. "Nag-meet kami ng family ni Richmond yesterday at akala ko kakain lang kami. They informed na pupunta na sila ng Germany kasi namatay ang grandfather niya at pinaubaya sa papa niya ang funeral at iba pang mga bagay bagay. Nakapangalan na rin pala ang house kay Richmond so they're going to stay there. If you want to send your condolences, I already asked them kung ok lang ba ipaalam sa inyo and it's fine with them. So if you may, please send your condolences thru mail or facebook, okay kids?"

"Sir FLy, pano yung Vice President? Sinong papalit sa kanya?" tanong ni classmate.

Rave raised his hands, "As the president of this class, I will vote Marie Marshall for the position."