webnovel

Unang pagtatagpo

Lumipas mga araw napaulit-ulit sa buhay ni Eddy. Sa huling mga araw bago ang kanyang iniiwasang kaarawan.

"Hay buhay! Umpisa na naman! Parang walang pagbabago. Dadagdag lang ang taon ganun parin". Bulalas ni Eddy habang naghahanda para sa araw. Pagkatapos ng pagtatawag sa pasahero diretso ng iskwela agad si Eddy. Habang naglalakad sya papasok ng eskwela may kakaiba syang naramdaman. Wala ang mga tingi na lagi nya nararamdaman araw-araw bago makarating sa eskwela. Nakakapanibago pero parang maluwag ang kanya damdamin. Di nya mabatid kung matutuwa sya o ewan! Di nya nalang pinansin pero parang may kulang na di nya mawari.

Patuloy sya sa paglakad ng may alinlangan ng may makasalubong syang isang lalaki at isang batang babae. Umiiyak ang bata at nagpupumiglas sa lalaki. Hindi nya matanto kung dapat ba syang makialam pero may pagdududa sya sa sitwasyon kaya minabuti nya na tanungin ang lalake.

"Manong medyo nasasaktan ang bata sa hawak may problema ba?" Ulirat ni Eddy.

Biglang sumigaw ang lalake at nagbanta. "Wag kang makialam! Masyadong pasaway tong pamankin ko kaya kailangan hawakan mabuti para di magwala!"

Marami ang nakakakita sa pangyayari ngunit walang nakikialam dahil Malaki ang katawan ng lalaki at makakatakot ang kanyang aura.

Minabuti nalang din ni Eddy na wag na nga lang makialam ngunit bilang sumigaw ang bata "bitawan mo mo di kita kilala!". Napalingon si Eddy muli sa bata.

Minabuti nya na tanungin ang bata upang makasiguro. Akmang magtatanong si Eddy ng bigla hinatak ng lalake ang bata at humarap kay Eddy. Buwelo ang lalake ng suntok. Sa laki ng kamay at matikas na katawan ng lalaki, ang suntok pag tumama kay Eddy malamang na wasak ang mukha nya ngunit bago lumapat ang suntok, parang isang napakabagal na suntok lang ito na kanyang iniwasan. Paglampas sa kanyang mukha ay hinawakan nya ang kamay nito at kanyang hinatak ng paikot at pabalik sa lalake. Dahil sa kanyang ginawa umikot ang lalake at tumambling paharap at bumagsak na una ang likod. Sa sobrang sakit nahirapan tumayo ang lalake at tumingin kay Eddy na may pagtataka. Isang payat at di kalakihan tao lang ang nagpabagsak sa kanya na wala hirap. Takot ang inabot na lalake kayat napilitan syang tumakbo ng paika-ika. Lahat ng taong nakakita ng pangyayari ay labis ang pagtataka. May isang iba ang naramdaman sa kanyang nakita. Paghanga! Ito si Ester na nakaabang at nakamasid kay Eddy. Nakita nya ang buong pangyayari mula pa lang ng kausapin ni Eddy ang lalaki. Sa unang sigaw palang ng lalake kay Eddy ay kaba na ang kanyang naramdaman at naisip nya na baka masaktan si Eddy. Ngunit sa kanyang nakita kahusayan ni Eddy sa pagtangol sa kanya sarili ay lalo syang humanga dito.

Di malaman ni Eddy kung ano ang nangyari. Di nya matanto kung paano nya nagawa ang mga nagawa nya kanina. Sa lahat ng mga tao ay siya ang pinaka nagtataka.

"Paano ko nagawa yun?" Pabulong na nasambit ni Eddy.

"Salamat kuya!" May munting tinig na nanggising sa ulirat ni Eddy.

"Apo! Kamusta ka nasaktan ka ba?" Patakbong salubong ng lolo ng bata.

"Di naman po ako nasaktan. Tinulungan ako ni kuya!" sagot ng bata.

"Nakita ko ang pangyayari! Salamat iho! Ano pangalan mo?" Pahangos na sabi ng lolo.

"Walang anuman po. Eddy po ang panganlan ko."

Inusisa ng lolo ang kanyang apo bago tumayo at lumapit kay Eddy.

