webnovel

Marcella's Diary

Marcella's real journey started when she was 13 years old. Writing in an old diary is one of her diversions. She was young when she became an orphan. So, a wealthy family adopted her. Unexpectedly, Marcella captured each family members' heart. As time goes on, she gained friends, wealth, fame, and compliments. Her life is way better than before. But, just like some typical teenage life, struggles also strikes her. Here come the haters, academic problems, and heartbreaks. Marcella's life seems to be animated and easy, but it isn't. Life is tricky. Swimming to the oceans of Neptune is the only way to her happiness.

Plaissance · Teen
Not enough ratings
24 Chs

Day 775

April 16, 2019

11:34 pm

Dear Diary,

Gaya ng sinabi ko kahapon, binisita ko ang on the process kong mga bahay. Malapit na daw silang matapos. Asahan ko daw na tapos na ang dalawang bahay na iyon sa katapusan. Parehong moderno ang disenyo pero magkaiba ng kulay, malamang. The first house was all in white. What I mean is halos puti ang kulay nito. It was big and luminous. May swimming pool sa likod at hanggang third floor lang ata. Nagpalagay din sila lolo ng secret room at ako na daw ang bahala kung anong gusto kong ilagay doon. Sa gilid banda ay may medyo malaking space. Balak ko sanang gamitin iyon para sa Netflix and chill. Library, computer room, home bar, walk-in closet, wine cellar, gameroom, and etc. Halos lahat ng gusto ko sa isang bahay ay naandoon na. Kulang na lang ng furnitures, gadgets, appliances, at 'yung ibang room ay hindi pa tapos pinturahan.

The second house of mine was all in black, my favorite color. Itim halos lahat. Wow, black and white. Kung anong meron sa isa ay meron din doon sa pangalawa. Ang pinagkaiba, nasa loob ang fountain. Mini fountain lang. Di hamak na mas maliit ang itim kaysa sa puti kong bahay. Maliit lang din ang walk-in closet. Alcove shelves lang ang meron, walang alcove bed 'di katulad sa isa. Bookshelves lang meron, walang library. May garage din doon na pwede sa dalawa hanggang tatlong sasakyan, 'di tulad sa isa na hanggang sampu. Sa ngayon, ginagawa na lang nila ang secret room at tiles sa isang bahagi doon. Lalagyan na lang ng kagamitan at tapos na. Gusto ko sanang itim din ang gamit doon para aesthetic. Kung may ibang kulay man, kulay gold lang. Susyal ako, D, bat ba?

'Yung puti pala medyo malayo-layo tapos 'yung itim ay malapit lang lalo na sa EIS. Kaya kapag pasukan na ulit, doon ko balak umuwi para malapit lang.

Si Ree… Busy sa jowa niya at sa youtube career niya. Wala nang time para sa akin. Tampo ako, char. Naiintindihan ko naman kaya pagbibigyan ko na. Matagal naman kaming magkasama kaya ipapamigay ko na sa boyfriend niya.

I have no new updates about Acinhu palaka. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya lalo na kay Chaz. Delikado na, baka maimpluwensiyahan niya ang batang iyon.

Wala na akong malaro, wala na ring magawa. Nakakaumay. Hihiga na rin ba ako sa pera o bisitahin ang mga ginto? I fuckin need new things to explore. Medyo nagsasawa na akong uminom ng wine dahil walang magawa.

Bored,

Marcella