"Nagpapasalamat akong muli sa iyo Eddy. Paano ko ba magagantihan ang aking utang na loob ko sa iyo?".

Napangiti lang si Eddy at sinabing "Walang anuman ang aking ginawa. Hindi nyo na po kailangan pang tumanaw ng utang na loob. Sino man po sa aking kalagayan ay malamang ganoon din ang kanyang gagawin." mahinahon na tugon ni Eddy.

"Maari ba kitang imbitahan kumain upang ika'y aking mapasalamatan ng pormal?" Tanong ni lolo.

"Hindi na po kailangan at kailangan ko na rin pong pumasok sa eskwela eh." Sagot ni Eddy.

"Kung gayon kunin mo ang aking tarheta maaari mo akong tawagan kung ikaw may kailangan na tulong. Maari ko bang malaman ang oras ng iyong uwi iho?"

"Mamaya pa po akong alas tres ng hapon ako makakalabas." Tugon ni Eddy.

"Kung gayon ipasusundo kita mamaya. Wag ka ng tatangi!".

Habang papaalis ang mag-lolo ay sya namang dating ni Ester sa tabi ni Eddy at sabay kapit sa kanyang braso.

"Mapakagaling mo naman sa suntukan" nakangiting sinabi ni Ester na may pagmamalaki.

Sinagot lamang ng ngiti ni Eddy ang mga tinuran ni Ester at nagyaya na syang pumasok sa eskwelahan. Habang wala ang kanilang guro ay minarapat nina Ester at Eddy na magreview para sa kanilang eksaminasyon. Pumasok si Bobby sa kwarto at nakita nya ang mga matamis na ngiti ni Ester habang kausap si Eddy. Agad na nakaramdam ng ingit si Bobby sa sitwasyon. Naisip niya na napaka-unfair ni Ester sa kanya. Sa lahat ng kanyang mga ginawa ay puro pagsusungit lang ang kanyang natatangap mula kay Ester. Sa kanyang isipan kailangan nyang makaganti ngunit hindi kay Ester ang tuon ng kanyang galit kundi kay Eddy. Akmang lalapitan nya ang dalawa ng biglang dating ng kanilang guro. Nagsipagpulasan at umupo ang kanilang mga kaklase kaya napilitan din si Bobby nag umupo sa kanyang upuan. Pinaghanda sila ng kanilang guro upang simulan ang eksaminasyon. Nagsimula ang kanilang eksaminasyon, mababatid ang kahirapan ng eksaminasyon dahil halos walang kibo at pinapawisan ang lahat. Si Eddy ay batid ang konpyansa sa kanyang mga sagot. Makikita mo sa kanya ang pagiging handa sa eksaminasyon. Matapos ang pagsagot ni Eddy ay kanya nilingon ang kanyang mga kaklase upang mabatid kung sino ang tapos na. Napansin ni Eddy si Bobby na may maliit na papel na nakatago sa kanyang Calculator. Laking gulat nya na kanya nababasa ang mga nakasulat sa papel sa layong 5 metro. Isa pa sa pinagtataka nya ay pano nya ito nababasa na parang isang napakalaking karatulang nakasabit sa dinding gayun ang sulat nito ay sadyang napakaliit na halos pinagkasya ang lahat ng mga formula na kanilang natutunan sa loob ng isang maliit na papel.

Hindi napansin ni Eddy na nakatingin ang kanyang guro sa kanya. Minasdan ng kanyang guro kung san sya nakatingin at natukoy nya na si Bobby ang kanyang tinitignan. Lumingon ang guro kay Bobby at napansin nyang may hinuhugot si Bobby sa kanyang calculator. Nilapitan ng guro si Bobby. Laking gulat ni Bobby ng napansin nyang nasa harapan na niya ang kanilang guro. Dahil sa kanyang pagkagulat ay naihulog niya ang kanyang calculator. Napatingin ang kanyang guro sa nahulog at napansin ang maliit na papel.

"Mr Lopez ano ang ibig sabihin nito? Lumabas ka na at puntahan mo ako sa Deans Office mamayang alas singko ng Hapon!" pagalit na utos ng guro.

Pagkatapos ng eksaminasyon pumunta ang mga kaibigan ni Bobby sa kanilang tambayan upang damayan sya.

"Alam mo ba kung pano ka nahuli ng ating guro?" tanong ng kanyang kaibigan na may parang nais isumbong.

"Si Eddy! Nakita ko ang pagtititig ni Eddy sayo at dahil dun napansin ng guro at kaya ka nya pinuntahan."

"Hayop na Eddy yan! kaya pala walang pasubali ang ating guro at parang alam nya ang aking ginagawa." pagalit na tugon ni Bobby. "Magbabayad sya!"

Nagpunta si Eddy sa Gym upang magpraktis ng basketball. Hindi pa sya pinagpawisan sa paglalaro ng mag-isa ng biglang dumating si Bobby at kasama ang limang kaibigan.

"Hoy Eddy! ikaw ang nagpahamak sakin sa ating guro! Humanda kang magbayad ngayon!" Pasigaw na pagbabanta ni Bobby.

"Anong kinalaman ko sa pagkakahuli mo sa inyong pandaraya?" sagot ni Eddy.

"Nagmamaang-maangan ka pa! Upakan nyo na yan!" utos ni Bobby sa kanyang mga kaibigan.

Iba talaga nagagawa ng pera. Mapapakilos mo ang mga tao sa kahit anong iyong gusto. Malakas manlibre si Bobby sa kanyang mga kaibigan kaya lahat ng mga ito ay para bang kanyang mga tautahan. Walang kaabog-abog ay nagsisugod nang kanyang mga kaibigan kay Eddy. Patakbo silang nagsisugod mula sa di kalayuan. Di mawari ni Eddy ang kanyang gagawin. Lima laban sa isa? Napaka unfair naman yata. Napatangan sya habang parating ang mga kaaway. Unang suntok ang pinakawalan ng nauuna sa kanila. Tila ba naulit muli ang mga pangyayari kaninang umaga. Parang napakabagal ng dating ng suntok ng mga ito sa kanyang paningin. Dahil sa patakbong suntok at pag-iwas nya sa mga suntok, bawat isa sa mga kaaway ang nagsitumbahan. Naiwasan nya lahat ng suntok habang hawak pa rin nya ang kanyang bola. Habang nagtataka si Bobby kung paano nagawa ni Eddy ang pag-iwas na para bang sya ay nagsasayaw lamang. Sinubukan nyang sumugod kay Eddy upang sya naman ang sumuntok. Upang di makasugod si Bobby ipinasa ni Eddy ang bola sa kanya gamit ang dalawang kamay. Sa bilis ng kanyang pagpasa at hindi ito nasalo ni Bobby at tumama sa kanya tiyan. Sa lakas ng tama ay tumalsik at bumagsak sya ng paupo at sumadsad ng 5 metro paatras. Pakiramdam ni Bobby na para syang nabanga ng isang sasakyan sa lakas. Gulat na gulat sya sa pangyayari at sa sobrang sakit naluwa ang kanyang mata at halos di makahinga. Napilitan syang humiga sa sobrang sakit. Nagtakbuhan ang kanyang mga kaibigan papunta sa kanya upang sya ay tulungan. Takot ang naramdaman ng kanyang mga kaibigan ng kanilang tignan si Bobby at lingunin si Eddy. Nakatayo si Eddy sa di kalayuan na may pagtataka. Alam nya na di naman gaanong kalakasan ang kanyang ginawa ngunit iba ang resulta nito.

Prrt!

Isang pito ang pumukaw sa atensyon ng mga tao. Dumating ang guard upang mapigilan ang kaguluhan.

"Ano ang nangyayari dito?" pasigaw na tanong ng guard.

"Wala pong nangyayari dito, medyo napalakas lang ang bato ng bola" tugon ng isa sa kanila.

"Itigil nyo na yan laro nyo at baka magkapikunan pa kayo!" utos ng guard na batid na di lang ito simpleng lalo kundi ay isang away.

Hindi na nag-antay si Eddy na paalis sila ng guard at sya na ay nagkusang umalis. Habang papalayo si Eddy ay tinitignan sya ni Bobby ng may pagbabanta. Pabulong nitong sinabi "Magbabayad ka sa ginawa mo!"